Chapter 2

1.5K 25 0
                                    

Jennie's POV



"SEE YOU IN OUR NEXT MEETING. GOOD BYE"

Para akong nakahinga nang maluwag nang marinig si Sir. Tan na nag paalam. Buti nalang at hindi ako naging lutang sa reporting kanina. Medyo terror pa naman si Sir. Tan.

"May kasama kang mag lunch?"Tanong pa sa akin ni Robi, Isa sa mga ka-blockmate ko.

Umiling naman ako"Wala, pero hindi ako mag lu-lunch"

"Hah? Bakit naman?"Ngiti nalang ang sinukli ko bago kunin ang lahat ng aking gamit. Dahil wala pa akong masyadong kilala dito ay talagang lonely ako.

Habang tinatahak ang cafeteria ay may napansin akong lalaking naka akbay sa isang maganda at matangkad na babae. No other than, Lisa 'Playboy' Manoban.

Hindi ko alam kung anong napapala n'ya sa pagiging playboy. Napailing nalang ako at hindi na sila pinansin pa. Yes, first year na ako sa college habang si Lisa naman ay Third year na. Si Kai naman, iyon, sa ibang bansa na nag college kaya naman ang lungkot lungkot ko. Of course, gusto ko parin s'ya, hindi naman iyon nawala kaya nga gusto ko na s'yang bumalik dito upang makapag confess na ako sa kanya.

Hindi ko parin makakalimutan nung sinabi ni Lisa na in love s'ya sa akin nung high school ako. Naalala ko din kung paano s'ya bumulong at ngumisi. Damn his smirk! Damn his breath! Damn his voice! Damn him!

Nang makita kong medyo madaming tao sa cafeteria ay umatras na agad ako. Ayoko sa madaming tao. Pakiramdam ko pag pumasok ako, pag titingnan ako kahit hindi naman talaga.

"Bakit ka naman hindi pumasok?"Ganun nalang ang gulat ko nang may mag salita sa aking likod. At ganun nalang ang pag taas ng dugo ko nang mapag tantong na si Lisa iyon. Kung hindi lang gawa ni Rosé, hindi ako dito papasok e para hindi ko makita ang kumag na ito.

"E, ano bang pakialam mo?"Tanong ko pa at ganun nalang ulit ang pag ngisi n'ya"Tseh! Why do I even talk to you?"Talagang naiinis ako, hindi ko alam kung bakit!

"Chill, baby! What's up with you?"He chuckled making my blood boiled.

"Don't baby baby me. Bakit ka nga ba nandito? Bakit hindi mo nalang puntahan ang babaeng makalingkis sa'yo ay parang tarsier?"Habol hininga ko pang sambit at tumingin sa kanya pero ganun nalang ang kilabot ko nang makitang mas ngumisi s'ya.

"So, you saw me with Path? That's why you're acting like this...because you're jealous"Para na akong maiiyak dahil sa kanya. Ang kapal ng mukha n'ya para sabihin na nag seselos ako.

"I don't wanna see your face! Gosh"Talagang naiinis ko na nang ambit sa kanya. At ano daw, Path? Pathetic!

Kaysa makausap s'ya at nag lakad na ako papalayo sa kanya. Akala ko ay magiging mapayapa na ako pero hindi, mas kumulo ang dugo ko nang sumunod ang unggoy na iyon.

"Come with me"Ngisi n'ya pa at hinawakan ako sa braso. Para na naman akong nangilabot sa hawak n'ya.

"Ano na naman?"

"I'll treat you lunch"Ngiti n'ya pa bago pumunta sa harap ko.

"A...YO...KO"Hinigit ko ang aking braso sa kanya at nag patuloy parin sa pag lalakad.

"Baby, nag seselos ka parin?"Para akong nawalan ng lakas nang maramdaman kong pinalibot n'ya ang braso sa aking bewang. Halos umabot na sa aking tiyan ang kamay n'ya dahil ang lapit n'ya sa akin"Don't be jealous, Ikaw lang naman ang gusto ko, you know that"Pakiramdam ko ay sasabog na ako dito na parang isang bulkan dahil sa ginagawa n'ya.

'Yong iba ay napapatingin sa amin. Dahil sikat at mayaman, kilala dito si Lisa sa University. At dahil dakilang 'playboy' ay masama na ang tingin sa aking ng mga babae dito.

The Heartless ManobanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon