CHAPTER 42

643 35 5
                                    

Matapos akong mag-half bath ay nagbihis agad ako. Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko dito dahil ayaw ko namang bumaba.

Wala naman akong kasalanan sa kanila pero ang lakas talaga ng tibok ng puso ko na ani mo'y may ginawa akong masama. Napapaisip  tuloy ako kung kailan ko huling nakasamuha si Kris at Ethel. Bakit sila nandito gayong si T na may ari ay walang ka alam alam?

Habang nag-iisip ay narinig ko ang mahinang katok sa pinto kaya napatingin ako dito. Dahan dahan akong lumapit ng marinig ang pang-apat na katok. Kung si T hindi naman niya kailangan kumatok. Kaya alam kong hindi siya to.

Binuksan ko ang pintuan at napatitig sa taong kumatok. Isang matandang babae na sobrang taas ng kilay. Hindi ko siya kilala siguro lola siya ni T.

"Ah magandang gabi po" mahinang galang ko pagkabukas.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Mas lalo niya lang pinalakas ang tibok ng ng puso ko. Tangina nakakainsulto pa siya.

"What's your name hijo?" tanong niya pagkatapos akong suriin.

"Ezra Paterna po"
Sagot ko habang naka yuko parin.

Mabilis umangat ang tingin ko ng maramdaman ang kamay niya sa ulo ko. Akala ko anong gagawin niya pero bahagya niya lang akong pi-nat sa ulo at tumingin sa mata ko.

"I am Eli Thiago's step grandmother. Welcome to the family hijo."

Napanganga ako sa biglang pag-iba ng pakikitungo niya. Ang kaninang kaba ko ay napalitan ng saya at galak. Hindi ko alam kong pano at bakit siya naging malumanay sakin. Kanina nga ay para siyang nakakita ng madumi sa harap niya.

Ngumiti ako at hindi nakapagsalita. Pagkatapos niyang humawak sa ulo ko ay sa kamay  ko naman.

"I have this feeling na hindi magandaag dulot ang pagpunta ng pamilyang Asenjo dito." Ani niya at nilibot ang tingin sa loob.

Ibig niya bang sabihin ay sina Ethel?
Siguro nga ayaw ko ngarin sa mama niya dahil sa uri ng tingin nito kanina sakin. Tumango ako sa kanya at nagtanong.

"Bakit po?"

"Noong makailan lang ay samin pumunta at nagpuputok ng kay anong maitim na usok."

Napailing pa siya habang nagsasalita. Kaya pala nasasabi niyang hindi maganda ang dulot ng pagpunta nila Ethel dahil pala don. Hayst buhay nga naman.

Marami kaming napag-usapan tungkol sakin at nang malaman niyang patay na ang magulang ko ay iniba niya ang usapan napunta ito kay T. Napapaisip ako kanina pa na kung bakit hindi siya nagalit sakin kasi naman nong unang tingin niya sakin nakaka intimidate.

Sabay kaming napabaling sa pinto ng malakas itong bumukas at bumungad samin ang nagtaas babang dibdib ni T. Anong nangyari sa kanya?

"Damn it la" ani niya saka lumapit sakin. Itinago niya ako sa likod na akala mo pinoprotektahan.

Eyy? Wala namang ginawa sakin ang lola niya ah. Tinapik ko siya ng hindi nagsalita ang lola niya at tinaasan lang ng kilay ang apo.

"Wala siyang ginawang masama sakin love" ani ko at umalis sa likod niya.

Naiiling nalang na lumapit ang lola  niya at humawak sa braso ko.

Inilipat lipat niya ang tingin sakin at sa matanda habang nakatagpo ang dalawang kilay. Ano bang akala niya?
Kompleto pa naman yung katawan ko at walang nawawalang parte. Tss

"Stop confusing apo. Para kanang baliw. Tayo na hijo nagugutom ako sa kwento natin." Sabi nito at sinabay ako sa lakad.

Pagkalabas namin sa pinto ay tumawa siya ng malakas. Napangiwi nalang ako sa kanya.

𝗣𝗼𝘀𝘀𝗲́𝗱𝗲𝗿(𝗢𝘄𝗻) COMPLETED ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon