Chapter 23 .·'¯'(>▂<)'¯'·.

1.1K 22 3
                                    

A: ano kaya sa tingin n'yo ang topic ng VISA if totoong magkasama sila sa iisang private jet? Si Jennie? Hahaha CHARIZZZ. Ito na, last ud for today's bedddyyooo!! Enjoy reading, gays:))

Jennie's POV


MATAPOS ANG MOVIE hanggang sa maihatid ako ni Kai sa aking apartment ay parang tulala ako. Ramdam ko naman na sa akin s'ya nakatingin pero hindi ko magawang salubungin ang mga titig n'ya.

"This Monday? Okay lang ba na sunduin kita?"

"Huh?"Napatingin naman ako sa kanya.

Napabungtong hininga s'ya"Sa Monday, okay lang ba na sunduin kita dito?"Tanong n'ya pa.

"Huh? O-oo. Oo naman"Tango ko pa sa kanya. Napatingin pa s'ya sa akin at parang pinag aaralan ang reaksyon ko. Bago pa ulit ako umiyak ay mabilis akong nag paalam sa kanya"Sigeh ano, pasok na ako. Ingat ka sa daan"Sagot ko at mabilis na umalis sa kotse n'ya. Dere-deretso naman ako sa aking apartment at doon binuhos ang mga luha.

How could he do this to us?! I hate him! I hate fucking hate him for playing our hearts.

Umiiyak akong pumasok sa loob ng room ko. At once na nakita ko si Beast ay doon ako napaiyak lalo. Bakit ang sakit-sakit? Bakit ako nagpauto sa mga sinasabi n'ya? Bakit ako nahulog sa patibong n'ya?

Ang tanga tanga ko!

"Arrgghhh!"Halos sabunutan ko na ang aking sarili habang umiiyak.

Habang nakaupo ay napatingin ako sa aking cellphone. Hindi ko alam kung tatawagan ko ba si Rosé dahil gusto kong mag sumbong sa lahat ng mga nalaman ko.

At ganun nalang ang pag tingin ko sa aking cellphone nang makita ang I.G story ni Seulgi na nasa volleyball court sila ngayon at nandoon...si Lisa.

Fuck!

I want to punch his face right now. Paano n'ya magagawang mag enjoy habang sinasaktan n'ya ang puso namin ni Kai?

Wala sa sarili akong tumayo at kinuha ang aking wallet. Buti nalang at alam ko kung saang volleyball court nandoon ang mag kakaibigan kaya pupunta ako doon. I don't care kung nandoon ang mga kaibigan n'ya. That's nice, nang malaman nila kung gaano kasama ang kanilang kaibigan.

Habang nasa taxi ay puro ako singhot. Napapatingin pa sa akin iyong taxi driver pero hindi ko nalang pinansin pa.

"May problema ba kayo ng boyfriend mo, hija?"Tanong sa akin nung taxi driver. Mas napaiyak ako sa kanyang tanong.

"May nalaman mo po kase ako, e..."Umiiyak na sambit ko pa sa kanya. Maganda na din Ito, sa stranger ko sabihin ang mga hinanakit ko"May malaman po akong isang bagay na ginawa n'ya. Ang sakit-sakit po. Nag sinungaling s'ya sa akin"

"Baka may reason kaya n'ya iyon nagawa"Sagot n'ya. Umiling naman ako, ayokong tanggapin ang salitang iyon. Na ano, na kaya n'ya iyon nagawa dahil mahal n'ya ako? Kung mahal n'ya ako, dapat hinayaan n'ya akong maging masaya sa piling ng kapatid n'ya.

"Ang sakit-sakit po kase..."Hagulgol ko na sa kanya"Hindi ko matanggap na magagawa n'ya iyon"

"Hindi mo matanggap dahil ano..."Tiningnan n'ya ako"dahil kase mahal mo"

Fuck!

Ayokong tanggapin ang bagay na iyan. Ayoko. Pero kahit anong gawin ko, iyon na ang totoo. Na mahal ko na si Lisa...

Nang makarating ako sa sport complex ay pinunasan ko naman ang aking luha bago kunin ang aking pera.

"Ito po"Humihikbi ko pang abot sa driver. Kinuha n'ya naman iyon habang nakatingin sa akin"Salamat po"Sambit ko pa bago hawakan ang pinto.

The Heartless ManobanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon