Chapter 1

2.1K 28 0
                                    

Jennie's POV



"OH, MY GOSH!!"

Ganun nalang ang hilo ko dahil sa pag uga-uga sa akin ni Rosé habang nakatingin sa pinto nitong classroom namin.

"Ano ba?"Tanong ko sa kanya. Grade 10 na kami ngayon at ang aking pinakamamahal na si Kai ay nasa grade 11 na.

"Sina Chanyeol at Jimin..."Halos maihi na s'ya kilig habang nakatingin parin sa pinto. Ayun naman pala, tinatahak kase ng mag kaibigan ang corridor dito. They are now grade 11 student. Of course, mag kakaibigan at mag kakaklase sila nila Kai.

'Yong tipong sila na ang hinahangaan ng mga estudyante dahil hindi lang sila mayaman. Matalino din, mabait, gwapo, at talented. Kahit sikat ay nagagawa parin nilang pakisamahan ang mga students dito. Sikat din kase ang banda nila na Syntax Error. Diba, ang weird ng name pero astig.

Tiningnan ko naman ang dalawa na ngayon ay napatingin sa bintana dito. Nakita ko naman si Jimin na ngumisi sa akin bago kumindat. Alam ko na sa akin iyon, hindi ko nalang pinansin pa.

"KYAAAAAHH!! Kinindatan ako ni Jimin, Jennie"Hinampas n'ya pa ni Rosé ang braso ko"Okay lang na hindi ako pansinin ni Chanyeol, kinindatan naman ako Jimin"Nag wawala na si Rosé habang nakatingin parin sa pinto.

Yumuko nalang ako at umiling"Tara na nga"Hinila ko nalang s'ya papaalis sa aming classroom"Bilisan mo, ayokong malate sa concert ng mahal ko"Hinila ko pa si Rosé na ngayon ay parang mahihimatay na sa kilig.

Kung s'ya ay madaming crush, ako naman ay loyal kay Kai. Hindi ko alam, basta masaya na ako sa tuwing nakikita ko s'ya. Okay lang sa akin na sungitan n'ya ako dahil kinikilig ako doon. Masaya na ako na malaman na single parin s'ya. Ganun, ganun ako kabaliw kay Kai Manoban.

And about kay Somi? Nalaman ko na walang feelings si Kai for her. Talagang mabait lang si Kai sa kanya dahil gusto n'ya itong maging kaibigan. See, may pag asa talaga ako kay Kai. Kyaaaaahh!!

"Excuse me!! Excuse me!!"Malakas ko pang sambit at hinawi ang mga taong nagkakagulo na dito sa auditorium. At halos mangilabot ang aking katawan nang marinig ang pag tunog ni Kai sa kanyang gitara. Nakapikit s'ya ay seryosong-seryoso sa pag gigitara.

"Angas mo, Jennie, ah? Bakit ka nanunulak?"Inis pang sambit ng isang kaklase ni Kai.

"Pasalamat ka pa nga at nag 'Excuse me' pa ako"Inirapan s'ya at binalik ulit ang tingin kay Kai na ngayon ay abala parin sa pag tugtog. Kaya gustong-gusto ko s'ya, e. Napakapassionate n'ya sa mga bagay na gusto n'ya. Lalo na ang pag gigitara. Well, tingnan mo naman, Isa sa magagaling. Hindi pala, pinakamagaling dito sa school at hinahangan. Hahays! Kai, kailan ka ba magiging akin?

"Hi, Jennie"Pero ganun nalang ang pag ngiwi ko nang marinig ang boses ng vocalist nila Kai na si Suho. Nag tawanan naman ang ibang students dito pero hindi ko nalang sila pinansin. Lagi naman iyong sinasabi ni Suho pag nakikita n'ya ako na nanunuod.

"Si Suho talaga ang seryoso sa'yo, Jennie"Ngisi pa sa akin ni Rosé.

Ngumiwi ako"Bakla iyan"Sagot ko at tinuon ulit ang atensyon kay Kay na ngayon ay sa akin nakatingin. Parang sumabog ang puso ko sa tingin n'yang iyon kahit mabilis lang dahil agad s'yang pumikit at bumalik ang atensyon sa pag gigitara.

Kyaaaaahh!! Tumingin s'ya sa akin.

OA na kung OA, wala akong pakialam. Ngayon ko lang nakita si Kai na tumingin sa gawi ko dahil sa tuwing manunuod ako ng mga gigs nila, hindi s'ya tumitingin sa gawi ko. Oh, gosh! Mas minahal na kita, Kai!

"GO KAI!!!"Sigaw ko pa at kumaway pero hindi na s'ya tumingin sa akin. Okay lang, tumingin naman s'ya sa aking kanina.



"Hoy, Jennie. Anong akala mo sa sarili mo, maganda ka?"Ganun nalang ang pag kunot ng noo ko sa sinabi ng babaeng mukhang langaw na ito. Kalalabas ko lang kase sa cubicle at Ito naman ang bumungad sa akin. Tatlo sila habang ako ay nag iisa. Buti nalang at hindi ko sinama si Rosé na mag cr kase panigurado na iiyak iyon pag may ganitong mangyayari.

The Heartless ManobanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon