Jennie's POV
IYON NA ATA ang pinakamagandang presentation na nagawa ko sa aking buhay. Bukod sa maganda ang nilalaman ng bawat slide ay tumama ang mga ginawa ni Lisa. Tuloy ay ang ganda-ganda ng ngiti ko nang matapos kami.
May natanggap din kaming certification na pwede naming gamitin upang mabilis kaming nakakuha ng work once na grumaduate kami.
Nag papicture din ako sa mga speakers, ibang participants, and organizers ng naging even na ito. Puro pasasalamat ang ginagawa ko dahil puro din congrats ang sinasabi nila.
"Sana, ikaw ulit ang mag representative next year"Sambit pa sa akin ni Christine habang papalabas na kami.
"Malabo, may iba na siguro for next year"Sagot ko naman sa kanila.
"Kyaaaaahh! Jennie"
"Uy, huhuhuhu! Sanaol naman"
"Jennie, baby mo"Ganun nalang kabilis ng puso ko nang marinig iyon. Agad akong napatingin kay Lisa na ngayon ay inaamoy ang isang malaking at isang piraso na red rose. At halos itulak na ako ng aking mga kasamahan nang nag angat ng tingin si Lisa sa akin at ngumiti. This beast.
"Gosh! Ang gwapo ng boyfriend mo, Jennie"Kinikilig pang sambit ni Mina sa akin habang papalapit kay Lisa.
"Here, baby"Ngiti sa akin ni Lisa at Inabot sa akin ang rose na hawak n'ya. Pakiramdam ko ay uminit ang aking pisngi dahil sa gumawa n'ya, at sa mga tilian ng mga kasama ko.
"Uy, Jennie, anong FB name mo? Baka naman may ipakilala ka sa amin na mga gwapo"Sambit pa ni Christine.
Natawa lang ako"Jennie Ruby Jane Kim. Search n'yo nalang"Tumango naman sila sa akin bago tumingin kay Lisa. Mukhang kinikilig pa talaga sila at mas lalong kinilig nang ipadusdos ni Lisa ang kamay n'ya sa aking bewang.
"Let's go, baby"Bulong n'ya pa sa akin bago tumingin sa aking mga kasama"Bye, guys"
"Bye po"Sambit pa nila sabay-sabay. Kumaway naman ako sa kanila bago ako inalalayan ni Lisa na sumakay sa kotse n'ya.
"Pati mga kasama ko, kinikilig sa'yo"Sambit ko pa kay Lisa at nag seatbelt.
"Look, pati sila ay kinikilig satin. Ikaw lang ata ang hindi"Sagot n'ya pa at inistart na ang makina ng kotse n'ya.
Tinaasan ko s'ya ng kilay"Bakit, Ikaw ba kinikilig sa atin?"Tanong ko din naman sa kanya.
"Don't ask me gay question, please"
Tumawa ako"What's wrong with my question? And nakaka bakla ba iyon? Ano na nga kase, Lisa? Kinikilig ka no?"Pang aasar ko pa at nilapit ang rose sa kanyang mukha.
"Jennie, stop it. Nag didrive ako"
"Aminin mo na kase..."Pang aasar ko pa"Ayiiiieee kinikilig s'ya. Kinikilig ang Beast."Tawa ko pa nang makita na namula ang kanyang mga tenga.
Hindi ko alam pero tuwang-tuwa talaga ako ngayon dahil parang hindi na galit si Lisa. Ewan ko, medyo nakakapanibago kase iyong pagiging masungit n'ya sa akin kanina.
"Hey, hey! Doon nalang tayo"Turo ko pa sa isang fast food chain dahil ang mokong ay pupunta sa isang restaurant.
"No"Sagot n'ya at pinark ang kanyang kotse. Grrr!
"Stop wasting your money, Lisa. Lunch lang naman Ito, pwede na tayo sa mcdo"
"Baby, I don't care if gumastos ako nang malaki. Para sa'yo naman iyon"Ngiti n'ya pa at pinadusdos ang kamay sa aking bewang"Tara na"Sambit n'ya pa at dinala na nga ako sa loob ng restaurant.
"Once na maging Manoban ako, hindi ko talaga hahayaan na gumastos nang malaki ang aking mga anak. Dapat, hindi sila nag sasayang ng pera"Talagang tumango-tango pa ako.
BINABASA MO ANG
The Heartless Manoban
Fiksi Penggemar"You're such a selfish person, heartless, and evil! Sana hindi nalang kita nakilala, Manoban!" JL story!! A/N: Lisa is boy here so if you're not comfortable with that, then don't read it!