Jennie's POV
HINDI AKO huminga. Napayuko ako nang maramdaman kong may namumuong luha sa aking mga mata. Parang pinipiga ang aking puso na mas pinapahirapan akong huminga.
"Okay"Ngumisi ako.
Pero sa gitna nang pag ngisi ko ay doon bumuhos ang aking luha. Nakita ko naman na namutla si Kai. Umiling ako sa kanya.
No, I didn't want him to date me because of pity.
"J-jennie, i..."
Umiling ako kaya natigilan s'ya sa pag sasalita"Alam ko naman ang sagot mo. Sinubukan ko lang"Sagot ko pa sa kanya.
Napahikbi ako. Lumapit s'ya pero mabilis akong umatras. May malaki guwang sa aking puso. I didn't know if that's good or bad. Ang alam ko lang ay hindi ko na ito maramdaman dahil sa guwang na iyon. Umiiyak lang ako sa wala. Maybe I'm already numb because of the pain....or maybe I saw this coming.
Nilagpasan ko na s'ya. At simula noon ay hindi na ulit kami masyadong nag kikita at nag papansinan. What's new? Ganun pa naman talaga kami dati, e. Ako lang talaga iyong umaasa.
At simula din nung araw na iyon ay hindi na din ako tinext ni Lisa. Hindi ko alam kung bakit s'ya ang hinahanap ng sistema ko. I want to feel him. I want to see him. I want him to assure me. This is bad. So bad. So sick.
Galit na galit na ako sa sarili ko. Hindi ko na alam kung anong iniiyakan ko. Hindi ko na mapag tanto. Hindi ko na talaga alam....
Ayokong gamitin si Lisa. Kaya kaysa sa itext at kausapin s'ya, pinag paliban ko muna. Kung gusto n'yang umiwas sa akin, edi go, para din hindi na s'ya masaktan. Pero ako ang nasasaktan, e. I don't know why....
Habang nag aayos kami dito ng decorations sa stage, kung saan tutug-tog ang Syntax Error ay may narinig akong pag suyaw ng officer dito.
Nag aayos kase ako ng mic at sound system dito, e. At ganun nalang ang pag angat ko nang tingin nang makita na naapakan nung babaeng kasama ni Lisa ang decorations dito. Nakaakbay si Lisa sa kanya at ngayon ay napatigil dahil nga sinuway sila.
"Miss naman, dahan-dahan sa pag lalakad. Ang laki-laki ng field, oh. Respeto naman"Sambit ni Raymond dahil sa dalawa.
Sigeh lang, pagalitan n'yo sila.
Nakita ko naman kung paano ngumisi si Lisa pero halatang naiinis na. Bakit s'ya ang naiinis? Ang peste naman n'ya ang may gawa. Bulisek. Naiinis talaga ako. Gusto ko s'yang batuhin ng mic.
"Ano, babayaran ko na ba para manahimik ka na?"
At ganun nalang ang pag taas ng aking dugo nang marinig iyon mula kay Lisa. Of course, heartless s'ya. Wala s'yang puso. Walang pakialam sa mga efforts namin.
"E, Lisa naman..."Humina ang boses ni Raymond, natakot ata kay Lisa"Pinag hirapan Ito ng student council"Turo pa ni Raymond sa aming mga student council. Tumingin naman sa amin si Lisa bago napangisi.
"Talaga? Kung pinag hirapan n'yo, bakit ikaw lang ang nag rereklamo?"Mahigpit na ang hawak ko sa mic. Gusto ko na s'yang sagutin pero nanahimik na ako. Hindi ko s'ya papansinin.
Tulad ng sinabi ko. Tatahimik ako.
"Lisa, respect please"Si pres na ang nakiusap sa Halimaw na nandito.
"Fine"Sagot ni Lisa at inalis ang pag kakaakbay sa babaeng kasama n'ya. Psh!
"Upang makabawi, tutulong ako"Sagot pa ni Lisa kay Pres.
"You don't have to"Inis kong sagot ko sa kanya kaya ganun nalang ang pag tingin n'ya sa akin.
"Kanina nag rereklamo kayo, ngayon you don't have to?"Inis n'ya ding sagot sa akin.
BINABASA MO ANG
The Heartless Manoban
Fanfic"You're such a selfish person, heartless, and evil! Sana hindi nalang kita nakilala, Manoban!" JL story!! A/N: Lisa is boy here so if you're not comfortable with that, then don't read it!