entry #36 good night kiss :*

145 4 2
                                    

Babawi daw sya? Sus! Hay! Nakakainis talaga..alam mo yung feeling na parang wala ka lang? I mean parang hindi ka nag-eexist? Oo nakita nya nga ako…pero nung tinuro ko na si Andree parang bigla nya na ako nakalimutan.

Oo na. nagseselos nga ako. Hindi ko mapigilan eh..eto talaga yung nararamdaman ko.

“Mayen gusto mo makita itsura mo ngayon? Hahaha” tinignan ko lang sya ng masama kasi obvious naman na nang-aasar lang sya. >.<

“Mine naman eh. Wag mo na nga ako asarin.”

“Ikaw naman kasi. Wag mo na isipin yun. Sabi nya naman di ba babawi sya sayo?”

“Oo nga.”

“Wag ka na magtampo kay Carson. Malay mo busy lang talaga yung tao.”

“Okay, okay. Basta siguraduhin nya lang na tutuparin nya yung sinabi nya.”

“Hahahaha. Tara na..tumunog na yung first bell kanina eh. Baka ma-late tayo.” kinuha na namin yung bag namin at umalis.

Hindi ko na dapat isipin yung kanina. Mapapraning lang ako. Basta sa ngayon panghahawakan ko na lang yung promise ni Carson.

After nung nangyare kanina hindi ko na ulit nakita si Carson. Kahit gusto ko talaga sya silipin dun sa HRM laboratory pinigilan ko yung sarili ko. Baka kasi busy talaga sya at makaistorbo lang ako.

Last subject na namin ngayon….pero kahit isang text kay Carson wala pa rin. Ano na kaya mangyayare?

Promises are meant to be broken. Pero hindi naman ganun si Carson eh…..

Tumunog na yung bell. Tapos na yung last subject namin. Tumingin muna ako sa mga classmates ko. Lahat sila nagmamadaling mag-ayos ng mga gamit nila at yung iba busy sa pakikipagkwentuhan.

Naputol ako sa pag-iisip ng biglang may mga nagsigawan sa labas ng room namin. Bakit? Anong meron??

“Mine. Anong meron sa labas?” tanong ko kay Mine. Kinuha ko na yung mga gamit ko at nagmadaling lumabas.

“Ewan ko rin eh.” Grabe nagkumpulan na yung mga kaklase ko sa labas kaya nahirapan kaming lumabas.

“I’m looking for Ezra. Nakita nyo ba sya?” narinig kong tanong ng isang lalake. Ako si Ezra ha? Sino ba yung naghahanap sakin?

“Nandito sya oh!” sigaw nung isa kong classmate. Tapos nagulat na lang ako nung biglang lumuwag yung paligid namin ni Mine tapos lahat na ng mata nakatingin sakin.

“Carson? Anong ginagawa mo dito?”

“Sinusundo ka para sa date natin :)”

“Date? Bakit? Paano kung ayoko?”

“Bee naman eh.” Lumapit si Carson sakin tapos hinawakan yung kamay ko.

“Ano muna yang hawak mo?” napansin ko naman na ngumiti si Carson tapos humarap sya sakin at pinakita yung hawak nyang box.

“Ito yung cake na ginawa namin kanina. Nakipag-agawan pa talaga ako sa mga classmates ko para hindi nila yan galawin kasi para sayo lang talaga to. :)”

“Talaga?”

“Oo nga. Bee nagtatampo ka pa rin ba?”

“Magtatampo pa rin ako sayo kung hindi pa tayo aalis ngayon dito. Kanina pa tayo gumagawa ng eksena dito eh. Hahaha!” nagbbye muna ako sa mga friends ko tapos sabay na kaming umalis ni Carson.

Habang nasa kotse kami ni Carson. Wala syang tigil sa pagkanta ng ‘Be Your Everything’ tapos tingin din sya ng tingin sakin.

“Bee naman eh haha baka mabangga tayo nyan eh.”

Be Your Everything  ♥ (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon