Chapter 7:))

1.1K 24 0
                                    

Jennie's POV


"Wow, this is so wonderful, Jennie"

Ganun nalang ang ngiti ko nang makita na talagang nagagandahan si Sir. Mariano sa cell na dinala ko. Gusto kong sabihin na si Lisa ang may gawa n'yan pero hindi ko magawa, baka magalit pa s'ya. Saka ko na sasabihin ang totoo, pag hindi ko na s'ya prof.

Binaba n'ya ang illustration board at nakangiting bumaling sa aking"Jennie, thank you so much"

"Okay lang po"Sagot ko pa, naiilang. Hindi naman kase talaga ako ang gumawa n'yan, kay Lisa dapat iyong thank you.

Bago pa ako makain ng guilt ay agad akong nag paalam na aalis na. Nagpasalamat naman muna s'ya sa akin bago ako umalis.

Ganun nalang ang pag buntong-hininga ko nang makalabas ng office ni sir. Kung hindi gawa ni Lisa, wala akong mabibigay kay sir.

"Hey, Jennie"At ganun nalang ang pag tigil ko nang humarang sa harapan ko sina Nancy na ngayon ay masama na agad ang tingin sa akin.

"What?"Ano na naman kaya ang trip ng mga babaeng Ito?

"Totoo ba na kasama mo si Lisa yesterday sa mall? Ang talagang sumakay ka sa car n'ya, huh?"Tanong n'ya pa na s'yang kinatingin ko sa kanya. At talagang may nakakita parin sa amin, ah.

"Ano bang pakialam mo?"Tanong ko pa.

"So, totoo nga?"Mataray n'ya pang sambit"You bitch. Patago ka kung lumandi. Anong sa tingin mo, na kaya mong makuha si Lisa? And diba, si Kai ang mahal mo?"

"Ano bang kasalanan ko sa inyo at galit na galit kayo sa akin?"Hindi ko na din mapigilan ang sarili ko"E, ano naman kung kasama ko si Lisa kahapon, masama ba?"Tanong ko din naman sa kanya"Kung gusto mo, sumama ka din sa amin next time"

"Mag kasama sila ni Kuya kahapon dahil nag kita-kita kami sa mall"Doon ako napatingin kay Rosé na ngayon ay masama na din ang tingin kina Rosé. May pag kabitch din ang ugali ng bestfriend kong Ito e"Masama ba iyon, Nancy?"Taas kilay n'ya pang tanong.

Napatingin naman ako kay Nancy na ngayon ay parang hindi na makapag salita. Pinag taasan ko din s'ya ng kilay.

"Arrgghhh!"Sambit n'ya pa at inis na umalis dito. Sumunod din naman ang mga alipores n'ya kaya ganun nalang ang pag irap ko. Mga uhaw sa atensyon.

"Okay ka lang, Bes?"Tanong pa sa akin ni Rosé.

Tumango naman ako sa kanya"Yes"Sagot ko pa. Tumingin naman s'ya sa akin at ako naman ngayon ang nakataas ang kilay."Now, follow me, may kailangan tayong pag usapan"Sambit ko pa sa kanya at s'ya naman ay napanguso dahil alam na n'ya ang ibig kong sabihin.

"Now, tell me na"Sambit ko pa habang nasa gazebo kami.

"Fine, Ito na"Huminga s'ya nang malalim bago tumingin sa akin"May kasama nga ako kahapon"Pag amin n'ya pa"Pero hindi ko s'ya kaklase"

"What?"Ganun nalang ang pag nguso n'ya"So you lied to me, huh?"

"Hindi naman, Bes,"Nguso n'ya pa"Ayoko lang na magalit ka sa akin. Ito na nga, oh, sasabihin ko na. Wag ka na d'yan magtampo"

"Talagang dapat sabihin mo dahil magagalit talaga ako"Sambit ko pa sa kanya"So, what do you mean na hindi mo kaklase ang kasama mo?"

"Yes, hindi ko s'ya kaklase but matagal ko na s'yang kilala. Pumunta kami sa mall, totoo iyon pero hindi upang bumili ng gamit for school, nag pasama kase s'ya sa akin upang bumili ng gift for his mom"Tiningnan ko naman s'ya.

"Manliligaw mo?"Tanong ko pa.

Agad namang namula ang kanyang pisngi"hindi, ah"Parang kinikilig pa s'ya"Friends lang kami noon"

The Heartless ManobanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon