entry #62(pt. 2) Forgotten?

65 3 0
                                    

Ezra's POV

Grabe nagugutom na talaga ako. Ano kaya pwede kainin?

Teka may naaamoy ako! hmmmmm~ BARBECUE!!!!! YUM!!!

Tumakbo ako hanggang sa makarating ako sa kusina. Kebs ko naman! Gutom na talaga ako eh. XP

So ayun na nga.. kumukuha nako ng MGA pagkain na magkakasya sa plato ko. wahahaha! takaw eh noh? SYEMPRE JOKE LANG YUN! XD

"uhh babe nawalan na ata ako ng gana kumain." napalingon ako sa may likod ko kung saan nanggaling yung boses ng babae.

"Why babe? Sabi mo kanina nagugutom ka?" natigilan ako nung na-realize ko na si Carson yung kasama nung girl na nagsalita kanina.

GIRLFRIEND NYA BA YUN??

"Look at her." Then bigla nya akong tinuro. "Sobrang dami na ng food sa plate nya.. naghalo-halo na. Kung kumain akala mo di babae." sabay bigla pang umirap! WATDA??!!!! Ang kapal naman ng mukha nya magsalita ng ganun! SINO BA SYA HA?!

Susugurin ko na sana yung babae kaso bigla na lang nag-walkout! ASAR!!

"Uhh sorry sa mga nasabi nya. Miss..?"

"Ha? Di mo ako kilala??"

"Uhh... yeah?"

Anong nangyare? Bakit di nya ako kilala?? :(

"I'm Ezra."

"I'm really sorry Ms. Ezra sa inasal ng girlfriend ko."

"Ah.. eh.. sige. o-okay lang." ngumiti lang ako ng tipid sa kanya then after nun umalis na rin sya para sundan siguro yung... girlfriend nya.

Wala na talaga Ezra sumuko ka na. Kinalimutan ka na talaga nya.

"Ezra? Umiiyak ka ba?" tanong ni Erwin na kakapasok lang ng kusina. Tsaka ko lang din na-realize na umiiyak na pala ako.

"hahaha! grabe! naiyak na pala ako sa sobrang gutom! sige Erwin kain na ako." pagkatapos ko magpaalam sa kanya umalis na rin ako.

Kinabukasan nag-ayos nako ng gamit ko saka nagdesisyon na umalis na doon. 1 week yung plano namin na pag-stay dun kasi sinabay na rin nila yung pagpa-plano para sa kasal nila Mine at Matt. Kesyo ngayon na lang daw ulit kami nakumleto kaya sasamatalahin na nila yung pagsusukat sa amin.. baka daw kasi mahirapan na sila na hanapin kami dahil nga sa mga work namin. Mabuti na nga lang ako na yung naunang sukatan kaya di na nila ako kailangan doon.

Syempre nung nagpaalam ako sa kanila nagulat sila.. pinipigilan pa nga ako nila Zarah pero nagdahilan na lang ako na kailangan ko na agad na umuwi dahil sa in-applyan ko na trabaho. Sa huli pumayag na rin silang umalis ako.. nag-alok pa nga sila Kaiden na ihatid ako pero hindi nako pumayag kasi baka masira ko pa yung bakasyon nila.

Hayy kelan kaya ako makaka-move on kay Carson?

Hanggang ngayon kasi nasasaktan pa rin ako.

Lalo na yung nangyare kagabi...

Di nya na ako kilala.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

ITUTULOY! :D

Be Your Everything  ♥ (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon