Pagkarating namin sa bahay ni Ate Lovely dumiretso na agad ako sa kwarto ko. Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama at tumitig lang sa kisame.
Bakit ba nangyayare to? Dati naman okay lang ang lahat pero sa isang iglap bigla na lang naging komplikado. Sobrang nasasaktan nako sa mga nangyayare.. Ano bang dapat kong gawin?
Napabangon ako bigla ng marinig kong tumunog ang cellphone ko. Agad kong kinuha ang bag ko at hinanap doon ang cellphone ko.
Carson <3 calling...
"Hello bee.." - ezra
[Mabuti naman at ikaw na ang sumagot ng phone mo. Nag-enjoy ka ba?!] - Carson
"Ha? Di kita maintindihan? Anong sinasabi mo?"
[Magksama kayo ni Yuji kanina di ba?? Akala ko ba may sakit sya? Akala ko ba mag best friend lang kayo? Pero bakit ganun? Ang saya saya nyo dyan at nakuha nyo pa mag-date pero AKO hindi mo manlang iniisip! Wala ka na ba pakialam sa nararamdaman ko? bee naman!]
hindi ako makasagot sa kanya kasi hindi ko na mapigilan ang pag-iyak ko. hindi ko naman sya masisi kung magalit sya sakin ngayon kasi alam kong may pagkukulang nga ako sa kanya... at guilty rin ako kasi alam ko sa sarili ko na muntik nako mag-cheat sa kanya kanina.
"Sorry na bee. Ginawa ko lang naman yun kasi--"
[Kasi sya na yung mahal mo ngayon?! Ano ba talaga ha?! Ezra... nasasaktan nako sa nangyayare. Ano na ba nangyare satin?]
mas lalo ako naiyak nung nakarinig ako sa kabilang linya ng mga hikbi tanda na umiiyak si Carson.
"Mahal kita Carson.. mahal na mahal to the point na gagawin ko lahat para sa ikakabuti mo. basta lagi mo lang yun tatandaan."
[Mas mahal kita bee kaya ako nasasaktan ng ganito.]
"Sorry Carson.. nahihirapan na rin naman ako ehh. di ko alam kung anong dapat kong gawin.."
[Kung hindi mo na kaya.. nandito lang naman ako eh! Gagawin ko lahat para sayo bee. Kaya kong iwan yung career ko dito para lang samahan ka dyan.]
"Wag Carson.. please."
[Mahal kita Ezra.. please hayaan mo na akong gawin to. Hayaan mo na akong sumunod sayo dyan kasi kapag tumagal pa to hindi ko na alam kung kakayanin ko pa. Gustong-gusto na talaga kita makita bee.]
"Di ko na alam bee.. tsaka na lang ulit tayo mag-usap kapag pareho na tayong handang intindihin ang isa't-isa. basta lagi mo lang tandaan na mahal kita.... and im really sorry bee.."
Pinutol ko na yung call at humiga ulit sa kama.
Andami ng nangyare ngayong araw.. pinagdadasal ko na lang talaga na maging maayos na ang lahat at bigyan pa ako ng lakas para harapin lahat ng problema.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
(Nakaka-miss na sa Pinas! Ano na kaya nangyare dun sa ibang friends ni Ezra??)
Erwin's POV
Ms. Author naman! Bakit pati ako may POV? Di pa ako ready!
(Well my dear.. dapat nga matagal na to. Masyado ng huli sa balita yung ibang readers kaya dapat ko na ilagay yung part mo/nyo.)
OKAY.
----------
May malaki akong problema. May tao akong mahal at for sure kilala nyo na sya.... PERO may mga bagay talaga na dumadating sa buhay natin ng di natin inaasahan. Naalala ko pa yung mga napag-usapan namin dati nila Matt habang nag-iinuman kami.