Matapos ang nangyari kanina sa horror both ay lumabas kami at nagtungo sa classroom. Walang tao dito dahil nasa labas sila at nagsaya.
"Love" mahinang tawag ko sa kanya ng di niya ako pansinin.
Nakatalikod siya sakin habang nasa mukha ang dalawang palad.
"Come here Ezra"
Napatayo ako at dagling pumunta sa pwesto niya. Habang naka tayo sa tabi ay hinintay ko siyang magsalita ulit.Malakas siyang bumuntong hininga saka aki hinarap.
"What did he do?""Wala, humingi lang siya ng pagkakataon. Pero sinabi ko na sa kanya na masaya na ako sayo. Nagkamabutihan na kami. Tanggap na niya ang lahat at onga pala, magta-transfer siya ng ibang university."
"Good to know. Nawala lang ako saglit pinadukot kana niya agad. I've already warn the supreme team. Yet, They still manage to do it."
"Wag mo na silang pagalitan. Dahil din sa ginawa nila ay napaintindi ko kay Kris ang lahat. At natanggap niya din ang tayo sa bandang huli."
Tumango siya at ngumiti. Hinawakan niya ako sa beywang at pinalabit sa kanya.
"So, my idiot brother already accept it."
"Yup, tulad lang naman sila ni Tyl nang sitwasyon. Pero yung kay Tyl ay nadadala ng parents niya."
Pinag-ikot niya ang dalawang kilay kaya tumingkayad ako at hinalikan siya sa pisngi.
"What? Totoo naman kasi yun. Sabi niya nga sakin gusto ka niya." Sabay iwas ko ng tingin.
Ang gago binuhat ako bigla at pinaupo sa mesa ng prof. Nasa pagitan ko siya kaya kinapit ko ang dalawang paa ko sa kanya.
"I'm not saying anything love. HAHAH. Sorry for her but I already got my angel right now."
Hmmp! Nambola pa. Mahal mo naman? Kontra ng utak ko. Hayst. Nakakabaliw talaga ang pag-ibig.
Tinitigan niya ako habang papalapit ang mukha niya. Nang maglapat ang labi namin ay saktong bumukas ang pinto kaya naitulak ko siya.
"Fuck" mura niya at galit na tumingin sa kung sinong pumasok. Hindi rin kasi ako makatingin dahil sa hiya.
"What the hell dude! Even at school you're still eating cutie Ezra?!" Mas lalo akong namula ng marinig ang boses ni Mat.
"Ouch!"
"Damn!"
Sabay na ungot ng dalawa ng batokan sila pareho ni T.
Kailan nga ulit sila naging matino?
"Hey cutie boy"
"Hi"
Naiilang akong tumingin sa kanila. Ano na naman kaya ang sadya nila samin. Ang mamalas nila pareho.
"Sorry to interrupt your sweet moment cutie boy but may I know where is Miss Samselo?" Si Amir habang nagkakamot sa batok.
Oh? Nahihiya pa ang gago.
"Hindi ko na sila nakita kanina. Mula nong may nagpadukot samin. Sa tingin ko alam nila Blare iyon. Hanapin niyo nalang sa supreme office." Sagot ko at ngumiti.
"Okay cutie boy thanks. You can continue eating now." Asar niya sabay takbo palabas. Sumunod din sa kanya si Mat na natatawa.
"Kailan ba sila magtino? Noong hindi pa tayo ay matino naman sila ah? I mean hindi sila ganito ka kulet noon."
"They are just happy for us. That's why they keep teasing."
Nagdesesyon kamimg maglibot dahil malapit naring gumabi. Mamayang alas syete ay dadalo sina sir Denver at Tin dito.
Magbibigay daw ito ng kunting pahayag sa celebrasyon. Ang babait pa naman nila kaya siguro lahat na e-excite sa kanilang pagdating mamaya.
"Let's grab food first. I bet you're hungry already."
Tumango ako dahil nagugutom nanga talaga ako. Kanina pa ako hindi nagsa-snack. Siguro dahil sa paglilibot ay nakalimutan ko ang tiyan kong may bulate.
Kawawang bulate nalilipasan ng kain.Lumabas muna kami ng university saka nagtungo sa malapit na fast food chain.
Siya narin ang nag-order ng makain namin.Pagkalapag niya ay mabilis ko itong nilantakan.
"Damn love. Careful no one will snatch it."
Natatawang saway niya sakin.Uminom ako ng coke saka sumagot.
"Gutom ako. Don't careful- careful me."Nagtagpo ang dalawang kilay niya sa narinig saka binaba ang hawak na burger.
"Did you starve yourself?" Seryosong tanong niya.
Ngumuso ako at kumain ulit. Bahala ka mamaya na kita sasagutin niyan.
Wala siyang nakuhang sagot sakin bumuntong siya at kumain ulit.Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa unibersidad. Naglibot-libot ulit kami at nagtitingin sa mga booths.
Hinanap ko sa mga tao si Yen pero hindi ko siya makita. Pati sina Jeff at Tyl. Asan kaya sila ngayon? Sa lawak nga naman ng university nato. Talagang mahihirapan akong hanapin sila lalo pa at maraming dayo.
Nagsimula naring magdilim. Ang bilis lang talaga ng oras. Nakaupo ako ngayon sa isang bench medyo malayo sa mga tao. Hinihintay ko si T dahil ibibili niya daw ako ng maiinom.
"Ezra" napalingon ako sa likod ng marinig ang boses.
"Ryo. Bakit?"
Tinignan ko siya ng pumunta siya sa tabi ko at umupo.
"How are you?"
Nagtataka akong sumagot sa kanya.
"I'm fine. Ano palang sadya mo?"
"Damn. Swerte niya sayo."
"Pinagsasabi mo?"
Ngayon na ngalang kami nagkita ulit ay ganito pa ang sasabihin niya. Diko siya maintindihan.
"I won't hide it anymore. I like you Paterna. But it seems that I don't have a chance."
Napamaang ako at tumingin sa taong papalapit samin.
"I want to confess it before I leave."
Sabay tayo niya at tumingin sakin.
Tiningala ko siya dahil naka upo ako at mataas siya sakin.He extend his hand to make a shake. Walang pag-alin langan ko itong tinanggap at ngumiti.
"You are one of a kind person that I want to cherish and keep but I am late. Be safe Paterna." Sabay baba niya ng kamay at ngumiti.
Saktong nakatalikod na siya at malayo nang dumating si T na nakakunot ang noo.
"What the hell did he do to you?!"
Tss. Makareact talaga tong gagong to wagas.
Nginitian ko siya ng matamis saka tumayo.
"Wala siyang ginawa. Gusto niya lang akong mag-ingat."Mas domoble ang kunot ng noo niya.
"And why?""Hayst. Basta kaibigan ko na yun. Ano kaba."
Binigay niya sakin ang inumin saka umupo kaya bumalik ako sa pag-upo.
"Love? Thank you sa lahat. I love you. Ang sarap mong mag mahal."
Pinilig ko ang ulo sa balikat niya sabay kagat sa straw.
"Are you going to leave me?" Nalagay ko sa mukha ang palad sa sinabi niya.
"Nag I love you ako tapos iiwan kita? Edi para akong tanga."
"Tss. I love you too. I'm just asking stop grumping around. Have mercy on your cute face please."
BINABASA MO ANG
𝗣𝗼𝘀𝘀𝗲́𝗱𝗲𝗿(𝗢𝘄𝗻) COMPLETED ✓
RomantikThiago Alcedo is known for being a cold person. He is one of most powerful student in A-University. He had a band named "Cliff". Ezra Paterna a boy with a silent life. Simple and has no family a top scholar of A-University. Working student in Atina...