Chapter 11 d^_^b

1.1K 19 0
                                    

Jennie's POV


INAANTOK ako sa students congress. Ang aga ko kaseng nagising para mag handa. Kaya kahit gusto kong makinig ay nahuhulog talaga na aking mata.

"Miss, president ka din ba ng school of business management ng school n'yo?"

At ganun nalang ang pag talon ko sa aking upo. Gusto kong maguilt dahil sa pagiging antok ko kaya heto ako ngayon, nataranta na agad.

"Ah, oo-I mean, hindi. Napag utusan lang ni president"Sagot ko naman sa kanya. Round table kase Ito at lima kami sa table. Tyanta ko ay 15 round tables dito sa venue. Lahat ay iuupuan ng mga students from different Universities na may business courses of course.

Tumango naman s'ya sa akin"Ako nga pala si Christine"Nag lahad s'ya ng kamay at ngumiti sa akin.

Inabot ko naman iyon"Jennie Kim"Sagot ko naman sa kanya.

"Ang daming gwapo no?"Sambit pa ni Christine sa akin at tinuro ang chinito na gwapo din na kanina pang tinatanong ng speaker"Pati yon gwapo"Sambit n'ya naman malapit sa table namin.

Napatingin naman ako sa aking cellphone nang makita ang message ni Lisa.

"May boyfriend ka na?"Tanong pa sa akin ni Christine nang makita ang aking cellphone.

"Uhm, wala"Sagot ko sa kanya at binasa ang message ni Lisa.

"Ang daming gwapo, no?"Mahinang sambit pa sa akin ni Christine at tinuro ang mga gwapong nakikita n'ya.

From: Beast

Nakikinig ka ba?

Kumunot ang noo ko at tiningnan ang venue. Pakiramdam ko tuloy ay nandito si Lisa at alam n'ya ang sinasabi sa akin ni Christine.

Me:

Oo, pero inaantok ako.

From: Beast

Anong gagawin ko para mawala ang antok mo?

Me:

Wala. Kanina ko pa ngang sinasampal ang sarili ko dahil antok talaga ako pero hindi talaga tumalab:(( Where are you?

From: Beast

Nasa hotel. What do you want for lunch?

Me:

Pwedeng sandwich nalang at juice? Anong oras mo ihahatid?

Medyo matagal s'yang nag reply. Ilang beses pa paulit-ulit sinulyapan ang aming cellphone pero wala parin s'yang reply.

Me:

Lisa..?

Ilang sandali pa s'ya bago nakareply. Nililibang ko nalang ang aking sarili sa snacks na dinala sa aming table at nakipag talakan kay Christine at sa Isa pa naming kasama.

"Ang daming gwapo no?"At nag kasundo na nga silang dalawa sa usapan. Narinig ko naman na medyo naiirita na iyong lalaking malapit sa amin dahil Isa s'ya sa pinag uusapan nila Christine. Sungit, ah? Hoy, mas gwapo sa'yo si Lisa.

Ngumiwi nalang ako at tiningnan ang aking cellphone. Napangiti naman ako dahil may reply na si Lisa.

From: Beast

Tapos ko nang gawin ang sandwich, baby. Anong oras ko ihahatid d'yan?

Kaya naman pala hindi agad nakapag reply, ginawa muna iyong sandwich na gusto ko.

Napangiti ako habang nag tatype

Me:

Before lunch nalang, ah. Thank you:))

The Heartless ManobanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon