Matapos kong magpaalam ng maayos kina Jeedren at saming manager ay umalis na kami.
Habang nasa byahe ay pareho kaming walang imik. Hindi siya nagsalita kahit isang beses. At wala din akong ganang magsalita kaya sobrang tahimik namin sa loob.
Ilang minuto lang din ay narating na namin ang bahay. Nauna akong lumabas sa kanya at sumunod din siya.
"Salamat sa paghatid. Ingat sa pag-uwi" pagkababa ko.
"Mamaya pa ako uuwi."
Napamaang ako sa sinabi niya.
Hindi pwede. Pangalawang beses na siyang papasok sa bahay ko kung ganon. Wala pa naman akong stock na pagkain baka makikain siya.
Alanganin ko siyang inilingan.
"Hindi pwede , diba nga sabi niyo kanina magpapahinga kapa?"Tinaasan niya ako ng kilay bago sumagot.
"So? That's whay I'm here, Magpapahinga ako sayo."
Letseey! Uminit ang dalawang pisngi ko sa narinig. Dapat ba akong kiligin dun?
Pero yung tagalog accent niya! Shuteek!
"Baka gutomin ka? Wala akong stock."
Kagat labi kong sabi at ngumiwi.Tumingin muna siya sa pambisig na relo at tumango sakin.
"Okay. Get inside the car.""Huh?" diko siya magets.
"We'll buy groceries."
"Hindi na kailangan yan. Hindi naman kasi ako nagluluto ng manok."
Pigil ko sa kanya nang lagyan niya ng dalawang pack ng manok ang cart na dala.Sana pala di nalang ako pumayag. Langya kasi halos bilhin na niya lahat. Puno nanga yung cart na dala niya tas tinatambakan pa.
Nae-estress ako sa kakulitan ng kapre nato.
Kahit gabi na marami paring tao dito. Mukhang 24/7 din ang open nito dahil halos mag 11 nadin.
"Tss. It's for your health Ezra. Don't stop me please?" para niya akong binaby sa sinabi niya.
Wala akong nagawa kundi ang tumango. Nagkuha ulit siya ng pangalawang cart at nilagyan ng kung ano-ano. Nang mapuno ay dinala na namin ito sa counter.
Pangatlo kami sa linya. Habang hinintay ang pwesto ay may naalala ako.
"T pwedeng magdag-dag?"
Nahihiya kong kalabit sa kanya.Nagce-cellphone kasi siya kaya kinalabit ko. Salubong ang dalawang kilay niyang tumingin sa punong cart pabalik sakin at tumango.
Nagtataka siguro siya dahil kanina ngalang ay pinigilan ko siya tapos ngayon dadagdagan ko pa. Pero wala akong pake.
Masaya parin akong nagtungo sa ice cream section."Hey"
Napalingon ako sa kanang bahagi ng makarinig ng tawag. May nakita akong dalawang lalaking patungo sa pwesto ko. Yung isa seryoso ang tingin habang ang isa nakangiti.
Mukha silang nag-uusap, nagkamali ata ako ng dinig.
Nakakuha na ako ng isang ube flavor at plano kong gawing dalawa. Hahawakan kona sana ang isa nang maunahan ako ng isang kamay.
Inangat ko ang mukha at nasalubong ang seryosong tingin ng lalaki kanina.
"Ako ang nakauna." mahinang sabi ko at binawi ang kamay.
Tinitigan niya muna ako saka binigay ang isang galoon ng ice cream.
Ey? akala ko magmatigasan siya. Buti nalang.Ngumiti ako saka kinuha ang ice cream.
"Salamat."
BINABASA MO ANG
𝗣𝗼𝘀𝘀𝗲́𝗱𝗲𝗿(𝗢𝘄𝗻) COMPLETED ✓
RomanceThiago Alcedo is known for being a cold person. He is one of most powerful student in A-University. He had a band named "Cliff". Ezra Paterna a boy with a silent life. Simple and has no family a top scholar of A-University. Working student in Atina...