Carson's POV
"Sir, mukhang malalim iniisip mo ha? Chiks yan noh?" sabi bigla ni Jeric isa sa mga empleyado ko.
Gaano na ba ako katagal na nakatingin sa sulat ni Ezra??
"Natapos mo na ba yung pinapagawa ko sayo? Akin na at ng mapirmahan ko na."
"Ayy.. sir hindi pa. hehehe!" sabay kamot sa ulo nya.
"Eh di tapusin mo na! Kung ano-ano napapansin mo di ka pa pala tapos."
"Sorry sir." Pagkasabi nya noon ay naglakad na sya palabas ng office ko.
Hmm? Pupunta ba ako sa restaurant na sinasabi ni Ezra?
"WAIT! JERIC!"
"Sir bakit? Anong problema?"
"May itatanong lang ako. Nagka girlfriend ka na ba? I mean naranasan mo na ba ma-heartbroken?"
"S-sir? Don't tell me... may gusto kayo s-sakin?!"
"YOU'RE FIRED!!"
"Hala! Sir naman di mabiro! joke lang po!"
"Sagutin mo na lang tanong ko.."
"Oo naman sir! Kahit na playboy ang tingin nyo sakin at di nagseseryoso.. naranasan ko naman na mainlove ng totoo at ma-heartbroken. Bakit nyo pala natanong?"
"Paano kung may ex ka tapos nasaktan ka na nya.. pero rason naman sya--"
"Ay nako sir.. mahal mo pa ba?"
"Mahal ko?"
Mahal ko pa ba?
"The fact na pinag-iisipan mo kung bibigyan mo pa sya ng isang chance... isang sign yun na special pa rin sya sayo. KASO natatakot ka na baka masaktan ka ulit. Kaya nga tinatanong ko kayo sir kung mahal mo pa ba sya.. kaya mo ba syang mawala ulit sayo? sabi mo naman may rason sya kung bakit iniwan ka nya noon?"