Matapos ang unang klase ay walang T na pumasok. Sina Dom , Amir at Mat lang nandito.
Asan kaya siya?
Naiwaksi ko ang pag-iisip nang maalala ang sinabi niya sa bar nuon."Ok class dismiss."
Nagdidismiss na wala manlang pumasok sa utak ko.
"Baby kain tayo."
Napalingon ako kay Yen. Sasagot na sana ako nang maunang magsalita si Kris.
"Let's go."
Sabay din samin si Jeff kaya apat kami ngayong magkasama.
Habang nasa daan ay nabanggit ni Yen ang tungkol kay T.
"Himala at hindi pumasok ang Alcedo nayun."
"Bakit hinahanap mo crush mo ba yun?" Sabat ni Jeff kaya nabatokan siya ni Yen.
"Pisti ka talaga! Bakit ba pagtinatanong mo ako tungkol kay Baby Ezra crush mo ba din siya?! Huh?."
Tss. Highblood nanaman siya.
Napatawa nalang ako sa kabaliwan nilang dalawa.Palihim kong tinignan si Kris. Wala manlang siyang imik.
"Bakit napunta sakin ang usapan baliw kang babae ka. Malamang." Ani ni Jeff na nagpahinto kay Kris.
"Oh?" Yen.
Namula ako bigla sa sinagot ni Jeff kaya napahinto din ako.
"Crush, huh?" Kris.
Batid ko ang pangungutaya ng boses niya.
"Why? As long as I remember Yen told me na walang kayo ni Ezra." Banat ni Jeff at nakipagpantay ng tayo kay Kris.
Nagkatinginan kami ni Yen.
Hinawakan niya sa braso si Jeff at ako naman kay Kris.
"Nagugutom na ako." mahinang ani ko sabay tingin sa kanya.
He sighed and get my hand.
"Bullshit." Ani niya at naglakad.
Akala ko sasabat pa si Jeff mabuti nalang at naiintindihan niya ang sitwasyon.
𝐂𝐀𝐅𝐄𝐓𝐄𝐑𝐈𝐀
Kasalukuyan kaming kumakain ng mapatahimik ang lahat. Panigurado nandito sila.
Tinignan ko ang bukana at nakita silang apat.
Nandito siya. Nandito na siya pero anong nangyari sa kamay niya?
Nakita ko kasi ang kamay niyang may rolyo. Nasatingin ko ay sugat.
Bumaling ang tingin niya sa pwesto namin at napatitig sakin.Kung malamig ang trato niya sa lahat. Ngayon sumobra na. At hindi ko alam kung bakit nalungkot ako.
Wala naman akong gusto sa kanya diba?
Nabalik lang ako sa realidad nang umubo ng peke si Yen.
Kanina pa walang nagsasalita saming apat.
Mabunganga si Yen pero minsan alam niya ring lumugar."Baby finish your food na para makaalis na tayo dito. Hindi ko kasi gusto ang tingin ni Kris kay Jeff at kina T." mahinang bulong niya sakin.
Tinanguan ko siya at inubos agad ang pagkain. Ako lang pala ang dipa tapos.
"Let's go." Nauna nang tumayo si Kris kaya sumunod agad kami sa kanya.
Nakahawak ako sa braso ni Yen nang mapatingin ako sa gawi nila T.
BINABASA MO ANG
𝗣𝗼𝘀𝘀𝗲́𝗱𝗲𝗿(𝗢𝘄𝗻) COMPLETED ✓
RomanceThiago Alcedo is known for being a cold person. He is one of most powerful student in A-University. He had a band named "Cliff". Ezra Paterna a boy with a silent life. Simple and has no family a top scholar of A-University. Working student in Atina...