Chapter 4

1.1K 26 0
                                    

Jennie's POV

BUTI NALANG at naging maayos ang trabaho ko. Walang masyadong nakakita sa sagutan nila Lisa at nung lalaki pero may iba-iba na napapatingin sa akin.

Napapikit ako at napahilot ng balikat habang nag aayos ng sarili sa locker room. Dahil madaming customer ay inabot na ako ng alas onse ng gabi.

Nakita ko naman si Lisa na busy sa mga kasamahan n'ya kaya aalis na ako dito. Nag paalam pa muna ako sa aking mga kasama dito bago umalis.

Gusto ko nalang ay ang mahiga at matulog dahil may kailangan pa akong gawin. Ang hirap pa namang makasakay ng ganitong oras dahil medyo late na.

"Why didn't you tell me that you're done?"Ganun nalang ulit ang talon ko nang marinig ang boses ni Lisa sa aking likod.

Humarap naman ako sa kanya, seryoso s'ya at halatang inis.

"Bakit pa?"Tanong ko sa kanya habang sinusuot ang jacket ko"Pumasok ka na sa loob at balikan ang mga kaibigan mo. Ayos na ako dito. Kaya ko nang umuwi mag Isa"

"No"He said firmly"Ihahatid na kita-"

"Ano? 'Wag na nga sabi"Seryoso kong sambit. S'ya na nga ang nag hatid sa bahay hanggang dito, Ayoko naman na pati sa pag uwi ay s'ya parin"Hindi na talaga, Lisa. Kaya ko naman. Thank you sa pag didrive mo sa akin"Sinserong sambit ko at tumingin sa kanya. Bakas sa kanyang mukha ang gulat pero mabilis ding umiling at lumapit sa akin.

"Whether you like it or not, Ihahatid kita"Sagot n'ya at hinawakan ako sa braso"Akin na ang mga gamit mo"Hindi na n'ya ako hinayaan pang mag salita dahil inagay na n'ya ang aking gamit at nauna sa kanyang kotse.

Napatingin naman ako sa kanyang likod. Hindi ko alam kung sinong Lisa ang kasama ko. Nakakapanibago. May nakita pa akong may bumabati sa kanya pero tanging tango ang ginawa n'ya bago lumingon sa aking gawin.

"Let's go"

"Uh, s-sigeh"Sagot ko at hinabol s'ya. 'Yong ibang nandito ay napatingin pa sa amin.

"Don't mind them"Bulong sa aking ni Lisa bago ako pag buksan ng pinto. Sumakay naman agad ako para hindi ako makita ng ilang tao, medyo madilim kaya napanatag akong hindi nila ako namukhaan. Mabilis din sumakay si Lisa bago tumingin sa akin.

"Are you drunk?"

"What do you think of me, dumb?"Tanong n'ya din"Kung lasing ako, hindi na kita mahahatid pa. And hindi naman ako nag inom"

"Liar"Sagot ko at sinuot na ang seatbelt"Nakita kita na halos mag laway sa mga alak sa table n'yo"Tumingin naman ako sa kanya at ganun nalang ang kanyang pag ngisi.

"So, pinapanuod mo pala ako?"

"Assuming!"Inis kong sambit, napatawa naman s'ya"Of course, nag wo-work ako doon, edi nakikita kita"

"Whatever you say, baby"Hindi nalang ako nakipag talo sa kanya dahil talagang pagod na ako. Masakit ang katawan ko at antok pa.

"'Wag ka munang matulog, kumain ka muna"Rinig kong sambit n'ya pa.

"Bukas nalang..."Antok kong sagot. Suminghal pa s'ya at hindi na nag salita. Kung hindi pa ako ginising ng kasama ko ay dito na ako nakatulog sa kotse. Hindi ko namamalayan na nasa tapat na kami ng apartment ko.

Tumingin naman ako kay Lisa na ngayon ay sa akin na din nakatingin"Thank you"Marahang sambit ko sa kanya at Inabot ang aking gamit"Ingat ka sa daan"Ngumiti ako sa kanya bago humarap sa pinto para buksan 'yon. Pero napatigil ako nang biglang pinigilan ni Lisa ang aking kamay.

Napatingin naman ako sa kanya at ganun nalang ang lunok ko nang makitang nasa harap ko na s'ya, malapit ang mukha namin sa isa't-isa. Amoy ko na din ang alak sa kanyang bibig pero hindi ko magawang ma turn off dahil mabango parin iyon.

The Heartless ManobanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon