entry #49 </3

94 4 2
                                    

Ezra's POV

Pagkatapos ko kumanta dun sa bar nagpaalam nako sa kanila. Bakit ganun? Nag-promise si Yuji na pupunta sya eh...pero bakit wala sya? nakakatampo lang..bahala sya! hindi ko talaga sya papansinin kapag pumunta sya sa bahay! >.<

*kriiiiing~ kriiiiiiiiing~* (ringtone yan kapag may tumatawag XD)

"Hello?" - ezra

"BEE!!!!!!" - carson

"Waaaah! Bee! Sorry talaga di nako nakapagpaalam nung umalis ako!" na-miss ko si bee! TT^TT

"Tss. sana ginising mo ako para nasamahan kita at hindi si Kai yung naghatid sayo."

"Sorry na bee. di ko na kasi alam gagawin ko nun..masyado magulo yung isip ko."

"Ano ba nangyare?" - carson

"tumawag kasi si ate nun tapos umiiyak sabi nya kelangan daw namin pumunta ng japan kasi may sakit daw si Yuji at kailangan nya ako. kaya kinabahan tuloy ako.."

"Kamusta na sya?" - carson

"Ayun. okay lang naman sya. simpleng lagnat lang daw tsaka migraine"

"HA?! nilagnat lang?? based sa kwento mo parang may malalang sakit ah! tapos ganun lang?!" huhuhuhu! sinigawan ako ni bee! TT_TT

"Hindi ko naman alam eh. tsaka bestfriend ko si Yuji alam mo yun! Nag-aalala pa rin ako sa kanya kahit papano!"

"Eh ano ba ako sayo? boyfriend mo ako di ba?! hindi mo manlang nagawa tumawag o kahit magtext! hindi mo manlang ba naisip na may taong nag-aalala sayo dito?! wala ka naman ata pake sakin!"

"Wag mo nga sabihin yan! May pake ako sayo kasi mahalaga ka sakin! Okay sorry kung hindi na kita natawagan kasi naging busy lang ako pero hindi ko naman ginusto yun! Alam mo bang palagi ko naiisip kung kamusta ka na ba dyan?? tapos ganito lang maririnig ko sayo ngayon?"

grabe naiiyak na talaga ako! bakit sya ganito? alam ko may kasalanan naman talaga ako pero para magsalita sya ng ganyan ngayon sakin na parang wala akong pakielam sa kanya?? ang sakit lang! :(

"Wow! naiisip mo pala ako pero hindi mo manlang ako nagawang tawagan! sa isang buong araw naman siguro hindi ka palaging busy pero hindi mo manlang naisingit sa oras mo na tawagan ako! well ano pa ba magagawa ko? siguro enjoy na enjoy ka ng kasama si Yuji at nakalimutan mo nako! baka nga nakalimutan mo ng may boyfriend ka eh! tama ako di ba?!"

"Tapos ka na ba?? Alam mo hindi ito yung inaasahan kong pag-uusap natin. inaamin ko naman na may mali ako eh kaya nga nagsosorry ako di ba?" TT_TT naiyak na talaga ako. wala nakong pake kahit marami nakakakita sakin ngayon na umiiyak..naglalakad kasi ako ngayon pauwi.

"Alam mo ba ang sakit lang marinig mismo sayo yung mga salitang yun. Sabi mo mahal mo ako di ba? pero bakit ganito?? wala kang tiwala sakin...alam mo naman na hindi ko yun magagawa sayo. akala mo ba ikaw lang yung nahihirapan na magkalayo tayo? ang bigat sa pakiramdam nun kung alam mo lang..." hindi nagsasalita si Carson pero naririnig ko yung paghinga nya......

umiiyak din kaya sya tulad ko? siguro hindi kasi nga galit sya sakin di ba? :(

"Ang sakit talaga bee....basta ito na lang masasabi ko. mahal kita...mahal na mahal! bahala ka na kung maniniwala ka. bye." tinapos ko na yung call pero hindi pa rin natitigil yung mga luha ko sa pagpatak. ang sakit talaga kasi wala syang tiwala sakin....pinagdududahan nya yung love ko para sa kanya. sobrang miss ko na sya pero eto  lang yung nangyare sa pag-uusap namin.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nasa tapat nako ng pintuan ng bahay namin. Hindi ko rin alam kung paano ako nakauwi kasi lutang talaga ako.....

Papasok na sana ako pero napahinto ako kasi may nakita akong sketch pad sa tapat ng pinto. hmm? sino kaya nag-iwan nito? tsaka para kanino to? hay! bahala na yan!

Pumasok nako sa bahay at dumiretso na sa kwarto ko. buti na lang wala pa sila ate kundi tatanungin ako nun kung bakit namumugto yung mga mata ko. hayy..

Binato ko lang yung sketch pad sa kama ko pero nagulat ako nung may nakita akong nahulog na papel tapos may naka drawing na mukha ko. kinuha ko ulit yung sketch pad tapos binuklat yun.....

Bakit puro mukha ko yung naka-drawing dito?? kanino ba talaga galing to?

May nakita rin akong nakaipit na letter dun kaya kinuha ko tapos binuksan.

Hime..

Sorry kung hindi ako nakapunta dun sa bar kanina. Alam ko nag-promise ako kaya sorry. Sinadya kong hindi pumunta dun kasi...ayoko ng magkita pa tayo. Uuwi ka na rin naman sa Philippines sa friday di ba? mas okay na yun para hindi na rin tayo magkita.

Ano bang sinasabi nya? Ayaw nya na ako makita? Pero bakit?! may nagawa ba akong kasalanan sa kanya? naiiyak nanaman ako! ano bang nangyayare? TT_TT

Wag ka mag-alala kasi wala kang kasalanan...hindi ko sinasabi to ngayon kasi galit ako or nagtatampo. May mga bagay lang talaga na kailangan kong harapin mag-isa at ayoko ng madamay ka dun. Please hime..wag mo na sana ako hanapin or wag mo nako puntahan sa bahay. Mahirap din to para sakin alam mo yun.

Hime...pwede humingi ng favor? sana kalimutan mo na lang ako. isipin mo na lang na hindi tayo nagkakilala..please? gawin mo to para sakin.

I love you my princess and goodbye.

- Yuji

Ano bang nagawa kong mali at nasasaktan ako ng ganito ngayon?? Ano ba talaga nangyayare sa kanya?! May problema ba sya? Pero bakit kailangan ko pang lumayo tapos gusto nya pang kalimutan ko sya! Imposible naman yun eh! Bestfriend ko sya at hindi talaga madali yung hinihingi nya na favor! TT_TT

Akala nya ba ganun na lang yun?? Kailangan ko malaman kung ano man yung nangyayare sa kanya. Kung may problema nga sya..eh di mas kailangan nya ako ngayon. Hindi nya ako mapapalayo ng dahil lang sa letter na to.

Hay! Nakakainis naman tong araw na to! Ayaw ko ng umiyak!!!! :(

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

ITUTULOY! :)

Please VOTE and COMMENT! ^^

Be Your Everything  ♥ (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon