entry #42 Cebu ♥

114 3 0
                                    

Ezra's POV

Nasa loob na kami ng airplane..at nakaupo na rin kami sa mga assigned seats namin at katabi ko ngayon si Carson na nakasimangot pa rin.

"Sayang dapat nagdala pala ako ng plantsa ngayon."

"Ha??"

"Eh tignan mo kasi yung mukha mo..lukot na lukot!" nag-pout lang sya tapos hindi pa rin nagsasalita.

Hinawakan ko yung kamay nya pero wala pa rin. ano ba pwede kong gawin??

"Bee. bakit ka ba nagkakaganyan?" tanong ko kay Carson.

"Wala."

"Galit ka pa rin ba?"

"Hindi."

"Eh ano??"

"Wala nga. matutulog nako." nakakainis na ha! ang arte nya!

"Bee naman eh!"

"Ano??"

"Di ako sanay na ganyan ka." :(

"Hayaan mo na lang muna ako. wala lang to."

"Don't tell me nagseselos ka dun sa Kai na yun?" hindi na sya sumagot basta sumandal lang sya sakin at natulog. Grabe! tulugan daw ba ako?!

"Pasensya na bee." whew! ayan! tinawag nya na ulit ako na bee! :)

"Para saan?"

"For acting stupid kanina. di ko mapigilan sarili ko lalo na nung bigla ka na lang nya niyakap. to think na ngayon lang naman kayo nagkita." INAMIN DIN! Nako! Pinahirapan pa ako eh!

"Nag-sorry naman di ba? Di naman sinasadya..siguro sobrang miss nya lang yung 'love' nya kaya nung nakita nya ako di nya napigilan na yakapin ako...tsaka sabi nya sobrang kamukha ko daw di ba? kaya hayaan mo na lang."

"Hayy. sorry talaga.."

"Okay lang. naiintindihan ko naman eh...kaya wag ka na rin ma-badtrip dyan ha? smile ka na :)"

After nun natulog na lang kami pareho pero halos saglit lang din naman yun kasi maya-maya nakarating na din kami ng Cebu. Mga 45 minutes or halos 1 hour lang naman yung travel eh.

Pagdating namin dun kinuha namin agad yung mga gamit namin..tapos may naghihintay pala na sundo sa amin? Sino kaya?

"Erwin nandyan na daw ba si Marlo?" -- Matt

"Ah oo. kanina pa nga daw sya dito eh." -- Erwin

Marlo? Sino nanaman yun?

Maya-maya may nilapitan na si Erwin at Matt..wagas nanaman sila magbatian. Nagbabatukan na sila at suntukan eh haha pero mahina lang naman...mga lalake eh! XD

Lumapit na rin kami sa kanila..tapos sumakay na kami nung kotse nung Marlo..infairness nagkasya kami lahat XD

Nasa may gitna ako at katabi ko sa right side si Carson tapos sa left ko naman si Zarah. Sa may likod naman si Matt at Mine..gusto daw mag-solo eh! Pagbigyan! HAHA! Tapos ang driver namin si Marlo tapos katabi nya si Erwin.

Actually mabait naman si Marlo...after kami ipakilala sa kanya grabe wala kami iba ginawa kundi tumawa na ng tumawa kasi sobrang kengkoy nya. lahat ata ng banat at jokes nya bentang-benta! XD

Maya-maya namalayan ko na lang na huminto na yung kotse sa tapat ng isang hotel. Di naman sya kalakiha compare sa iba pero maganda pa rin :)

Bumaba na kami at kinuha yung mga gamit namin...nag-check in na rin kami...kasama pa rin namin si Marlo. Tapos pumunta na kami sa mga kwarto namin..kasama ko sa room si Mine at Zarah. Tapos yung boys naman magkakasama na sa isang room. halos magkatapat lang naman room namin.

Be Your Everything  ♥ (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon