"Mayen pumunta ka nanaman sa office ni Alexis noh??" ngumiti lang ako sa kanya. Baka sermunan nanaman ako eh :P
"Ano magagawa ko eh miss ko na sya? Tsaka nililigawan ko nga sya di ba?"
"Ewan ko talaga sayo Mayen! Ang tagal mo ng nanliligaw pero wala pa rin naman nangyayare. Tsaka ikaw pa talaga nanliligaw! nako!'
"Kayo nga nagsabi sakin I should make him fall in love with me again di ba?"
"Oo nga.. pero di naman namin sinabi na ligawan mo! aba ateng lalake dapat ang nanliligaw!"
"Hayy.. alam mo naman na kung maghihintay lang ako na ligawan ako ni Carson eh baka pumuti na lahat ng buhok ko eh di pa rin yun mangyayare.. kaya nga ako na ang nanligaw."
"Ewan ko sayo.. bahala ka na. Good luck na lang."
Kriiiiiiiing~~~ kriiiiiiiiiing~~~~~~ kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing~~~
Ang OA nung ringtone ko asar. -__-
"Hello?" sensya na di ko na tinignan kung sino tumatawag basta ko na lang sinagot XD
"Ezra... free ka ba this saturday?"
"Mine? ah oo bakit? tsaka nasa Philippines na ba kayo ni Matt?"
"Oo last week pa kami nakabalik ni Matt galing Japan. Sorry di na namin kayo nasabihan... anyway kaya pala ako tumawag kasi na-miss ko kayo ni Zarah!! kaya please sumama kayo sa saturday."
"Teka lang ano ba meron? tsaka saan??"
"Basta secret na lang muna.. magkita-kita tayo sa resort kung saan kami kinasal ni Matt. pumunta kayo ni Zarah ha! isama mo na rin yung nililigawan mo hahahahaha!"
"Asus! May pa-suspense effect ka pa na nalalaman dyan! Oo nga pala na-miss din kita ateng! Yung pasalubong ko ha! haha!"
"Oo naman! Osige na.. tsaka na lang ulit tayo magkwentuhan sa resort. See yah! mwah!"
"Bye bye!" aigooo! ano kaya yung secret na yun?? :D
"Zarah--"
"Si Mine yun noh?" pano nya alam? ay shunga ko naman... magkatabi nga lang pala kami ni Zarah. tss.
"Oo. Alam mo na yung about sa saturday?"
"Yup. natawagan nya na ako kagabi."
"Ang daya! ako na lang lagi huli sa balita!" ANG UNFAIR!! >__<