Chapter 12 dO_Ob

1.1K 21 0
                                    

Jennie's POV

TININGNAN ko naman ang aking sarili sa salamin dito sa kwarto. Nag aayos na kase ako dahil pupunta kami ni Lisa sa bar na malapit.

Habang nag lilipstick ako ay saktong lumabas si Lisa galing cr at bagong ligo. Ganun nalang ang tingin ko sa kanya kung paano n'ya pinapatuyo ang kanyang buhok gamit ng towel. Nakatapis lang din s'ya kaya nakita ko na naman ang kanyang katawan.

Napatingin din s'ya sa akin habang ganun parin ang tayo. Sa sobrang gulat ko ay namali tuloy ang aking pag lilipstick.

Shit! Ganun nalang ang pag pikit ko sa inis dahil sa kagagahan.

Agad kong kinuha ang tissue at agad pinunasan ang lampas kong lipstick.

"Chill lang kase, hindi naman kita pinagmamadali"Tawa pa ni Lisa kaya naman gusto ko s'yang pag sasapakin ngayon.

Halos nanginginig pa ako habang nag lalagay ng lipstick habang si Lisa naman tinitingnan din ang sarili sa salamin. Nakita ko pa kung paano s'ya nag crossed arm habang nakatingin parin sa salamin. Mas lalo tuloy nag defined ang mga muscles n'ya.

Astang lalampasan ko naman s'ya ay ganun nalang ang gulat ko nang maramdaman kong hinawakan n'ya ako sa aking braso kaya halos manlambot ako sa hawak n'ya.

"W-what?"Pinilit kong maging mataray kahit medyo nautal ako.

"I can almost see you drool, baby"Ngisi n'ya pa sa akin.

"Bakit, mukha ba akong aso at  naglalaway na ako. Psh! I don't...drool over...over normal things..."Sambit ko pa at hindi na naman mapigilan ang mapatingin sa katawan n'ya.

"Normal, huh?"Ngisi n'ya pa bago lumapit na naman sa akin.

Naramdaman ko naman agad ang basa n'yang katawan. Ang maganda at napakakisig n'yang katawan. At sa tuwing pasasadahan n'ya ang kanyang buhok at lagi akong nangingilabot.

Umatras naman ako kaya napasandal ako sa wall mirror na nandito"Baby, pwede mo naman itong titigan kung kailan mo gusto. Sa'yo naman Ito, e"Ngiti n'ya pa at nilapit ang mukha sa akin bago ngumisi.

"Uggh! Ang manyak mo talaga. Stop it o baka hindi na tinidor ang isasaksak ko sa'yo"

Tuwang-tuwang naman s'ya habang nakatingin sa akin"Damn! Ang cute mo talagang asarin"Sambit n'ya pa at pinisil na naman ang aking pisngi. Hinawi ko naman ang kanyang kamay at pinag sasapak.

At ganun na naman n'ya kabilis nahuli ang mga pulso ko bago n'ya nilagay sa kanyang matigas dibdib. Pakiramdam ko ay nanghina ako nang maramdaman ko iyon.

Pilit n'ya pa iyong tinataas upang mapunta sa kanyang mukha. Nalaglag ang panga ko. Ngumisi naman s'ya bago mas nilapit ang katawan sa akin. Halos manginig ako sa mga malalim n'yang titig. Parang aalis ang puso ko sa sorbang bilis.

At ganun nalang ang pag putol ng aking hininga nang dahan-dahan n'yang nilapit ang bibig n'ya sa aking palad at dinampian iyon ng halik. Para akong nanghina sa ginawa n'ya, lalo na nung dinampi-dampian n'ya ang aking palad habang nakatingin sa aking mga mata.

Hindi ko alam pero napapikit ako nang marahan ng gawin n'ya ulit iyon. Nang mag mulat ako ay sorbang init ng aking mukha na parang pwede nang mag prito ng itlog.

Dahan-dahan n'yang binaba ang aking kamay bago kinulong sa mga bisig n'ya habang nakatingin sa aking mga mata. Was I too reckless? Bakit ko hinayaan na gawin n'ya iyon sa akin? Bakit para akong nabuang, nabaliw, at nalasing sa ginawa n'ya.

"One day..."He said, still staring at me"It will be your lips, I'll kiss...And I know you won't push me away... instead...you'll pull me tighter"

Binawi ko ang isang kamay ko na hawak n'ya"Asa ka!"Dinunggol ko ulit ang balikat n'ya upang makaalis na sa kwartong iyon. Ganun nalang ang pag hinga ko sunod-sunod dahil pakiramdam ko ay tumakbo ako nang sobrang bilis. Ang puso ko ay halos mag wala na at ganun din ang mga kulisap sa aking tiyan. Nag kakagulo na ang buong lamang loob ko.

The Heartless ManobanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon