entry #52 missing you..

96 3 2
                                    

Ezra's POV

After ko makausap si Yumi nagpasya muna akong umuwi kasi gusto ko ihanda yung sarili ko. Ayoko rin na kapag humarap ako kay Yuji eh mahalata nyang umiyak ako kasi malulungkot yun.

Nakahiga lang ako ngayon dito sa kama ko at nakatitig sa kisame. Naputol ako sa aking pag-iisip ng biglang nag-ring yung phone ko kaya agad ko naman itong sinagot.

Carson calling...

"Hello?" mga ilang segundo muna ang lumipas bago ko narinig yung boses ni Carson.

[Ezra...]  galit pa rin kaya sya?? pero parang di naman galit yung boses nya eh.

"Bee. galit ka pa rin ba? sorry na oh." grabe naiiyak nanaman ako. ang iyakin ko talaga! hayy.

"Di na ako galit bee. sorry din kasi alam ko naman na may mali din ako. nasaktan kita kaya sorry..mapapatawad mo ba ako?"

"Oo naman! Miss na miss na kita bee!" TT^TT di ko na talaga mapigilan yung iyak ko...halos isang buwan na rin kasi kaming di nagkikita.

"Promise pagkatapos talaga ng mga ginagawa at work ko dito pupuntahan na kita dyan sa Japan. miss na din kita bee."

"Work? may mga offers pa rin sayo kahit bakasyon?"

"Ah oo. mas madami nga work kapag bakasyon kasi marami ako free time."

"Aww. okay rin naman yun eh kasi atleast mas nakikilala ka na sa modeling :)"

"May nag-offer nga sakin na company sa france kaso pinag-iisipan ko pa kung tatanggapin ko."

"Bakit naman? magandang opportunity na yun!"

"Ang layo kaya ng france. Tsaka 3 years ang magiging contract ko dun...ngayon pa nga lang na nasa Japan ka sobrang namimiss na kita lalo na kaya dun."

"Hayy. Kamusta ka na nga pala?"

"Ayos lang naman ako. madalas nga lang pagod dahil sa work. ikaw? baka nagpapabaya ka dyan ha?? wag ka nagpapalipas ng gutom bee ang payat mo na nga eh. baka magkasakit ka pa nyan."

"Ayos naman ako..."

"Sigurado ka? bakit parang ang lungkot mo ata?"

"Medyo pagod lang. may pinuntahan kasi kami kanina ni ate kaya ako napagod."

"Sige na bee. pahinga ka na para maging okay ka na ulit. I LOVE YOU BEE! SOBRA!"

"Mas mahal kita bee tandaan mo yan. lahat gagawin ko para sayo...mahal na mahal kita :)"

"Sige na...bye. ingat ka palagi."

"Bye."

Ang hirap pala magpaalam sa taong mahal mo noh? yung tipong miss na miss mo na talaga sya kaya sabik ka na marinig kahit boses lang nya tsaka yung tipong mag-iisip ka na ng kahit anong topic kahit walang kwenta para lang hindi na matapos yung pag-uusap nyo...kaso may mga bagay talaga na kailangan na tapusin kahit labag sa loob mo.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Yuji's POV

1 week later..

"YUJI!!!" napalingon ako sa likod dahil narinig kong tinawag nya yung pangalan ko. kinuha ko na agad yung basket na naglalaman ng mga kailangan namin para mamaya at nagmadali ng pumasok sa loob ng kotse.

"Hime..ganyan ka ba ka-excited sa pupuntahan natin ngayon? :)" (hime = princess)

"Ang tagal mo kasi eh! marami pa tayong gagawin! ^^"

"Okay, okay. eto na nga eh aalis na tayo haha!" ini-start ko na yung kotse at nagsimula ng mag-drive.

Oo nga pala. After 5 days ng pag-stay ko sa ospital pinayagan na ulit ako makalabas kaya nga kasama ko na ngayon si Ezra para mamasyal. Nung pangatlong araw ng stay ko sa ospital bumisita sakin si Ezra at sinabi nyang alam nya na yung condition ko...inexpect ko naman na magagalit sya sakin pero di rin naman yun nagtagal kasi sabi nya di naman daw nya ako matitiis. tsaka tama naman yung sinabi nya....kailangan ko sya ngayon.

"Hay! Super excited na talaga ako!! Andami ko gusto sakyan na rides! pero syempre dapat hinay-hinay lang tayo kasi alam mo naman na bawal ka mapagod."

"Yes ma'am!"

Wala pang isang oras nakarating na rin kami sa amusement park. Ang dami ng tao kasi weekend din. Karamihan ng mga nandito mga bata at family..may ilan din naman na mga couples na nagde-date.

"Tara na Yuji!!!!!" hinawakan ni Ezra yung kamay ko tsaka  sabay na kami pumasok sa loob. Ang sarap sa feeling kapag kasama mo yung taong mahal mo lalo na kung magka holding hands pa kayo habang naglalakad. Alam ko naman na may boyfriend sya pero....ngayon lang naman ako magpapaka selfish. kahit ngayong araw lang...

"Saan mo gusto una sumakay na ride?" tanong ko kay Ezra.

"Hmm? Carousel tayo!! hahaha!"

"Seryoso ka??"

"Oo naman! Tara naaaa! Daliiii!" wala nako nagawa kasi hinila nako ni Ezra sa Carousel. Tsaka makita ko lang yung mga ngiti nya tulad ngayon okay nako :)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

ITUTULOY!!

sensya na po isang page lang to ngayon. dudugtungan ko na lang po ito kapag mas marami na akong time ^__^v

HAPPY BIRTHDAY KAIDEN!!! :D

VOTE?

COMMENT?

FAN/FOLLOW?

Be Your Everything  ♥ (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon