Chapter 9:))

1K 20 0
                                    

Jennie's

MAS dumami na nga ang mga ginagawa namin dahil malapit na ang midterms. May research pa kaming ginawa at reporting. Kung pwede lang umiyak habang nag gagawa ng school works, iiyak na talaga ako. Pero hindi ko magawa dahil may tumutulong sa aking upang maging madali at mabilis matapos ng mga gawain ko.

"Baby, oh"Iyon ang abot sa akin ni Lisa ng float habang nandito kami sa kotse n'ya. Dumaan kase kami sa drive thru para bumili ng food. Iyong favorite food ko. Alam n'ya kase kaya iyong ang binibili n'ya pag magkasama kami.

"Thank you"Sambit ko pa habang nasa hita ko ang aking laptop. See, kahit pauwi na kami ay nasa school parin ang aking isip. Nag eedit kase ako na pwedeng maging logo ng student council.

"Mamaya mo na iyan gawin, kain ka muna, oh"Abot pa sa akin ni Lisa ng burger bago agawin sa aking ang laptop ko at pinatay.

"Hayst! Nakakapagod"Nguso ko pa at binuksan ng burger bago kinain.

"Kase naman po...pinakyaw mo na ang lahat ng gagawin"Sambit n'ya pa after ilagay ang laptop ko sa may bag. Nag drive na naman s'ya dahil uuwi na nga ako.

"E, kailangan e"Sambit ko pa kumagat ulit ng burger bago uminom ng float. Hmm...sarap!

"Tss! Pinapatay mo na ang sarili mo"Sambit n'ya pa habang abala sa pagmamaneho"Buti pa ang kapatid ko na si Rosé, chill lang"

Kase may bebe na iyon, hindi mo lang alam...Gusto ko iyong sabihin pero ayoko namang ibuking ang best friend ko. Yes, hindi na kami masyadong nag sasama ni Rosé dahil sobrang busy ko. Pero alam ko naman na may kasama s'ya palagi, iyong so-called suitor n'ya...na ngayon ay hindi ko parin kilala.

Nang makarating kami sa aking apartment ay hinatid n'ya naman ako sa loob dahil mag aaral kami. Yes, s'ya na ang naging buddy ko sa pag aaral.

"Hahays! So tiring naman this day"Sambit n'ya pa at naupo dito sa couch"Baby, pag timpla mo nga ako ng coffee"Ngisi n'ya pero kinuha ko lang ang throw pillow at binato sa kanya"Ouch!"

"Ewan ko sa'yo. Mag papalit lang ako"Sambit ko pa at pumasok sa loob ng room ko. Wala naman akong pasok ngayon dahil off ko.

Naka pajamas na ako at sandong black pag kalabas. Agad namang napatingin sa akin si Lisa bago ngumiti"Ang ganda mo talaga, baby"

"Duh! Matagal ko ng alam"Sambit ko pa sa kanya at pinusod nalang basta ang aking buhok. Nakita ko naman na sa akin parin nakatingin si Lisa na ngayon ay parang nakatulala"Hoy"Sambit ko pa after kong mag ipit.

"What?"Tanong n'ya pa at inayos ang food namin.

"Tulala"Natawa ako bago nag hugas ng kamay. Kumuha ako ng plate namin dahil kakain muna kami bago mag aral. Hahays! Malapit na akong pumunta sa Student Congress.

Kumain lang naman kami dahil talagang kailangan naming mag aral at mag gawa ng mga requirements.

"Okay na ba ito?"Tanong ko pa kay Lisa habang sa laptop ko parin nakatingin. Inaayos ko na kase iyong Logo.

"Hm..."Kumunot ang noo n'ya"Okay na. Maganda! Galing!"Ngiti n'ya pa at pumalakpak. Baliw!

Napailing nalang ako bago ulit tingnan iyon. Habang abala kami sa aming mga ginagawa ay halos mapatalon naman ako sa gulat nang biglang kumulog ng malakas.

"Hey,"Sambit pa ni Lisa nang makita n'ya na nakahawak ako sa aking dibdib"Okay ka lang?"Tanong n'ya pa at tumingin sa bintana"Uulan?"

"I don't know"Huminga ako nang malalim"Gosh, ang lakas naman noon"Nakahawak parin ako sa aking dibdib"Oh, my!!!"At ganun nalang ang pag hawak ko sa braso ni Lisa ng kumulog na naman.

The Heartless ManobanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon