Yuji’s POV
Remember when I cried
To you a thousand times
I told you everything
You know my feelings
It never crossed my mind
That there would be a time
for us to say goodbye
What a big surprise.
Ilang linggo ko rin syang hindi nakita. Kahit nung nasa ospital ako hindi manlang sya nakabisita sakin.. pero hindi naman ako galit sa kanya kasi alam kong hindi nya naman ginusto yun. Alam ko rin yung nangyare sa kanilang dalawa ng mama ko. Alam kong pinagbawalan syang bumisita or makipag-usap sakin.
“Maraming salamat po sa pakikinig.” Nagpalakpakan lahat ng tao pagkatapos kumanta ni Ezra. Nung nakababa na sya ng stage tsaka pa lang ako tumayo para lapitan sya. Gusto ko syang makausap para sabihin na okay lang ako at para na rin kamustahin sya.
“Ezra.” Napalingon naman sya sakin at parang gulat na gulat. Ngumiti ako sa kanya saka inabot yung bulaklak. “Kamusta ka na?” tanong ko sa kanya.
“Yuji? Anong ginagawa mo dito? Tsaka—“
“Okay nako hime tsaka thank you pala at sorry.” (hime = princess)
“Ano ka ba.. Ako nga dapat yung nagso-sorry sayo. Nang dahil sakin nadala ka pa tuloy sa ospital.”
“Wag mo na isipin yun. Di mo naman kasalanan yun.” Lumapit si Ezra sakin then niyakap nya ako. Napangiti na lang ako kasi sobrang na-miss ko din sya.
“Hayy. Na-miss kita ha! Ang pasaway mo rin kasi eh! Alam mo naman na bawal ka magpagod pero ginagawa mo pa rin. Tss.”
“I miss you too. Ahmm. Hime..”
“Ano yun?”
“Sorry pala sa ginawa ni mama ha?” lumayo sya sakin at tumingin sakin ng diretso.
“Pano mo nalaman yun??”
“Sinabi sakin ni Yumi.”
“Uhmm. Di ko rin naman masisisi yung mama mo eh kasi nag-aalala lang naman sya sayo.”
“Kahit na.”
“Tss. Tama na nga to. Ang drama! Haha!” hinawakan nya yung kamay ko at hinila ako sa table kung saan naroon yung mga kaibigan nya.
“Mga ateng! Si Yuji nga pala.. kilala nyo na sya di ba?”
“Oh akala ko ba—“
“Okay nako. Nakalabas nako ng ospital”
“Uhmm. Yuji.. friends ko nga pala. Si Zarah at Mine.” ngumiti lang ako sa kanila then nakipag shake hands.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ezra’s POV
“Yuji. Okay ka na ba talaga?” tanong ko sa kanya habang naglalakad kami pauwi. Malapit lang naman yung Resto bar ng tito ko eh kaya pwede na syang lakarin. Si Mine at Zarah naman nauna ng umalis kanina.
“Oo naman. Pero alam mo naman na nandito pa rin yung sakit ko kahit anong mangyare.”
“Wala na ba talaga pwedeng ibang gawin para gumaling ka? Kahit any operation?”
“Pwede naman ako gumaling kung makakahanap nga lang ng magdodonate ng heart kaso sa ngayon mahirap yun. Tsaka kung may magdodonate man at matuloy yung operation.. hindi pa rin sigurado na makakasurvive ako kasi masyado ng malala at baka hindi na rin kayanin ng puso ko yung operation.”