Jennie's POV
Weeks passed and we're still busy. Halos hindi na nga kami mag kandaugaga sa mga requirements namin dahil first week next month ay school fair namin.
About me and Lisa, we're still fine. Nag alala talaga ako kay Lisa nung huli naming sama dahil nga sa biglang pag iiba n'ya ng mood. Pakiramdam ko ay ang dami n'yang iniisip na hindi nasasabi sa akin.
Gusto kong isipin na laro-laro lang Itong nangyayari sa amin ni Lisa dahil kilala s'yang playboy dito sa University. Pero sa tuwing mag kasama kami ay ramdam ko... ramdam ko talaga na mahal n'ya nga ako. Hindi ko alam kung masasaktan din ako sa tuwing iisipin na gagamitin ko lang s'ya para napalapit ako kay Kai.
Ganun nalang ang pag buntong-hininga ko habang nandito sa aking kwarto. Tiningnan ko naman si Beast na lagi kong kasama sa pag tulog. Inabot ko s'ya at niyakap.
"Masasaktan ko ba si Daddy mo if ever na iwasan ko na s'ya?"Ganun nalang ang pag tanong ko kay Beast. Pakiramdam ko ay nanikip ang aking dibdib dahil sa naisip ko. No, I can't. Parang hindi ko talaga kaya na iwasan si Lisa.
Pero in the first place, wala na akong nararamdaman sa kanya. Si Kai ang gusto ko, ang matagal ko nang gusto. Pero bakit ang hirap-hirap bitawan ni Lisa. Bakit ang sakit agad kahit wala pa man.
Tutulo na sana ang luha ko nang biglang nag ring ang aking cellphone. Huminga naman ako nang malalim bago sagutin ang tawag ni Rosé. Buti pa ang isang, to, masaya na talaga sa love life n'ya. Hindi ko alam kung sila na ba no'ng J na sinasabi n'ya. Hindi ko pa kilala si J. But if talagang masaya si Rosé with him, I'm going to support her. She's my best friend. And I'm happy for her.
"Hello, Bes?"Ramdam ko parin ang lungkot sa aking boses.
"Oh, bakit parang ang lungkot ng boses mo?"Tanong n'ya agad. Talagang kilala na n'ya ako.
"Ano..."Buntong-hininga ko"Pagod lang"Sagot ko naman"Anyway, bakit ka napatawag?"
"Yon nga, samahan mo naman ako"Sambit n'ya pa.
"Saan naman?"Tanong ko pa sa kanya.
"Sa volleyball court dito sa village namin"Tumaas naman ang kilay ko sa kanyang sinabi sa akin.
"Bakit naman? At kailan ka pa nahilig sa volleyball?"Tanong ko naman sa kanya.
"Sigeh na kase, Jennie. Para din mag enjoy ka. May papanuodin kase ako doon. Nandoon kase si Kuya Lisa dahil may laban ata sila"
Doon nanlaki ang aking mga mata"Si...Lisa?"Halos mautal pa ako.
"Oo. Alam mo naman ang isang iyon, napaka sporty. May mga dadayo ata dito at sina Kuya ang lalaban"Sagot n'ya pa"But kung pagod ka talaga, sigeh ako nalang muna. Mag pahinga ka na din Bes at alam kong kagaano ka busy-"
"No, I'll go with you. I mean, sasamahan kita but promise me na sasabihin mo sa akin si J, okay?"Iyon nalang ang sinabi ko pero ang totoo ay gusto kong makita si Lisa. Ilang araw na ulit kase kaming hindi nag kikita dahil naging busy din s'ya sa kanilang busy. Dahil panganay, at may alam sa business nila ay s'ya na ang tumutulong sa kanyang parents.
"Huh?"Nagulat pa s'ya"Okay, fine. Let's meet nalang sa 7/11 sa labas ng village, then dalhin ko na din ang car ko para deretso na tayong court"
"Alright. I'll just take a bath. Bye"Agad kong pinatay ang tawag at mabilis na nag hanap ng pwedeng masusuot. I want to watch Lisa's game. Gosh! I can't wait to see him playing.
Ito ang sinasabi ko, e. Once na marinig ko ang name ni Lisa, hindi na ako mag kaintindihan.
Tiningnan ko pa ang aking sarili bago kunin ang aking bag"Baby Beast, I'm going to watch your daddy, okay? Behave here"Sambit ko pa at tinap ang kanyang head bago ako umalis ng apartment ko. Nilock ko naman iyon bago ako umalis. Buti nalang at saktong may taxi kaya mabilis akong nakasakay.
BINABASA MO ANG
The Heartless Manoban
Fanfic"You're such a selfish person, heartless, and evil! Sana hindi nalang kita nakilala, Manoban!" JL story!! A/N: Lisa is boy here so if you're not comfortable with that, then don't read it!