Mine's POV
"Mga ateng!!! Namiss ko kayo!!" niyakap ko agad si Ezra at Zarah pagkalapit ko sa kanila. Grabe! Sobrang miss na miss ko tong dalawang babaeng to!
"Namiss din kita Mine! Ang tagal natin di nagkita ah? Kamusta na??" tanong naman ni Ezra ng makalayo na kami sa isa't-isa. Umupo muna kami sa mga vacant chairs dun sa SAC.
"Ayun okay naman ako. Masaya naman ang life ko so far. Ikaw? Kamusta ka na?? Ang tagal mo nag-stay dun sa Japan ha?"
"Naka-graduate naman ako ng maayos dun tsaka nakahanap din naman ako agad ng work. Masaya naman ako kahit papaano." ngumiti ito pero hindi manlang ito umabot sa mga mata nito. hanggang ngayon kaya malungkot pa rin sya sa naging end ng relationship nila ni Carson?
"Kayo na lang ba magkakamustahan dyan? Di ba kayo curious sa nangyare sakin? Tss." singit naman bigla ni Zarah na dahilan ng pagbalik ng masayang mood namin.
"Tampo ka nanaman agad! Ito talaga! Haha! Osya.. ano na nga pala ang balita sayo?" tanong ko kay Zarah na halatang excited magkwento. Actually pareho naman kaming nasa Pinas nyan ni Zarah kaso sa sobrang busy namin pareho lagi.. bihira na lang din kami makapag-bonding.
"Tulad nga ng sinabi ko kay Ezra kanina. May bagong lovelife ako!"
"Talaga?? Buti naman! Kelan mo naman sya balak ipakilala samin??" - me
"Kakatext lang nya sakin kanina sabi nya malapit na daw sya dito. Ipapakilala ko sya sa inyo pagdating nya."
"Teka nga pala.. bakit ba dito nyo napili na magkita-kita tayo?" Tanong ko sa kanilang dalawa. Nasa St. Louis University nga pala kami ngayon. Ang aming mahal na pamantasan! XD
"Nakaka-miss na kasi dito ehh. Tsaka dito na rin ako nag-apply ng work. Magiging professor nako dito." sabi naman ni Ezra.
"Wow naman! Professor ka na ngayon ha? haha!"
"New experience na din to."
"Pansin ko lang ha.. Saturday naman ngayon pero bakit wala atang mga estudyante? Dati naman nung pumapasok pa tayo dito may saturday classes tayo pero ngayon bakit walang students??" tanong ko sa kanilang dalawa. Medyo nakaka curious lang talaga kasi as in wala talagang ibang tao bukod sa amin tsaka sa ibang mga staff na nakasalubong namin kanina.
"Ang pagkakaalam ko kasi inalis na nila yung mga saturday classes dito except na lang sa mga students na kumukuha ng subject na NSTP. baka di lang natin nakikita ngayon kasi may class pa."
"Ohh okay." yun na lang yung tanging naisagot ko sa kanila.
Tumagal pa kami ng halos isang oras dun. Niyayaya ko na nga sila na umalis at pumunta sa mall pero lagi nila ako pinipigilan.. kesyo may hinihintay pa daw sila. Medyo nakakainip na ha?? Ang dami dami nilang dinadahilan sakin.. feeling ko tuloy may tinatago sila. -__-
Ho la da da da
There are no words,
To paint a picture of you, girl.
Your eyes and those curves,
It's like you're from some other world.
You walk my way,
Oh, God, it's so frustrating.
So why do I disappear
When you come near?
It makes me feel so small.
Why do I blow my lines
Most every time