A/N: HELLO! :D pasensya na ngayon na lang ulit ako mag-uupdate. naging busy lang...palagi kasi may mga pinupuntahan.
May isa rin akong problem kung bakit di ako nakakapag-update kasi di ko alam kung paano or ano yung gagawin ko sa mga susunod na chapter. hindi kasi ako magaling pagdating sa paggawa ng drama scenes pero im doing my best naman eh. its just that...more on fluff scenes kasi ang kaya ko tsaka pwede na rin sa comedy hahaha! pasensya na po talaga...sana suportahan nyo pa rin tong story ko kahit ano man maging kalabasan ng mga susunod na chapter. im really doing my best para mapaganda pa yung flow ng story.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Yumi's POV
(Remember nyo yung friend ni Ezra na naka-chat nya sa facebook?? Sya si Yumi.)
Ang bigat nanaman ng pakiramdam ko ngayon. Pero i have to be strong..di ko pwede ipakita na mahina ako kasi alam kong malulungkot sya.
As usual nandito ulit ako sa ospital para bisitahin sya. Kakalabas ko pa lang ng elevator ng may makita akong isang familiar na babae na umiiyak.
Unti-unti akong lumapit para kumpirmahin kung tama nga yung nakikita ko.
"Mayen??" agad naman napalingon sa akin yung babae pati yung isa nya pang kasama na babae.
"Yumi!" tumayo si Mayen at niyakap ako. Umiiyak sya ngayon...naalala ko tuloy nung unang beses kong nalaman yung kalagayan ni Yuji. ganitong-ganito rin ako nun...hindi ko mapigilan yung pag-agos ng mga luha ko. Ang sakit lang kasi isipin na yung dating malakas at masayahin namin na kaibigan ay naka-confine ngayon sa ospital at malala yung sakit.
"Alam mo na pala.." yun na lang yung nasabi ko sa kanya. ang alam ko kasi ayaw na ayaw talagang ipasabi ni Yuji yung kalagayan nya kay Mayen kasi ayaw nyang makita sya nito na nagsa-suffer.
Ganun nya kamahal si Mayen.....kaya nyang gawin at tiisin lahat para sa kanya.
"Alam mo rin??" humiwalay sa pagkakayakap si Mayen at tinignan ako ng deretso. nag-nod lang ako sa kanya bilang sagot.
"Ako na lang ba talaga yung hindi nakakaalam ng condition nya??"
"Uhh..Mayen. Ayaw kasi ipasabi ni Yuji.."
"Ano?! bakit??"
"Mag-usap tayo Mayen..sasabihin ko na sayo lahat pero wag dito. baka makita tayo ni Yuji or nung mama nya." nagpaalam muna kami kay Ate Lovely then umalis na kami ni Mayen.
Dinala ko sya sa garden dun sa ospital. Wala masyadong tao dun pero may ilan-ilang mga pasyente na baka nagpapahangin lang.
"Tell me..bakit ayaw ipaalam sakin ni Yuji?? Tsaka kelan mo pa alam to?" tanong sakin ni Ezra.
"Natatandaan mo nung last time na nagka-chat tayo? Di ba sabi ko sayo hindi ko alam kung ano nangyayare kay Yuji? Totoo yun. Nag-worry ako nun kaya pumunta ako sa bahay nila at sinabi nga nung mama nya na nasa ospital daw si Yuji. Pinuntahan ko sya agad at tulad mo...di ko napigilan yung sarili ko at napaiyak din ako. buong araw akong nasa ospital nun pero hindi ako nagpapakita kay Yuji hanggang sa nilapitan nako ng mama nya at kinuwento lahat." hinawakan ko yung kamay ni Mayen kasi parang naiiyak ulit sya.
"Anong sinabi ng mama ni Yuji?"
"Nung bata pa si Yuji akala nila simpleng asthma lang yung meron si Yuji pero isang araw nakita daw nila si Yuji na sobrang namimilipit sa sakit kaya dinala daw nila ito sa ospital. Nalaman nila na may butas yung puso ni Yuji...lumala na daw yung sakit nya kasi hindi sya agad nadala sa ospital nung bata pa lang sya." tuluyan ng naiyak si Ezra kaya niyakap ko na sya.