entry #53 ferris wheel

99 3 0
                                    

Ezra’s POV

After ng nangyari dun sa ospital..nakapag-decide nako na tutuparin ko yung nasa wishlist ni Yuji. Niyaya ko sya na pumunta sa amusement park para sa first wish nya na sumakay ng ferris wheel kasama yung taong mahal nya.

“Yuji. Ang ganda ng view dito sa taas noh? Kitang-kita lahat!” nakatingin ako sa may labas ngayon at kumukuha ng mga pictures. Nakasakay nga pala kami ng ferris wheel ngayon. Medyo malapit na mag-gabi kaya kita mula dito sa taas yung sunset ^^

“Mas maganda yung view dito sa tinitignan ko ngayon.”

“Ha? Talaga? Saan??” lumingon ako sa kanya tapos nakatingin lang sya sakin then tinuro nya ako sabay ngiti.

“Ewan ko sayo Yuji. Ang korni mo ha! Haha!”

"Totoo naman eh. You're beautiful my princess :)"

"Yan tayo eh. haha! Tutal nagbobolahan na rin naman tayo dito...ehem! ANG GWAPO GWAPO NI YUJI!!!! SUPER! AS IN!!!!!"

"Hahahahaha!! Sira ka talaga! Alam ko naman na gwapo ako kaya nga tayo bagay eh."

"Hahaha.."

What if mas maaga ko sinabi kay Yuji na mahal ko sya...masaya kaya kami ngayon? or mas dapat ko ata itanong kung magiging kami pa rin kaya hanggang ngayon?? kung hindi kaya nangyare yung 100 days deal ano kaya nangyare sa relationship namin ni Yuji? Pero di naman ako nagsisi sa naging desisyon ko eh kasi naging masaya naman ako sa piling ni Carson at mahal ko talaga sya.

"Hime." napalingon ako bigla sa kanya. sobrang seryoso ng expression nya..anong nangyayare?

"Hmm? Bakit?" lumapit sya sakin at hinawakan yung kamay ko.

"Kung nalaman mo kaya agad yung sakit ko....pipiliin mo kaya ako?"

"Yuji..." bakit ganito sya magtanong? ano ba dapat ko isagot? pero kung nalaman ko kasi agad yung sakit nya malaki yung posibilidad na sya nga yung piliin ko.

"Nevermind..sorry hime ha? hindi dapat ako nagtatanong ng ganun."

"Yuji...alam mo na mahalaga ka sakin. simula nung bata pa lang tayo ikaw na yung kasama ko at lagi nagtatanggol sakin. kaya nga kita minahal di ba? kung sinabi mo siguro agad yung condition mo...hmm. alam mo naman na mas pipiliin kita eh. di lang naman kasi kita basta best friend lang...para na rin kitang kapatid, kuya, minsan nga parang tatay na rin kita...tsaka boyfriend."

"Pero dati na yun eh. Hindi na ako yung mahal mo...ang bagal ko naman kasi eh. naunahan ako ng takot ko."

Bakit ganito? Di ko maexplain yung nararamdaman ko ngayon. Para bang andami ng tumutusok ngayon sa puso ko na ang hirap hirap ng huminga.

"Wag mo nga sisihin yung sarili mo. Wala ka naman kasalanan eh. Naiintindihan din kita kasi ganun din naman yung naramdaman ko. wala naman may gusto nito."

"Hime...i love you." napalingon ako ng dahil sa sinabi nya. alam ko naman na yan pa rin yung nararamdaman nya sakin...pero di ko naman akalain na sasabihin nya ulit yan.

"Yuji.."

"Sorry..alam ko dapat nag-move on na ako. Pero hindi ko kaya eh...mahal talaga kita Ezra. Alam ko may boyfriend ka ngayon..wala naman ako balak guluhin kayo eh. Gusto ko lang talaga malaman mo na mahal kita. Mahal na mahal kita Ezra."

"Alam ko naman yun Yuji." anong dapat ko gawin? gusto ko sya maging masaya...kung deisidido talaga ako na tuparin yung nasa wishlist nya...then kailangan ko mag-sacrifice. pero tama ba talaga tong gagawin ko? Paano na si Carson?

Ang hirap naman magdesisyon. Marami na sinakripisyo si Yuji ng dahil sakin...pero kung gagawin ko naman yung nasa wishlist nya masasaktan ko si Carson. Pero gusto ko maging masaya si Yuji. HAY! NAMAN!!! ANG HIRAP!!!!

"Sorry hime.." tumayo ako lumapit sa kanya.

"Hindi Yuji wag ka mag-sorry. wala kang kasalanan."

"Hime...pwede bang akin ka na lang?" hindi ko alam kung ano dapat kong isagot. namalayan ko na lang na hawak nya na pala yung kamay ko. Unti-unting lumalapit yung mukha ni Yuji sa mukha ko kaya bigla ko syang naitulak.

"Yuji!" lumayo ako sa kanya. hindi ko talaga kaya gawin! di ko nman pwede pilitin na mahalin si Yuji kasi alam kong si Carson talaga ang mahal ko.

"Sorry. Hindi ko dapat ginawa yun."

"Alam mo na may boyfriend ako. Ayaw kitang nakikitang nasasaktan pero hindi naman pwedeng pilitin ang sarili di ba? Special ka sakin pero bilang best friend lang.."

Biglang tumigil yung ferris wheel at bumukas ang pinto. Nauna na akong lumabas sa kanya at nagdire-diretso lang. Ayoko talaga ng ganitong feeling.. dapat masaya tong araw na to eh pero anong nangyare? hayy.

 ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 Yuji's POV

NAIINIS AKO SA SARILI KO! BAKIT KO BA KASI GINAWA YUN?!!

Alam kong sila pa ni Carson.. pero kasi mahal ko talaga sya.

Ilang beses nako nagpaparaya kaya wala naman siguro masama kung magpapaka selfish ako kahit ngayon lang? hay! mali to!

lalabas na sana ako ng ferris wheel ng bigla ako may narinig na nagriring. napatingin ako sa inupuan kanina ni Ezra.. naiwan nya yung bag nya.

Kinuha ko ito at hinanap yung phone nya.

 Carson <3 calling...

"Bee!" - Carson

[Hello?] - Yuji

"Sino ka? Bakit nasayo yung phone ni Ezra??"

[Si Yuji to.]

"Yuji?? Nasaan si Ezra? Bakit ikaw may hawak ng phone nya?"

[Naiwan nya kasi yung bag nya pagkatapos namin sumakay ng ferris wheel.]

"Ferris wheel?? Teka nga lang.. nasaan na ba si Ezra? Gusto ko sya makausap."

[Magkasama kami ngayon kaya mamaya ka na lang ulit tumawag.]

"Anong sinasabi mo? Pakibigay na nga lang yung phone kay Ezra gusto ko sya makausap."

[Ilang beses mo na sya nakasama.. nagparaya ako kaya sana ngayon hayaan mo kami.]

Pinutol ko na yung tawag. Mali yung ginawa ko.. pero bakit parang wala akong mramdamang lungkot? ganun na ba ako kadesperado? pero gusto ko lang naman makasama si Ezra at masolo sya kahit ngayon lang.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

ITUTULOY! :)

Sa mga nakabasa po ng chapter na to dati.. medyo binago ko po sya kaya pasensya na po kung naguluhan kayo.

VOTE?

COMMENT?

FAN/FOLLOW?

Be Your Everything  ♥ (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon