Ezra’s POV
Hanggang ngayon tandang-tanda ko pa rin yung reaksyon at lungkot sa mga mata nya nung huling beses kami nagkita. Sa tuwing naalala ko kung paano sya nagmakaawa at umiyak para lang hindi ako makipaghiwalay sa kanya.. parang paulit-ulit na dinudurog at tinutusok ng matatalim na bagay yung puso ko. Habang naglalakad sya palayo nun sakin pakiramdam ko unti-unti na rin ako nawawalan ng buhay at halos di nako makahinga. Sa tuwing ipipikit ko yung mga mata ko.. mukha nya lang lagi yung nakikita ko.
Matagal-tagal na rin ang lumipas pero hindi ko pa rin yun makalimutan.
Kamusta na kaya sya??
Magkikita pa kaya ulit kami?
Siguro kung sakaling magkita man kami hindi nya rin ako papansinin. Sobra ko syang nasaktan ehh kaya paniguradong hindi ako mapapatawad nun. Tsaka ako na rin naman ang humiling sa kanya na kalimutan nya na ako.
Kriiiiiing~~~ Kriiiing~~~Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiingggg~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ang OA naman talaga ng ringtone ko. Tss. Hindi rin makapaghintay yung tumatawag eh noh?
Sinagot ko na yung phone ng hindi tinitignan kung sino man yung tumatawag.
“Moshi moshi.”
“Ateng! Nasa Pinas ka na wala ka na sa Japan!” natawa naman ako bigla sa sinabi nya. Loka-loka talaga tong babaeng to!
“Sira to! Haha! Pwede mag-sorry?? Nasanay lang naman ako sa ganun.”
“Hay nako. Osya kamusta?? Nasa Pinas ka na nga ba talaga?” tanong ni Zarah. Yahh sya lang naman po yung loka-lokang babae na tumawag sakin pero love na love ko yan haha!
“Opo nasa Pinas na po ako. Tatawag pa lang sana ako sayo kaso naunahan mo na agad ako. Pano mo nga pala nalaman na nandito nako?”
“Ako pa! I have my connections noh! Chos! Malamang ateng! Nakakalimutan mo ata na sa airport ako nagtatrabaho.”
“Oo nga pala noh. Teka nasaan ba kayo ngayon? Ano na bang plan ni Matt?”
“Later ko na lang sasabihin yung plan nya basta pupunta na lang ako sa inyo. On the way nako. Byiiieee!”
“Bye bye.” Tinapos ko na yung call at saka ko na ulit ibinalik ang attention ko sa mga nadadaanan namin. Nakaka-miss talaga ang Pinas. Ang tagal na rin nung huling beses akong nakapunta dito.
Well.. naguguluhan na rin siguro kayo kung ano na nangyare sa buhay ko after nung break up namin ni Carson. After naming maghiwalay napagdesisyunan ko na sa Japan na lang ipagpatuloy yung pag-aaral ko hanggang sa maka-graduate na nga ako. Si Yuji naman… lagi na kami magksama nun. Bumalik na rin kami sa dati naming turingan at hinayaan na rin ako ng mama nya na bumisita at alagaan si Yuji. Pero ilang months before ako mag-graduate dinala ulit sa ospital si Yuji. Nung una nakayanan nya pa pero nung mga panahon na yun hindi na sya pinayagan na makalabas ng ospital kasi mas lumala na nga yung condition nya kaya kailangan syang ma-monitor ng mga doctor. Ilang beses din syang dumaing at namilipit sa sakit nun.. sobrang hinang-hina na sya hanggang sa hindi nya na kinaya at tuluyan na syang nawala sa amin. Muntik na nga rin akong hindi maka-graduate nun kasi halos napabayaan ko rin yung pag-aaral ko dahil nga sa pagkawala ni Yuji.. pero buti na lang at pinagbigyan pa ako ng mga prof ko na magpasa ng mga kailangan na requirements kaya sa huli.. naka graduate din ako.
Halos anim na taon din akong hindi nakabalik nun sa Pinas kasi after ko maka-graduate naging busy na rin ako sa trabaho ko. Nakapagtrabaho na ako sa isang travel agency, ticketing agent sa airport at ang pinaka huli kong naging trabaho sa Japan bago ko napagdesisyunan na umuwi ng Pinas ay isang front desk personnel sa isang hotel. Nakaka-miss na rin kasi ang Pinas lalong lalo na yung mga friends ko.
“Ezra nandito na tayo. Wala ka bang balak na lumabas dyan sa kotse??” Napatingin ako sa may labas at nakita si ate lovely na nakatayo sa may tapat ng pinto ng kotse. Grabe di ko manlang namalayan na nandito na pala kami.
“Oo ate. Susunod na ako.”
“Sige. Hinihintay na tayo nila mommy.”
Kinuha ko na yung bag ko at saka lumabas ng kotse. Inilibot ko muna yung paningin ko at saka huminga ng malalim. Ang dami na rin nagbago sa lugar na to.. yung mga bakanteng lote dati ngayon may mga nakatayo ng bahay tsaka dumami na rin ang mga puno. Yung mga batang nakikita ko dating naglalaro.. ngayon lumaki na. Sobrang tagal ko nga talaga nawala..
Pumasok na ako sa loob ng bahay namin. Naabutan ko naman doon sila mommy at daddy na niyayakap si ate lovely.
“Nakakainggit naman! Bakit si ate lang niyayakap nyo? Na-miss ko din kaya kayo!” napalingon naman sila sa akin then lumapit si ate sa akin at dinala ako kila mommy tsaka nila ako niyakap. Sobrang miss na miss ko ang parents ko. Bumibisita naman sila sa Japan pero bihira lang kasi busy rin sila sa business namin dito sa Pinas.
“Mommy.. Daddy may sasabihin po ako sa inyo.”
“Ano yun?” tanong ni mommy sakin.
“I will be staying here in the Philippines for good na po. Tsaka may na-applyan na po akong trabaho dito.”
“Eh di mabuti naman at makakasama ka na naming palagi!” – mommy
“Saan ka naman nag-apply Ezra?” tanong ni ate
“Gusto ko sana masubukan magturo kaya nag-apply ako sa isang university bilang professor.”
“Ano naman ituturo mo?” - ate lovely
“Tourism. Since ayun naman ang Major ko.”
Napatingin naman kaming lahat sa may labas ng bahay nung may narinig kami na nag-doorbell.
“May ininvite ba kayong bisita mom?” tanong ni ate.
“Ako na magbubukas ate. Baka si Zarah na yan.” Tumayo na ako at saka naglakad palabas ng bahay. Pagkabukas ko ng gate si Zarah nga yung dumating.
“Day!!” niyakap ko siya saka naman kami nagtatalon na parang ewan dun hahaha! Buti nga at walang tao sa paligid kundi baka mapagkamalan pa kaming mga baliw! XD
“Na-miss kita day! Grabe! Ang daming nagbago sayo ha! Mas lalo kang gumanda!” sabi ko kay Zarah then pinaikot ko sya. Super ganda nya na talaga ngayon! ^^
“Ay sus nambola ka pa day!”
“Pasok nga muna tayo sa loob! Para n tayong ewan dito sa labas eh haha!” pumasok na kami ni Zarah sa loob ng bahay then nagbatian sila nila ate tsaka yung parents ko. After nun dumiretso muna kami sa kwarto para dun kami makapagkwentuhan.
“Ano ng nangyare sayo?” tanong ni Zarah habang naglalakad sa loob ng kwarto.
“Ayun maayos naman ang buhay ko ngayon. Tsaka magsstay na nga pala ako dito for good. May na-applyan na rin ako na work.”
“Eh ang puso mo day? Kamusta na?”
“Ayun.. okay naman sya. Tumitibok pa naman haha.”
“Naka move on ka na?”
“Ano ba naman yan day. Syempre! 6 years na rin halos yung nakakalipas noh.”
“Okaaaaay. Sabi mo eh.”
“Eh ikaw? Kamusta?”
“Okay rin naman. Medyo hassle nga lang sa trabaho pero maayos pa naman kasi lagi ko rin naman nakikita yung inspiration ko.” Kinikilig na sabi ni Zarah.
“Sus! Kaya naman pala! May lovelife ka pala ngayon ha di mo manlang nakukwento! Haha!”
“Sorry na! hahaha!”
“Sira ka talaga! At kelan mo naman sya balak ipakilala samin ni Mine?”
“Later. Ipapakilala ko sya sa inyo kasi isasama ko sya mamaya sa gagawin na plan ni Matt.”
“Oo nga pala. Ano pala yung plan ni Matt?”
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
ITUTULOY! :D