CHAPTER 26

868 48 8
                                    

Habang nagbibihis ay narinig ko ang katok sa pinto. Mabilis kong inayos ang damit ko at nagtungo sa pinto.

"Dom" ani ko pagbukas.

"Are you done?" Tanong niya at umayos ng tayo.

"Saglit lang kunin ko lang ang bag ko." Ani ko at tumalikod agad.

"Okay. I'll just wait you here." Dinig ko sa kanya.

Pagkabalik ko sa kwarto ay inayos ko agad ang dadalhin kong extra na damit.

"Tara na." Ako pagkalabas.
Ni-lock ko ang pinto at agad sumunod sa kanya.

Pinagbuksan niya pa ako ng pinto. Siya na din ang naglagay sakin ng seatbelt.

Tanging ngiti lang ang nabigay ko sa kanya.Wala kaming kibuan, hindi ko naman nadama ang pagiging awkward dahil naaaliw ako sa nadaanan namin. Hanggang sa nakarating na kami sa bar.

Sabay kaming pumasok at nagtungo kay Jeedren.
"Jeedren." Tawag ko pagkalapit.

"Tss bihis kana don. Balik ka mamaya dito." Siya at binigay ang order ng isang kano.

Tumango ako sa kanya at kay Dom.

Matapos kong magbihis ay bumalik na ako sa kanila. Magpapaalam panga pala ako sa manager namin mamaya.

"From what I've heard, he's not your obligation Culasko." batid ko ang mapangutya sa boses na 'yon.

Nang matuloyang makalapit ay nakita ko si Christoff na nakipagpantayan ng tayo kay Dom. Magkasintangkad ngalang sila. Pero lamang sa pangangatawan si Dom.

"Stop bubbling." Yun lang ang sinabi ni Dom at tumakod sa kanya.

Nakaupo kasi ito sa stall kaharap ni Jeedren.

Hindi naman masyadong madaming tao. Sakto lang at batid kong walang nakakarinig maliban samin.

Napatingin ako kay Jeedren ng tumawa ito.
"You are always like that Mr. Langston."

"Shut up Fuente." Sagot nito kay Jeedren.

Lumapit ako sa kanila. Sabay nila akong tinignan kaya nagbaba ako ng tingin.

Hindi ko naman sila maintindihan kaya hindi ako makikisali.

"Jeedren anong table latest nag order?" ako at tumabi kay Dom.

Ngumisi muna siya saka sumagot.
"Ito, sa table 2." Sabay usog niya sa tray.

Tumango ako at kinuha ang tray. Hindi ko na din narinig ang boses ni Christoff. Mabuti naman.

"Here's your order sir and mam." Sabay lapag ko sa tray.

Nag-iwan muna ako ng ngiti saka umalis. Wala na si Christoff pagkabalik ko.

Lumawak ang ngiti ko ng nagsidatingan sina Amir at Mat.

"Hey pretty cutie boy." Sabay na bati nila Amir at Mat sakin at ginulo ang buhok ko.

Napatawa ako at ngumuso.
"Langya. Wag yung buhok ko." Natatabunan na kasi ang mata ko paghindi naayos.

"Come here Ezra." Si Dom.

Binigay ko muna kay Jeedren ang tray saka lumapit sa kanya.

"Onga pala, bakit ang aga niyo ata ngayon? Si T?" tanong ko na naka ani ng hiyawan ng dalawa. Mga baliw.

" We just want to unwind cutie boy. Family business is fucking stressful than classes." Sagot ni Mat at ngumisi kay Amir.

"About T. He's on the way right now." Si Amir at nagsindi nag sigarilyo.

𝗣𝗼𝘀𝘀𝗲́𝗱𝗲𝗿(𝗢𝘄𝗻) COMPLETED ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon