Jennie's POV
ONCE NA makarating kami sa simbahan kung saan ikakasal sina Ms. Gonzalez ay nakita na din namin ni Lisa ang aming mga ka-blockmates.
Kumaway naman agad ako kina Kristen habang si Lisa ay nasa likod ko lang.
"Tara na daw sa loob sabi nung family nila Miss"Sambit pa nila Kristen kaya naman tumango ako sa kanila bago tumingin kay Lisa na ngayon ay nakatingin sa may simbahan dito.
"He's gwapo no?"
"Gosh! Anong name nung guy?"
"He's hot. Students ni Ate?"
"Siguro. Look at him, he's so handsome. Hihihihi"
Pero ganun nalang ang pag tingin ko sa mga bridesmaids na ngayon ay kay Lisa nakatingin habang nag uusap. Ayokong mainis dahil nandito kami sa simbahan pero hindi ko maiwasan.
"Lisa, let's go"Ganun nalang ang gulat ni Lisa nang isabit ko ang aking kamay sa kanyang braso.
"Bakit ka nakahawak?"Kunot noo n'ya pang tanong sa akin.
"E, ano naman?"Naiinis talaga ako"Tara na"Hinila ko na s'ya bago tumingin sa mga babaeng masama ang tingin sa akin.
"Tss"Rinig ko lang singhal ni Lisa habang hinihila ko papasok ng simbahan. Maganda dito sa loob dahil ang daming bulaklak na decorations.
Naupo naman kami nila Kristen sa may bandang gitna dahil malaki naman itong simbahan.
Naupo ako at hinila si Lisa kaya napaupo din s'ya sa tabi ko.
"Doon ako kina JV-"Astang tatayo s'ya ay tiningnan ko s'ya nang masama"What?"
"Dito ka nga sabi sa tabi ko"Tinap ko pa ang aking tabi kaya ganun nalang ang pag buntong-hininga n'ya.
"Tss"Sambit n'ya pa at naupo sa aking tabi. Yan, makinig ka sa akin.
Dahil nasa dulo ako at si Lisa ang nasa gitna namin ni Kristen ay kailangan ko pang dumagan sa mga hita ni Lisa upang makapag usap kami ni Kristen. Dahil hindi pa nag sisimula at maganda ang topic namin ni Kristen ay nalibang talaga ako.
"Yes, and alam mo ba, nakakatawa talaga iyong araw na iyon"Mahina akong tumawa at pinag hahampas ang hita ni Lisa.
"Ang lakas naman ng hampas"Hindi ko naman pinansin si Lisa na bulong nang bulong dito. Don't worry, mamaya ka sa akin.
At once na magsimula na ay tumigil na kami nila Kristen. Tiningnan naman namin ang mga kasali dito sa kalas at ganun nalang ang ngiti ko dahil ang cu-cute ng mga bata.
Pero nawala ang ngiti ko nang makita iyong mga bridesmaids na lumakad at agad tumingin sa aking likod, kay Lisa. Nag crossed arms ako at tiningnan agad sila habang nakataas ang kilay.
Ganun nalang ang pag iwas nila dahil sa mga tingin ko. Tiningnan ko naman si Lisa na ngayon ay sa mga bridesmaids nakatingin habang nakangiti. Bwiset! Ngumiti ang unggoy. Grrrr!!
"Wag ka ngang ngumiti"Doon s'ya nagbaba ng tingin sa'kin, nakakunot na ang noo.
"Bakit naman?"Tanong n'ya pa.
"Bakit ka nakangiti doon sa mga babae?"
"Anong gusto mong gawin ko? Suntukin sila?"Pilosopo n'ya pang sagot sa akin.
Tiningnan ko s'ya nang masama"Ikaw ang susuntukin ko mamaya, Manoban"Banta ko naman sa kanya at tinalikuran ulit s'ya.
"You don't own me, Jennie..."Pero parang nawala lahat ng lakas ko nang marinig iyon mula sa kanya"Hindi mo ako pag mamay-ari kaya wag mo ako pipigilan sa mga gagawin ko."
BINABASA MO ANG
The Heartless Manoban
Fanfic"You're such a selfish person, heartless, and evil! Sana hindi nalang kita nakilala, Manoban!" JL story!! A/N: Lisa is boy here so if you're not comfortable with that, then don't read it!
