Chapter 6:))

1.2K 22 1
                                    

Jennie's POV


"Mag seatbelt ka nga!"

Utos ko pa sa kanya pero parang walang s'yang naririnig. Ano na naman ang drama nito?

"Sabi ko, mag seatbelt ka"Pag uulit n'ya.

"Wag na, mamamatay din naman"Sagot n'ya, sa daan nakatingin. Nagulat naman ako sa kanyang sinabi.

"Hoy, kung gusto mong mag pakamatay, wag mo akong idadamay"

"Sino bang may sabing idadamay kita?"Ngiwi n'ya pa"Ikaw nga ang dahilan kaya ako mamamatay"Bulong n'ya pa pero hindi ko narinig.

"Anong sabi mo?"

"Wala po, mahal na Reyna"Sagot n'ya pa sa akin bago Inabot ang seatbelt gamit ang isang kamay"Now, happy?"Tanong n'ya pa nang makabit ang seatbelt.

"Look, hindi ako nag aalala for you, inaalala ko ay baka may nakakita sa'yo na traffic enforcers at mahuli ka, madamay pa ako"irap ko pa sa kanya.

"You're so daldal"Sambit n'ya pa at umiling. Tiningnan ko pa s'ya nang masama habang s'ya ay sa daan nakatingin"Pasalamat ka at mahal kita..."Bulong n'ya pero hindi ko na s'ya pinansin dahil hindi ko s'ya maintindihan.

Mabilis naman kaming nakarating sa mall. Nag park lang s'ya sa carpark bago tumingin sa akin.

"May mask ka ba?"Tanong ko pa sa kanya kaya ganun nalang ang pag kunot ng kanyang noo.

"Mask? Bakit naman?"

"Ayokong may makakita sa atin na mag kasama. Baka kung ano pang isipin nila"Sambit ko naman sa kanya.

"Edi, isipin nila na tayo talaga"Ngisi n'ya pa, tiningnan ko s'ya nang masama"Tsaka wala akong mask. Ano ako, may sakit?"

"Aiiiisshh!"Naiinis talaga"Ikaw nalang ang bumili, hintayin nalang kita dito"Sambit ko pa at nag crossed arm.

"No, you'll come with. That's our deal"Sambit n'ya pa at inalis na ang kanyang seatbelt bago bumba. Wala naman akong magawa kundi ang alisin din ang seatbelt ko bago n'ya ako pag buksan ng pinto.

"Oh"Doon ako nagulat nang ipasuot n'ya sa akin sa cap na suot n'ya kanina. Halos napayuko pa ako sa paraan nang pag suot n'ya sa akin."Siguro naman okay na iyan?"Tanong n'ya pa.

Hinawakan ko naman ang cap na nasa ulo ko na"Much better"Sagot ko pa at inayos iyon.

"Tara na"Sambit n'ya pa at hinawakan ako sa aking kamay.

"No touching"Sambit ko pa sa kanya at binawi ang aking kamay.

Napailing nalang s'ya bago nag give ng daan"Lead the way, queen"

"Psh!"Singhal ko pa sa kanya at naunang mag lakad. Medyo binilisan ko upang hindi isipin ng mga tao na mag kasama kami ni Lisa.

Agad namang naagaw ni Lisa ang atensyon ng mga tao dito sa mall, lalo na ang girls of course. Binalingan ko naman si Lisa na ngayon ay parang bugnot na bugnot na nag lalakad. Ang mga kamay ay nasa bulsa ng pants n'ya habang patingin-tingin sa paligid. Wala naman s'yang ginagawa pero kung makapag bulungan at tilian ang mga babae dito, parang nag pakita ng abs si Lisa! Psh! So pathetic!

Dumeretso naman ako sa NBS dahil nandoon lahat ng need ko. Si Lisa naman ay nakasunod lang sa akin na parang namamasyal lang.

Sa illustration board agad ako pumunta at nag tingin doon ng size. Nakapunta na naman ako ng laboratory kaya alam ko kung anong tinutukoy ni Sir. Kumuha ako ng dalawang one whole illustration board dahil once na mamali, may extra pa.

After that, sa mga poster paint naman ako nag punta. Kinuha ko ang drawing ni Lisa dahil iyong kanya, talagang may kulay bawat parts ng cell. Galing n'ya naman.

The Heartless ManobanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon