Ezra's POV
Narita Airport..
Oo nandito na kami ngayon sa Japan ni ate. Ang bilis ng mga pangyayare noh? kahit ako naguguluhan pa..basta sa ngayon ang gusto ko lang ay makita si Yuji. Gusto ko makasiguro na ayos lang sya. bago kami pumunta dito sa Japan tumawag nga pala si Yuji sakin..sabi nya hindi ko na daw kailangan pumunta ng Japan kasi lagnat lang daw yung sakit nya tsaka migraine. Pero syempre nagpumilit pa rin ako kasi gusto ko ako mismo makakita sa kanya.
"Ate. may susundo ba satin?" tanong ko kay ate lovely
"Si tito ata." naglakad na kami ni ate at tumingin sa paligid kung nandun nga si tito.
"Mayen!" may narinig akong tumawag sakin mula sa likod kaya napatingin ako.
"Tito! :)" lumapit na kami ni ate sa kanya tapos niyakap namin sya. napatingin ako sa lalakeng nasa likod ni tito. matangkad, black yung hair tsaka naka bonet. nagulat naman ako nung biglang humarap yung lalake.
"Waaaaah!!! YUJI!!!!" lumapit ako sa kanya tapos niyakap ko sya ng soooooobrang higpit! na-miss ko tong lokong to! SOBRA! :)
"Princess. haha! na-miss mo naman ako masyado."
"Sobra! Sus! ayaw mo pa?"
"Ang cute mo talaga princess! syempre gusto ko. miss na nga rin kita eh. :D"
"Ayun naman pala eh! ^^" whew! mukhang okay naman si Yuji eh? baka naman nag-over react lang talaga ako kanina. baka nga simpleng lagnat lang yun tsaka migraine. hayy buti naman at okay sya :)
"Tara na? :)" hinawakan ni Yuji yung kamay ko tapos sabay-sabay na kaming umalis. sumakay kami ng kotse ni tito tapos kwentuhan lang kami ng kwentuhan nun. nakakamiss talaga sila! na-miss ko rin tong Japan! ^^
Nabasa na kaya ni Carson yung letter ko?? sana. ayokong mag-alala sya sakin...hay sorry talaga.
"Princess okay ka lang? ang lalim ata ng iniisip mo?"
"Ah o-okay lang ako hehe" ^___^v
Maya-maya lang nakarating na rin kami sa bahay. pumasok ako agad tapos hinanap ko yung dati kong kwarto. nakaka-miss talaga dito. na-miss ko yung kwarto ko.....habang nililibot ko yung tingin ko sa buong kwarto ko andaming bumabalik na mga memories. halos walang pinagbago..ganun pa rin yung ayos tsaka kumpleto pa rin lahat ng gamit.
"Na-miss mo to noh? :)" tanong naman ni Yuji na kakapasok lang din ng kwarto ko.
"Oo naman. sobra. ang dami kong naaalalang memories dito. natatandaan mo pa dati nung bata tayo..dito tayo naglalaro nila Yumi. tapos minsan nags-sleepover tayo dito. tapos minsan ako naman yung pumupunta sa inyo :)"
"Oo nga eh. ang saya-saya pa natin nun....walang problema. walang iniisip kundi maglaro lang...walang iniisip na sakit" ha? ano daw? ano yung huli nyang sinabi? di ko naintindihan! >.<
"Ano ulit yung huli mong sinabi?"
"WALA! tara na nga! tinatawag na tayo dun para kumain! :)" okay. hawak-hawak ulit ni Yuji yung kamay ko tapos pumunta na kami sa kusina para nga kumain.
"Princess kamusta ka naman dun sa Philippines?"
"Ha? ayos naman...masaya naman kahit papaano."
"Eh kayo ni.....Carson?" boyfriend ko na sya Yuji. sasabihin ko ba yan? pero baka masaktan lang sya. ayoko masira yung moment na to..maging awkward pa.
"Sus! yaan mo yung lalakeng yun! hahaha! tara kain pa tayo! ^^" ayun na nga..kumain na lang ulit kami. si tito naman yung kwento ng kwento sa mga nangyare nga dito sa Japan nung wala kami. tawanan lang kami ng tawanan.