CHAPTER 27

843 44 14
                                    

Nasa daan na kami papauwi ng magsalita siya bigla.

"Did he touch you?" Biglang tanong niya habang nasa harap ang tingin.

Nag-iwas ako ng tingin at bumaling sa nadadaanan bago sumagot.

"Anong klaseng tanong yan T. Ano bang pinagsasabi mo?" kabadong tanong ko sabay sulyap sa kanya.

"I ask you Ezra. Did Tompson touched you?"

Si Ryo?

Napalunok ako ng sumulyap siya sakin. Tumingin ako sa labas ng huminto siya. Nakarating na pala kami.

Dahan-dahan akong tumango ng titigan niya ako. Napakagat pa ako sa labi ng may galit akong naaninag dun.

Sino naman kaya ang nagsumbong sa kanya? Kung 'yong tungkol kanina ay sino?

"I have my eyes everywhere Ezra. And Damn it. You don't even push him." Sabay hampas niya ng mahina sa harap.

Natatakot ako sa kanya.

"Nagulat ako, Oo. kaya hindi ko siya natulak. Okay!" Sagot ko at yumuko.

Bumuntong hininga siya saka hinawakan ako sa baba.

Ang kaninang malamig niyang tingin ay naging malumanay na.
"Promise me. You won't let other touch you."

Tumango ako sa kanya.

Hinalikan niya ako sa noo at kinalasan ng seatbelt.

"Even if I want to sleep here, I can't. Dad called me earlier."

"Naiintindihan ko. Bakit ka nga ba dito matutulog, ey may bahay ka naman. Tss" ismid ko sa kanya.

Kinunutan niya ako ng noo at bahagyang tinulak ang aking noo.

"Idiot." Yun lang.

Tinanguan ko siya at lumabas.

Diko na siya hinayaang lumabas pa. Kaya inunahan ko na siyang pagsabihan.

"Ingat ka sa pag-uwi." huli na dahil pinaharorot niya agad ang sasakyan pagkatango niya sakin.

Loko nayun. Kapag siya nadisgrasya sasapakin ko talaga siya.

Pagkapasok ko sa loob ay saglit muna akong nagpahinga sa upuan at tsaka na naglinis ng katawan para matulog.

Kinaumagahan ay nagluto agad ako at kumain. Inayos ko muna ang uniforme saka nagpasyang maligo.

Matapos kong maligo ay nagbihis agad ako. Nagdala narin ako ng extra na damit.

Pagkatapos ko sa lahat ay lumabas na ako ng bahay. Nilock ko ang pinto saka umalis.

Habang nasa daan ay panay lang ang tingin-tingin ko sa tabi. Masaya akong naglalakad ng may humintong kotse bigla.

Diko maklaro sa loob dahil tented ito kaya hinintay ko nalang ibaba nito ang salamin sa gilid. Nang makita kong sino ay nagtaka ako.

"Bakit Kris?"
Tanong ko at pinasadahan ng tingin ang kotse. Iba kasi to sa laging dala niya.

Lumabas muna siya saka niya pinabuksan ang front seat. Sumenyas siya sakin.

Dahil di ako naka kilos agad ay nagsalita na siya.

"Get in baby."

Naglakad ako palapit doon at pumasok. Wala siyang salita habang pumasok sa tabi at minaobra ang sasakyan.

"We will talk now." Siya at hininto ang sasakyan malapit sa gate.

"Ano ba yun?" tanong ko habang nasa labas ang tingin.

𝗣𝗼𝘀𝘀𝗲́𝗱𝗲𝗿(𝗢𝘄𝗻) COMPLETED ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon