entry #37 pick-up lines XD

127 3 0
                                    

Alam nyo yung feeling na parang ang gaan ng pakiramdm mo? parang lahat na lang ng bagay nakaka good vibes. sino ba naman hindi matutuwa kung pagkagising mo may text ka na agad galing sa mahal mo? tapos eto pa..paglabas ko ng bahay nakita ko agad sya dun na naghihintay :)

"Good Morning bee :)" lumabas muna ako ng gate at sinara ito.

"Ang aga mo ata? anong ginagawa mo dito? :)" okay. kinikilig po ako! hahaha! ang OA mo Ezra..wala pa nga sinasabi kinikilig ka na! XD

"Sinusundo ko yung mahal ko."

"Eh bakit? sino ba yung mahal mo?" ANG  KESOOOOOOO! OKAY! pagbigyan nyo na ako! hahaha!

"Si Ezra Mayen Tan. yung future wife ni Carson :)"

"Hahahaha! Ang advance mo masyado ha?"

"Ganun talaga. hahaha!"

"Tara na? :)" pumasok na kami pareho ni Carson sa kotse nya at umalis.

 Habang nasa biyahe nanaman kami. Pinapatugtog nya ulit yung 'Be Your Everything' hay never ata akong mauumay at magsasawa sa kanta na to. :)

I'll be your shelter

I'll be storm

I'll make you shiver

I'll keep you warm

whatever weather. baby i'm yours

I'll be your forever be your fling

baby i will be your everything

"Carson. nagtext sakin kahapon si Zarah..nagyayaya sya mag-beach sa bakasyon. go ba tayo?"

"Oo naman. saan daw ba?"

"Hindi pa daw alam. Kaya nga kung okay lang daw..mag-usap-usap daw tayo mamaya para okay na."

"Ah sige."

"Grabe ang bilis talaga ng panahon. malapit na ulit magbakasyon..tapos second year na ako."

"oo nga eh. biruin mo yun..nairaos mo yung freshmen year mo haha"

"Oo nga eh. haha."

"Pano kaya kung sakaling hindi tourism yung course mo? tapos hindi ako yung na-assign magbantay dun sa section nyo nung orientation? magkakakilala pa rin kaya tayo?"

"Siguro? Hindi naman siguro tayo aabot sa ganito kung walang dahilan di ba? tsaka si God na rin siguro yung gumawa ng way para magkakilala tayo...i mean makilala kita :)"

"eh bakit ang seryoso mo ata bigla? hahaha! parang wala ng bukas ah? HAHA!"

"wow ha! ikaw nga tong biglang naging seryoso eh. hahaha!" ang gulo gulo talaga nitong si Carson minsan. pero kahit ganyan yan mahal ko yan. oh di ba? ang KESO ko bigla! kahit ako nakokornihan sa sarili ko eh XD

Pagbigyan nyo nako...IN LOVE eh!! :D

"Eto mahirap dito sa school natin eh tuwing umaga. ang hirap maghanap ng parking slot."

"Ganun talaga. rich kids mga estudyante dito eh. ako lang naman tong naligaw na dukha dito hahahaha!" after ilang minutes ng pag-iikot sa parking lot..nakahanap na rin ng pwesto si Carson.

"Bee."

"Oh?" WAAAAAAAH! NAKAKAINIS TALAGA TONG SI CARSON! lagi nya na langa ko binibigla! eh kasi  naman! palingon ko sa kanya sobrang lapit na ng mukha nya sakin! as in konting kalabit na lang maglalapat na lips namin! >.<

"Nasabi ko na bang ang ganda ng mga mata mo? ang tangos ng ilong mo. tsaka......" tapos biglang bumaba yung tingin nya sa mga labi ko.

"Carson kung ano man yang naiisip mo maghunusdili ka. nasa school tayo."

Be Your Everything  ♥ (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon