entry #56 medyo magulo! >__<

89 3 2
                                    

Zarah’s POV

Mahal nya ako di ba? Pero bakit ganun?? Di ba dapat masaya kami ngayon? Mahal ko rin naman sya eh!

Bakit kung kelan naman minahal ko na sya tsaka mangyayare to?

*FLASHBACK*

“Zarah I love you….”

“…Pero kailangan kong umalis. Kailangan ako ng family ko.”

Yung saya na nararamdaman ko bigla na lang napalitan ng lungkot. Unti-unting namasa ang paligid ng mga mata ko hanggang sa tuluyan ng tumulo ang mga luha ko.

“Bakit?” sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon yan na lang ang tanging nasabi ko.

 "Ang hirap magdesisyon Zarah.. di ko rin naman ginusto to. Nagulat na nga lang ako nung sinabi ng parents ko na sa Canada na daw kami titira. Wala naman ako magawa. Mahal kita pero kailangan din ako ng family ko.. kailangan nila ako para sa pagpapatakbo ng business namin. I'm really sorry."

My hand landed on his cheek. Kasabay niyon ang pagpatak ng mga luha ko dahil sa sobrang sama ng loob. "Paasa ka eh! Sana hindi mo na lang sinabi na mahal mo ako! Sana hindi mo na lang pinaramdam sakin na espesyal ako sayo para hindi ko rin hinayaan yung sarili ko na mahalin ka!" tumayo nako at nagmadaling umalis doon.

Narinig kong tinatawag nya yung pangalan ko pero hindi nako lumingon pa ulit sa kanya. Habang naglalakad ako naramdaman ko na lang na may nabangga ako kaya napaupo na lang ako sa may sahig.

"ANO BA?! Tignan mo nga yang dinadaanan mo!" pasigaw kong sabi sa nabangga ko. Wala nakong pakialam kung sino man yung nabangga ko or kung madamay may man sya sa sama ng loob ko. basta ang alam ko lang gusto ko na makalayo dito sa lugar na to.

"Zarah. Anong nangyare sayo? Bakit ka umiiyak??" napaangat ako ng tingin sa nagsalita.

"Mine!" niyakap ko sya at umiyak.

Maya-maya pa ay naramdaman kong may humawak sa balikat ko. "Zarah!! Okay ka lang ba? Anong nangyare?" boses yun ni Erwin. Ano pa bang kailangan nya?! Bakit ba lumapit pa sya dito at ang lakas pa ng loob nya magtanong kung okay lang ako?!

"Mine.. ilayo mo nako dito please.. ayoko na." sinabi ko iyon kay Mine habang nakayakap pa rin sa kanya.

"Okay, okay. Tahan na.. aalis na tayo dito."  Bumitaw sya sa pagkakayakap sakin at inalalayan ako maglakad hanggang sa makaalis kami doon.

*END OF FLASHBACK*

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Mine's POV

"Alam mo kung ano nararamdaman ko ngayon? Parang tinutusok ng maraming matatalim na bagay yung puso ko. Sobrang sakit!" tapos bigla nyang kinuha yung alak at ininom ito. hayy.. ano ba nangyayare sa mga kaibigan ko?? nakakalungkot naman! :(

"Tama na yan Zarah.. nakakarami ka na oh. Di ka naman dating ganyan ah?"

"Ang sakit lang kasi.. walanjo sya! pinaasa nya ako eh! kung aalis sya eh di sana di nya na lang ako hinayaan pa na mahalin sya ng sobra-sobra! Sana di ko na lang sya nakilala! Bakit kasi sya pa?! Ang shunga shunga ko naman kasi! Dapat talaga hindi na lang ako nagmahal para di nako nasasaktan ng ganito! AYOKO NA!"

Umiiyak nanaman sya. Wala rin naman ako magagawa kaya niyakap ko na lang sya. Di ko sya masisisi kasi nasaktan talaga sya eh..

Kaya pala kanina sinundo ako ni Matt kasi may "despedida" party daw si Erwin.. akala ko nagbibiro nanaman sya pero hindi pala. Pero bakit wala naman nababanggit samin na ganun si Erwin? Bakit biglaan naman? hayy buhay nga naman.. nakakalungkot naman kasi mababawasan nanaman kami.. una si Ezra tapos ngayon si pareng Erwin. :(

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sa condo naman ni Erwin nagsama-sama nanaman ang mga boys..

"Potek! Ang drama ng buhay natin ngayon ah? Pang MMK!" sabi ni Matt na kakagaling lang ng kusina. Binatukan naman sya ni Kaiden para patigilin sya.

"ARAY NAMAN BABES! MAKABATOK KA NAMAN!" reklamo ni Matt habang hinihimas yung ulo nya.

"Tumahimik ka muna kasi. Kita mong nagluluksa tong dalawang sawi sa puso eh."

"Oo na. Pwede mag-sorry?"

"Pasalamat ka nga Matt at wala kang problema kay Mine eh. Di katulad namin ni pareng Erwin na problemado sa lechugas na love na yan!" sabi ni Carson sabay inom ng alak.

"Bakit? Akala ko okay na kayo ni Ezra? May problema nanaman ba?" tanong ni Matt.

"Kakaayos nga lang namin eh. Tapos bigla nalaman ko na nakipag-date sya dun sa Yuji na yun." sabi ni Carson habang nakatitig sa boteng hawak nya.

"Ano ka ba Caloy! Di ba mag-bestfriend yung dalawang yun? Malay mo naman friendly date lang." - Matt

"Friendly date pa ba yun kung pati cellphone ng girlfriend ko hawak nung bwiset na bestfriend nya DAW?! tapos sinabi pa sakin na mamaya na daw ako tumawag at hayaan ko lang daw sila? Friendly date ba yun?!"

"Oh easy ka lang! Di kami yung kaaway mo bro." sabi ni Kaiden habang pinapakalma si Carson.

"Ano bang sinabi sayo ni Ezra? Dapat hinayaan mo muna syang magpaliwanag." - Matt

"Di nya nga tinanggi eh! Tapos ang kinakainis ko pa.. ayaw nya akong hayaan na sundan sya dun sa Japan. Ako na nga yung gumagawa ng effort para magkita kami pero ayaw nya! Sino ba naman di magdududa? Nakuha nya pa makipag-date samantalang halos mabaliw nako kakahintay sa kanya dito!" - Carson

"Eh shunga ka rin eh! Puntahan mo na lang kasi para di ka na nagdadrama ngayon! Eh di sana nasagot na lahat ng tanong mo. tss ewan ko sayo Caloy." -Matt

"Pano kapag pumunta ako dun tapos magalit sya?" tanong ni Carson pero sa  mas mahinahon ng tono.

"Alam mo Caloy.. boyfriend ka nya. May karapatan ka naman siguro malaman kung ano nangyayare sa kanya. Nag-aalala ka lang naman eh. Baka nga matuwa pa yun kapag nakita ka nya dun kaya kung ako sayo puntahan mo na sya." sabi ni Matt habang tinatapik sa balikat si Carson.

"Oy ikaw! Pareng Erwin! Ano namang problema mo?? Walanjo ka ha! Di porket gwapo ka nagpapaiyak ka na ng babae!" sabi naman ni Matt na nakatingin naman ngayon kay Erwin na kanina pa nananahimik.

"Wag ganun bro! Bad yun! Ang mga babae dapat pinapangiti at pinapasaya lagi hindi yung pinapaiyak mo! Shet ka bro! Sarap mo gulpihin!" sabi naman ni Kaiden habang nakaamba ng parang susuntukin si Erwin.

"DI KO NAMAN GINUSTO YUN EH! akala nyo ba madali magdesisyon?! akala nyo ba gusto kong nakikitang umiiyak si Zarah?! nasasaktan din ako! ang tanga tanga ko kasi! gago nako kung gago pero wala akong magawa! kung alam ko lang na ganito yung mangyayare eh di sana pinigilan ko na lang yung sarili ko na mahalin sya!"

"Potek! wag ka umiyak bro! ang gay! shemay!" sabi ni Matt na halatang di alam ang gagawin. Tinapik-tapik nya na lang yung balikat ni Erwin pero tinabig lang nito ang kamay nya.

"Tumahimik ka na nga lang babes! Di ka naman nakakatulong! Iinom na lang natin to!" kinuha nila yung mga alak nila at nag-cheers.

"Hayy kapag nalaman to ni love na umiinom nanaman ako.. naku lagot nanaman ako neto." reklamo ni Kaiden pagkatapos nila mag-cheers.

"Okay lang yan babes. libre naman ako this week kaya game ulit ako sa 'dramahan' session kung sakaling awayin ka ng love mo hahahaha!"

"Ang daldal mo babes! Kaya ka inaaway ng girfriend mo eh. Tinalo mo pa sya! tss."

-__-  __<

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

ITUTULOY! :D

VOTE?

COMMENT?

FAN/FOLLOW?

Be Your Everything  ♥ (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon