Chapter 40

1.6K 20 1
                                    

Jennie's POV

A few years later...

"LOVE!"

Napapikit ako at napangiwi nang maramdaman na humihilab ang aking tiyan"Lisa!"Sigaw ko na nang hindi parin s'ya gumigising"Lisa Manoban!"Halos maputulan na ako ng litid sa pagkakasigaw ko. Nagpabalikwas s'ya ng bangon at awtomatikong tumingin sa akin.

"Baby, what happened?"Tanong n'ya agad. Napapikit naman ako nang maramdaman ulit ang sakit. Sumasakit ang tiyan ko nitong mga araw pero ito ang pinakamasakit.

"Manganganak na ata ako"Umiindang sambit ko. Napaawang ang labi n'ya at hindi malaman ang gagawin.

"Baby, what?"Natataranta na ding sambit n'ya. Halos mapahilamos na s'ya ng mukha sa sobrang pag kataranta.

"MOMMY! DADDY!!"Sigaw na n'ya. Mahigpit naman akong napahawak sa kanyang braso nang mas lalong sumasakit ang aking tiyan. Magkakasunod na yabag ang aking narinig pero hindi ko sila inintindi. Pinag papawisan na din ako at halos umiyak sa sakit.

"Baby!!"Agad akong binuhat ni Lisa at sinalubong sina Mommy. Rinig ko pang pinapahanda na nila ang ambulance. Kahit ang gamit ko ay sila na din ang nagdala.

"Lisa..."Naiiyak kong sambit sa kanya at napapikit ulit.

"I'm here, baby. I love you"Bulong n'ya sa akin habang sinasakay ako sa stretcher. Naghanda na talaga sila ng ambulance para pagdumating ang araw manganganak na ako ay mabilis nila akong madala sa hospital.

"Aray ko, yawa!"Hindi ko mapigilan ang sabunutan si Lisa nang humilab na naman ang tiyan ko"Baby, please don't hurt your Mommy"Pakiusap ko pa sa anak ko pero pakiramdam ko ay gusto na n'yang lumabas.

Kasama ko ngayon sina Mommy (Lisa's mom), habang sina dad naman ay sa kotse na. Rinig ko din na tinatawagan nila ang mga malalapit naming pamilya at kaibigan.

"Shhh...We're near, baby"Paulit ulit na hinahalikan ako ni Lisa sa noo pero hindi ko talaga maiwasang napaiyak nang sumasakit ang aking tiyan.

Sa sobrang sakit na nararamdaman ko ay hindi ko na mamalayan na nandito na kami sa hospital, dinala agad nila ako sa delivery room.

"Lisa! Pisti! Yawa!"Pasigaw ko nang tawag kay Lisa. Inunan nila akong ipasok sa loob dahil may pinapaperma pa sila. Agad din naman akong inasikaso ng mga doctor na mag papanganak sa akin.

Gusto ko silang bulyawan pero hindi ko magawa, alam ko din ang batas dito sa hospital. Doon ko nalang namamalayan na nakahiga na ako. Napabuga ng hangin nang tuturukan ako para sa suwero na nilalagay ng nurse dito, ni hindi ako nakaramdam ng sakit dahil sa aking tiyan.

"Love!!"Halos umarko na ang katawan ko sa sobrang sakit. Pag nawawala ang sakit ay nakakahinga ako ng maluwag pero hindi pa man nakakabawi ay sumasakit ulit ang aking tiyan. Hindi ko na ding maayos ang higa ko dahil masakit talaga.

Nasan na ba ang yawang asawa kong 'yon?

"Baby, I'm here na"Biglang sambit ni Lisa na may suot-suot ng mask at kung ano pa.

"Baby..."Pakiramdam ko ay hinang-hina na ako dahil sa sobrang sakit pero pag naiisip ang anak namin ay doon ako kumukuha ng lakas. Kailangan kong maging malakas para sa baby namin, kailangan n'ya ako.

Nakita ko naman agad ang doktora na mag papanganak sa akin. Ngumiti s'ya pero hindi ko magawang tugunin dahil humilab na naman ang tiyan ko. Ilang minuto pa kaming ganun kaya halos manlumo ako dahil sa kanila. Tinawag ko na ang lahat ng santo at dinasal na sana magsimula na sila.

"Okay, Mrs. Manoban, hinga ng malalim"Napahigpit ang kapit ko kay Lisa at sumunod ang sinasabi ni Doc."Okay, good. Now, give me your best push, okay?"Pwumesto s'ya sa pagitan ng hita ko at minasahe ang aking tiyan at hita.

The Heartless ManobanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon