Carson's POV
Binuhat ko si Ezra hanggang sa makalabas na kami ng bar. Isinakay ko sya sa kotse ko atsaka umalis.
"Ano bang ginagawa mo Ezra? Bakit ka nagkakaganyan?"
Maya-maya bigla ko na lang sya narinig na parang umiiyak. Lumingon ako sa kanya tapos nakita ko syang nakapikit pa rin pero umiiyak.
"Ezra?"
"Carson.." nagmulat sya ng mata tapos humarap sa akin. "Sorry.. sorry sa lahat-lahat. Ano pa bang pwede ko gawin para mapatawad mo ako?" pinupunasan nya yung mga luha nya pero patuloy pa rin iyon sa pag-agos. "Please naman.. sabihin mo. Ayoko man sumuko pero.. nahihirapan nako eh."
"Kung nahihirapan ka tigilan mo na. Nagsasayang ka lang ng oras mo."
"Wala na ba talaga Carson?" hindi ako sumagot sa kanya at itinuon ko na lang ang sarili ko sa pagmamaneho. Maya-maya bigla ko sya narinig na tumawa.
"Grabe!" pinunasan nya ulit yung mga luha nya. "Hahaha! Ganito na ba talaga ako kadesperada? Pasensya na kung kailangan ko pa gumawa ng eksena kanina sa bar para lang makausap ka.. naabala pa tuloy kita. Yaan mo di na kita kukulitin."
"Saan ba kita ihahatid?" tanong ko sa kanya.
"Pakihinto na lang dyan sa may tabi. Okay nako dito."
"Malayo pa yung bahay nyo dito ah."
"Okay lang. magtataxi na lang ako. Please pakihinto na lang dyan sa tabi bababa nako."
Itinigil ko yung kotse sa may tabi ng daan. Lumingon ako kay Ezra.. matagal muna kami nagkatinginan bago sya bumababa.
Hindi muna ako umalis at sinundan ko muna sya ng tingin.
Ano bang naisip nya at bumaba pa sya? Baka kung ano pa mangyare sa kanya!
Tss.. pasaway talaga!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ezra's POV
Wala na talaga..
Naka-move on na sya... kaya dapat ganun na lang din gawin ko.
"Tch. Loka-loka ka talaga Ezra.. NAPAKADESPERADA MO! lesheng puso to! nakakabwiset!"
"Aray!" Omoooo! T__T