Jennie's POV
BUONG AKALA KO ay babalik si Lisa after six months. Kaya naman matapos ang semester at summer na, araw-araw na akong nag aabang sa paligid ko sa biglaan n'yang pagpapakita. Pero araw-araw din akong nabigo.
Nung mag June na ulit, simula na ang second year ko sa college, hindi ko na maiwasan ang pagtatanong kay Kai.
"K-kai, si Lisa ba hindi uuwi?"
Ngumuso s'ya sa akin bago umiling.
"P-paano na iyan? Diba 3rd year na s'ya"Saad ko pa"Hindi na n'ya ba tatapusin ang pag aaral n'ya?"
Nauusadan na s'ya ni Kai ngayon. 3rd na si Kai, at pagkakataon ay mauunahan ni Kai si Lisa na grumaduate.
"Kumuha si Kuya ng short course sa ibang bansa"Simpleng sagot n'ya na s'yang kinabigo ng aking puso.
"P-pero iba parin ang degree dito sa Pinas diba?"
"Oo. Siguro pag bumalik na s'ya dito, tatapusin n'ya rin ito"
"So, ibig sabihin ba no'n, matatagalan pa s'ya sa pag uwi...?"
Tumingin naman s'ya sa akin. Sa tingin n'ya palang ay parang alam ko na ang sagot.
"Give or take...2 years"
Fuck!!
Napalunok ako. Ang tagal. I miss him so much. Di bali na pestehin n'ya ako araw-araw, okay lang.
"Miss him?"Tanong n'ya pa nang makita n'ya na lumungkot ang aking mukha.
Napatingin naman ako sa kanya bago nag kibit-balikat.
"Pag nalaman n'ya na namimiss mo s'ya, uuwi agad iyon"Tumawa s'ya.
"Kai, ah, wag mo nga akong lokohin ng ganyan"Sambit ko naman sa kanya.
Napatingin naman s'ya sa akin"Oh, sigeh, joke nalang"
Parang tinusok naman ang aking puso.
"Wag mong sabihin sa kanya, ah"Pakiusap ko pa sa kanya bago napabuntong hininga"Galit iyon sa akin. Tsaka, ako ang nag taboy sa kanya"
Napatingin naman s'ya sa akin habang ako naman ay napatingin nalang sa akin mga kuko.
"Okay"Sagot sa akin ni Kai at tumango.
And tama si Kai. Umabot na ng ISANG TAON ay walang Lisa na nagpapakita.
"Si ate Krystal, dito na papasok"Sambit pa sa akin ni Rosé habang nandito kami sa gazebo.
Napatingin naman ako sa kanya. Hindi ko kilala kung sinong Krystal na iyon pero pakiramdam ko ay kilala Ito nila Rosé. Hindi nalang ako nagtanong tungkol sa Krystal na iyon at tiningnan nalang ang aking mga gagawin dahil sunod-sunod na naman.
"Rosé"Iyon ang tawag ko kay Rosé habang kumakain s'ya.
"Hmm...?"Tanong n'ya naman sa akin.
Napabungtong hininga naman ako"Si Lisa ba, hindi parin uuwi?"Ganun nalang ang pag tingin n'ya sa akin habang naman ay umaasa na babalik na si Lisa dito.
Pero parang nabigo na naman ang puso ko nang malungkot na umiling si Rosé sa akin"Hindi pa, Bes, e. I'm so sorry"
Hindi ko alam kung ilang beses akong nag tanong sa magkapatid na Kai at Rosé kung kailan uuwi ang kuya nila. Pero paulit-ulit lang din ang sagot nila sa akin, e.
"Sorry, Jen. Walang sinasabi si Kuya kung kailan s'ya uuwi"
"Hindi ko pa talaga alam, Bes, e. Sorry talaga"
BINABASA MO ANG
The Heartless Manoban
Fanfic"You're such a selfish person, heartless, and evil! Sana hindi nalang kita nakilala, Manoban!" JL story!! A/N: Lisa is boy here so if you're not comfortable with that, then don't read it!