A: This is not a last chapter, gays.
LISA'S POV
"Happy Valentine's, Lisa"
Ganun nalang ang pag tigil ko nang may humarang sa aking grupo ng mga kababaihan na ngayon ay nag uunahan na maiabot ang mga regalo nila sa akin.
It's Valentine's today. And of course, madaming nagbibigay sa aking ng mga gifts dahil hindi sa pag mamayabang, ang gwapo ko!
"Thank you"Isa-isa kong kinuha ang mga binigay nila. Halos matakpan na ang mukha ko sa dami"Wala bang may bag d'yan?"Pag paparinig ko pa sa kanila kaya ayun, pagalingan na naman ang mga babae na ito na ihanap ako ng pwedeng malagyan nitong binigay nila.
Halos dalawang bag ang dala ko habang naglalakad pabalik sa aming room. Wala namang klase dahil may events.
"Wow, chocolates"Ngumisi ako kay Jisoo nang makita n'ya ang dala."Bakit sa'yo, ang daming nag bigay? Bakit sa akin, wala. Anobayan!"Reklamo n'ya pa at sumimangot.
"Ang pangit mo kase"Tawa ko pa at naupo na dito"Nasaan si Pikit?"
"Ewan ko, mulat na ata"Sagot n'ya sa akin at isa-isang tiningnan ang mga natanggap ko"Uy, akin nalang itong dalawang toblerone, ah? Hehehehe, bibigay ko sa crush ko"
"Gago, wala kang regalo sa kanya?"Tanong ko naman sa kanya.
"Bakit pa ako bibili? E, alam ko naman na madaming mag bibigay sa'yo ng mga ganito. Oh, hindi mo din naman Ito kakain so hihingin ko nalang. Tsaka, hindi na ako gagastos pa nang malaki.. Mindset ba, bro. Mindset"Halakhak n'ya bago kunin ang dalawang toblerone. Hinayaan ko na s'ya dahil tama s'ya, hindi ko din naman kakakain ang mga iyan. Maybe, Itapon ko nalang mamaya.
Habang nasa room ako, mag Isa, dahil iniwan na ako ni Manok dito ay napatingin naman ako sa dumungaw sa pinto ng aming room.
Ganun nalang ang pag kunot ng noo ko nang makita si Jennie, best friend ng bunso kong kapatid na si Rosé na ngayon ay nakatingin din sa akin habang nakahawak sa may pintuan.
Ganun nalang ang pag tingin ko sa kanya dahil naka pigtails s'ya na madaming kolorete sa buhok. Nakapulang dami at puting palda na ang haba ay hanggang taas ng tuhod. Ang kulay rainbow n'yang medyas ay abot hanggang sa baba ng kanyang tuhod, paired with her white shoes.
"Hoy, si Rosé?"Para akong hindi makapaniwala sa paraan nang pag kakatanong n'ya. Aba! Grade-3 palang, ang angas n'ya na, ah.
"Hoy ka din"Sagot ko naman sa kanya"Mukha ba akong lost and found?"
Umayos s'ya nang tayo at nakapameywang na pinag taasan ako ng kilay"Hindi, dahil mukha kang unggoy. Che! d'yan ka na nga!"Inirapan n'ya ako bago ako talikuran.
"What the...."Ganun nalang ang pagtayo ko pero umalis na s'ya. Grabe, s'ya lang iyong babaeng gumanon sa akin. 99% ng babae dito, gusto ako. Yes, s'ya iyong 1% na hindi ako gusto.
Sa inis ay sinundan ko s'ya. Hindi pa naman s'ya nakakalayo kaya nakita ko ang likod n'ya. Pero ganun nalang ang pag tigil ko nang makita na makasalubong n'ya ang Isa ko pang kapatid na si Kai.
Nakita ko naman kung paano napatigil si Jennie at halatang si Kai na agad ang pinag masdan.
"H-hi, Kai, happy valentine's day"Parang kumulo ang dugo ko dahil sa pag bati n'ya. Kay Kai, ang lambing ng boses n'ya at binati pa ng Valentine's. Habang sa akin, 'Hoy', tapos tinawag pa akong 'Unggoy'
Grrrr!!
"Hmm..."Tipid na tango lang ang sagot ni Kai sa kanya. Alam ko naman na walang hilig si Kai sa mga babae, puro music at gitara lang ang gusto n'ya. Hindi katulad ko na ito, habulin ng chicks.
BINABASA MO ANG
The Heartless Manoban
Fanfiction"You're such a selfish person, heartless, and evil! Sana hindi nalang kita nakilala, Manoban!" JL story!! A/N: Lisa is boy here so if you're not comfortable with that, then don't read it!