Ezra's POV
Binubuklat ko pa rin yung sketch pad na iniwan ni Yuji.......puro ako lang yung naka drawing dito.
Pero may isang page dun na nakakuha ng attention ko.
Wishlist:
- gusto ko pumunta ng amusement park at sumakay sa ferris wheel :)
- nakakahiya man sabihin pero gusto ko magkaroon ng first kiss. -__-
- gusto ko maranasang ikasal sa taong mahal ko.
Bakit meron syang ganyan?? Tsaka...wala pa syang first kiss? Akala ko madami na syang naging girlfriend dati.....kahit isa dun wala??
Nagulat ako nung biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko kaya naisara ko agad yung sketch pad na hawak ko.
"Ezra? Umiyak ka ba?" Omoooo! Eto na nga ba sinasabi ko eh! Bakit kasi pumasok pa si ate dito sa kwarto ko! Ano na sasabihin ko nyan? >__<
"Ah...hindi noh! tss. bakit naman ako iiyak?" S-I-N-U-N-G-A-L-I-N-G! OO NA! Sana lang talaga hindi mahalata ni ate na nagkukunwari lang ako...
....sana mapigilan ko tong luha ko kasi parang naiiyak nanaman ako. kaasar naman oh! ayoko na umiyak!
Nagulat ako nung biglang lumapit si ate sakin tapos niyakap ako. WAAAAH! Ate naman eh! Naiiyak na talaga ako!!! TT^TT
"Of all people...sakin ka pa talaga nagsinungaling."
*wapaaak*
"ARAY NAMAN ATE! makabatok naman!"
"Nakakainis ka eh! Akala mo ba maloloko mo ako?? Bata pa lang tayo kilalang-kilala na kita. lahat ng kalokohan mo at secrets mo alam ko....kaya wag ka na magkunwari."
"Ate naman kasi eh. pinapaiyak mo nanaman ako! ayoko na nga umiyak!" ayan na! tumulo nanaman yung mga luha ko. T_T
Pinunasan ni ate yung mga luha ko tapos niyakap ulit ako kaya niyakap ko na din sya.
"Ano bang problema?" tanong ni ate.
"Si Carson kasi....tumawag sya kanina. akala ko magiging maayos pag-uusap namin kasi miss na miss ko na rin sya..pero hindi eh. nag-away lang kami...ang sakit lang nung mga sinabi nya. sabi nya mahal nya ako pero bakit ganun? sinasabi nya na baka enjoy na enjoy na daw ako kasama si Yuji at nakalimutan ko ng may boyfriend ako. wala syang tiwala sakin eh...ang sakit lang."
"Intindihin mo na lang sya Ezra...galit lang yun kaya nya nasabi yun. Tsaka baka nag-aalala lang yun sayo....miss na miss ka na rin nun."
"Namimiss ko na rin naman sya eh! Kung alam nya lang! Gustong-gusto ko na bumalik sa Pilipinas para makita sya....."
"Don't worry 2 days na lang naman babalik na rin tayo."
"Ate....may nababanggit ba si Yuji sayo?"
"H-ha? ano naman yun?"
"May iniwan kasi syang sketch pad sa tapat ng pinto tapos may nakaipit na letter. sabi nya sinadya na daw di pumunta dun sa bar. ayaw nya na daw kami magkita tapos gusto nya pa kalimutan ko sya."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Lovely's POV
May POV ako? ayos ah! :)
Okay balik na sa kwento.......nasa kwarto ako ni Ezra ngayon. Eto na nga ba sinasabi ko eh.....dapat kasi sinabi na ni Yuji kay Ezra para alam nya na...ako pa tuloy tinatanong nya ngayon. Anong sasabihin ko?? Ang hirap naman kasi sabihin eh! Pero may karapatan naman syang malaman......
"Ate..ano ba talaga nangyayare kay Yuji? May problema ba sya na hindi sinasabi sakin?" OO! May malaki syang problema Ezra......at kailangan ka nya ngayon. kaso si Yuji ayaw naman ipasabi! tss!
"Ahh....hay. KASI NAMAN EH!!!" >___<
"Ate? Anong problema?"
"Ezra..matulog ka na muna. wag mo na lang muna isipin yung mga nangyayare. bukas may pupuntahan tayo. okay? oyasumi :)"
"Oyasumi.." humalik na ako sa forehead nya then lumabas na ako ng kwarto nya.
Hindi ko mapigilang hindi umiyak...lalo na tuwing naiisip ko si Yuji at magiging reaction ni Ezra. Bakit kasi kailangan pa nila maranasan to? Grabe lang talaga......ngayon pa lang parang sumisikip na yung dibdib ko sa sakit. Bakit kailangan mangyare to? T_T
Kinabukasan..
Namumugto yung mga mata ko dahil sa kakaiyak tsaka hindi rin ako nakatulog buong gabi. Naligo na lang ako tapos nag-ready para sa pupuntahan namin mamaya....hihintayin ko na lang magising si Ezra.
"Morning ate...aga mo naman nagising?" sabi ni Ezra na kakagising lang. mukha na rin syang zombie kasi pati sya namumugto yung mga mata.
"Ah oo. nag-exercise kasi ako kanina. kain ka na ng breakfast tapos mag-ready ka na kasi aalis tayo :)"
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nag-ddrive ako ngayon at kasama ko si Ezra. Wala pa rin sya idea kung saan kami pupunta...tama ba tong gagawin ko? di ba ayaw nga ipaalam ni Yuji yung nangyayare sa kanya? Pero malalaman din naman kasi yun ni Ezra....tsaka karapatan nya rin malaman yun.
"Ate? Bakit mo hininto yung kotse?" tanong ni Ezra.
"We're here" ngumiti lang ako sa kanya ng pilit then nauna na akong bumaba sa kanya.
Grabe. sobrang bilis ng tibok ng puso ko. kinakabahan ako........hindi! kailangan ko lakasan loob ko! kailangan ako ni Ezra ngayon kaya dapat maging matatag ako.
"Ate....bakit tayo nandito? buntis ka ba? magpapa check-up?"
"Sira. paano ako mbubuntis eh wala nga ako asawa."
"Eh b-bakit nga kasi tayo nandito??" nafi-feel ko na kinakabahan si Ezra. siguro may idea na rin sya kung bakit kami nandito sa ospital...
Sumakay kami ng elevator. Room 503.
Pagbukas ng elevator lumabas na ako..pero si Ezra nanatili lang na nakatayo at hindi gumagalaw. Hinawakan ko yung kamay nya kaya napatingin sya sakin.
"Tara na."
Room 503.
Papalapit na kami sa room na yan....nararamdaman ko rin na unti-unting bumabagal yung paglalakad ni Ezra.
Hanggang sa.....
"Ate! Bakit ba talaga tayo nandito?! Ayoko dito! Wala naman tayong dadalawin dito di ba?! Umalis na nga tayo!"
"Ezra....." Tinuro ko yung lalakeng nakahiga sa loob ng room. may glass window kasi dun kaya makikita mo kung sino yung nasa loob.
Napaupo na lang si Ezra tapos umiyak. niyakap ko lang sya...hindi ko na rin napigilan kaya napaiyak na rin ako.
Ang sakit.....bakit ganito?? Bakit sya pa? Marami naman iba dyan na msamang tao! Bakit kelangan sya pa yung makaranas nun?? T_T
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
ITUTULOY :)
Si Ate Lovely nga pala yung picture sa gilid ------------------> ganda noh?? :D
Please VOTE and COMMENT! ^^