entry #35 bakit?? >.<

125 2 0
                                    

Pagkatapos nung nangyare sa Mcdonalds. Mas madalas na rin namin nakakasama si Andree. Actually mabait naman sya eh..friendly talaga sya at palagi nya din ako kinakausap.

Pero ewan ko ba..medyo naiilang ako? hindi ko rin alam kung bakit? Alam ko mali to kasi mabait naman sa akin si Andree pero..hindi ko talaga maiwasan eh.

"Okay ka lang Ezra?" di ko namalayan na kanina pa pala ako tinatawag ni Mine. gaano na ba ako katagal nakatulala?

"Mine. nakwento ko na sayo si Andree di ba?"

"Ah oo. bakit?"

"Eh kasi...mabait naman sya sakin at friendly naman sya di ba?"

"Oo. bakit? ano ba talaga problema?"

"Eh kasi..hindi pa rin ako mapalagay. kapag nagkakausap kami parang naiilang ako."

"Hahahahaha! praning ka nanaman Mayen! Bakit ka maiilang sa kanya?? It's either insekyora ka sa kanya or you know...girls din ang hilig nya?"

"Ako? insekyora sa kanya?? hindi noh!"

"Eh ano? ibig sabihin hindi kayo talo? ganun? hahahaha!"

"Imposible naman. babaeng babae kaya kumilos tsaka manamit."

"Hay nako Mayen. kung ako sayo wag mo na isipin yan. mapapraning ka lang."

"Okay. I'll try my best."

"Wag mo subukan. Gawin mo."

"oo na nga po eh."

"Wait. Mayen tignan mo nga yun." sabay turo sa may malapit sa canteen.

"Oo nga noh? bakit magkasama si Zarah at Andree? magkakilala ba sila?" sakto naman na napalingon samin si Zarah at kumaway. habang naglalakad papunta sa direksyon namin sila Zarah..si Andree kanina pa nakatingin kay Ezra.

"Hi girls :)" bati samin ni Andree.

"Hello. :)" ngumiti lang ako kay Andree tapos tumingin kay Zarah.

"Magkakilala na kayo ng ate Andree ko?" tanong sakin ni Zarah.

"Ha? Ate mo sya? Magkapatid kayo?" sabay naming tanong ni Mine.

"Oo. bakit?"

"Hindi ko ba nabanggit sayo? magkapatid kami ni Zarah :)" sabi naman ni Andree.

"Ah. hindi eh."

"Hay nako day. wag ka ng magtaka. di ba halata? pareho kaming maganda oh? hahaha" sabi naman ni Zarah.

"hahaha. Andree ano nga pala ginagawa mo dito?"

"Ahh oo nga pala. gusto ko lang sana makausap si Carson. Alam mo ba kung nasaan sya?"

"Ang alam ko kasi nasa HRm laboratory sya ngayon. magluluto ata sila."

"Talaga? pwede kaya ako pumunta?"

"Ah hindi ko alam eh. pero malapit lang naman yun dito. pwede mo naman siguro sya makita pero bawal tayo pumasok sa loob. sa labas lang tayo."

"Sure! gusto ko lang sana mag-hi :)"

"Sige :)" kinuha na namin yung mga gamit namin at dumiretso nga kami sa tapat ng HRM laboratory. may nakaharang lang na transparent na glass kaya pwedeng makita kung sino man yung mga nasa loob. pagdating namin dun nakita namin agad si Carson na busy sa pag-mix ng kung ano man yun XD magbe-bake ata sila.

"Sana naman tumingin dito si Carson." sabi ni Andree. lumapit ako sa may salamin tapos kumatok. kilala naman ako nung mga ibang classmates nya kaya nung may nakapansin sakin tinawag agad nila si Carson.

Leshe! ang gwapo talaga ng bee ko! haha! with matching smile talaga oh. kumaway ako sa kanya...halata naman sa itsura nya na medyo pagod na sya. kawawa naman ang bee ko.

Tinuro ko si Andree at agad naman itong nag-wave ng hand. maya-maya biglang binitawan ni Carson yung ginagawa nya at nagtanggal ng apron. Nagpaalam muna ito sa prof nila tsaka lumabas ng laboratory.

"Oy Andree. anong ginagawa mo dito?"

"May ibibigay sana ako. pinapabigay lang din ni Queenie."

"Ahh ganun ba? salamat haha. nag-abala ka pa sana nag-text ka na lang para ako na lang pumunta :)"

"Eh mukhang busy ka pa eh tsaka wala rin naman akong ginagawa kaya pumunta na rin ako dito. gusto ko rin bisitahin tong kapatid ko eh baka kasi may boyfriend na. hahaha"

"hala ate naman. wala akong boyfriend noh." sagot naman ni Zarah.

"Kapatid mo si Zarah??" tanong ni Carson.

"Oo. hahaha."

"Di ko ata alam yun ah? tagal na natin magkaibigan pero ngayon ko lang nalaman yan :)"

"Di ka naman kasi pumupunta sa bahay kapag ini-invite kita."

"Alam mo naman kung bakit eh. hahaha"

Okay. Anong nangyayare? Outcast nanaman ako. dyusko! ito yung pinaka ayaw kong feeling sa lahat eh. >.<

"Oo na. alam ko naman na busy ka eh."

"Teka. pano mo nga pala nalaman na nandito ako sa laboratory?"

"Kay Ezra :)" humarap naman sakin si Carson tapos hinawakan yung kamay ko.

"Bee. namimiss na kita. pasensya na medyo naging busy ako. hayaan mo babawi ako :)" Kahit wag na. mukha ngang masaydo kang busy eh. ni hindi mo nga ako napansin eh.

"Akala ko nga nakalimutan mo ng may girlfriend ka eh. hahahaha!"

"Hindi noh. tsaka ngayon lang naman tayo hindi nagkita. kahapon naman nagkita tayo di ba? psensya na medyo naging busy kasi ako ngayon."

"Busy? baka naman busy-busyhan? haha." okay. ang fake nung tawa ko. bakit ba ako nagkakaganito? naiinis nako.

"Hindi ah. nakita mo naman di ba? medyo marami kaming niluluto ngayon."

"Easy ka lang. haha. nagbibiro lang ako."

"Tampo ka na nyan?"

"Hindi." hinila ako ni Carson palapit sa kanya.

"Hindi talaga?"

"Hindi nga!" mas lalo pang nilapit ni Carson yung kumha nya. ANO BA!!! ANDAMING TAO SA PALIGID NAMIN!! >.<

"Sure?"

"Oo nga. ang kulit mo bee ha."

"Hahaha! sige na nga. maya na lang ulit tayo mag-usap. basta babawi ako ha. text kita later. I LOVE YOU! :)" nagpaalam na rin si Carson kila Andree tapos pumasok na ulit sya sa loob ng laboratory.

Hay. nakakapraning talaga!! nagseselos ba ako? pero bakit??? AYOKO NA!!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

ITUTULOY! :)

bitin di ba? hahaha! sorry naman po. may karugtong pa po yan kaso bukas ko na gagawin kasi madaling araw na. XD

Be Your Everything  ♥ (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon