Nakauwi na ako sa bahay at kasalukuyang nag-aayos ng gamit ng marinig ko ang busina sa labas.
Pagkalabas ko ay nakita ko siyang nakatayo habang nasa bulsa ang dalawang kamay. Tangina ang gwapo.
"Goodmorning love."
bati ko pagkalapit sabay dampi ng halik sa kanya.Ngumisi siya at kinuha ang bag ko sa kamay.
"Goodmorning too love"
Matapos niya akong pagbuksan ay umikot na siya at pumasok sa kabila.
Nang makapasok ay binuhay niya ang makina sabay usad ng sasakyan.Nasa byahe na kami ng mapag-usapan namin ang pagbukod ko sa bahay niya. Ilang beses niya akong kinumbinsi ngayon ko palang napagdesesyonang pumayag. Sayang lang kasi kung maiiwan ko itong bahay.
Simula pagkabata ko dito na ako nakatira. At maraming ala-ala sakin kasama sina mama at papa. Ayaw kung iwanan to kaya ang usapan namin ni T ay dito kami kada Sabado at Linggo.
"What are you thinking love?"
Pukaw ng atensyon sakin ni T ng maparada na niya ang sasakyan sa parking area.Nilingon ko siya at nginitian.
"Nothing love." Kinalas ko ang seatbelt at lumabas.Noon natatakot ako sa maaaring marinig tungkol samin. Pero ngayon na alam ko nang lantad pala sa paaralan nato ang tungkol sa parents niya ay nagkaroon ako ng lakas.
"Babyyyy" Nakita ko sa unahan si Yen kasama si Jeff at Tyl. Kinawayan ko siya at malapad na ngumiti.
"Good morning Yen" bati ko pagkalapit.
Nakita ko ang sabay na pagbaba ng mata nila sa magkahawak naming kamay ni T. Hindi naman siguro masama kung gugulatin ko sila minsan.
"Kailan kapa naglihim sakin Ezra ha? Ako na ate mo nagawa mong paglihiman.! Anong klase kang kapatid?!" Malakas na sabi ni Yen kaya binatukan siya ni Jeff.
Tangina. Baliw.
"Ano ba?" Sabay ayos niya ng kanyang buhok at kiming ngumiti samin ni T.
Natatawa din tuloy si T sa kanya. Sino ngabang hindi napakabaliw niya kaya.
"Umayos kanga wala akong baliw na pinsan." Si Jeff at nagtago sa likod ni Tyl ng nagsimula nang mag alburoto ang mukha ni Yen.
"Maayos ako. Ikaw lang ang hindi no."
Napapairap akong umiwas ng tingin sa kanila."She's so funny love. Bagay sila ni Amir." Biglang sabi ni T kaya napatahimik kaming tatlo.
"Ha? Ano yun T? HAHAHA bagay naman talaga kami ni Blaseño kahit di mo pa sabihin."
Ang hangin talaga ng babaeng to. Natatawa na talaga si T sa kanya. Dahil sa minsang emotion na ipapakita niya ay pati ibang estudyante napapalingon at napapatitig sa kanya.
Nang mapansin ang pananahimik namin ay inayos niya ang sarili at pekeng umubo.
"Expressing your emotion makes me love you more love. Wag mong itago please." Ani ko at yumakap sa baywang niya.
"Putangina Baby. Dalaga kana talaga."
Ayan na naman tayo sa bunganga ni Yen. Hayst."Sige na Yen tara na." Ani ko at tumalikod. Kung diko pa siya yayain ay baka ano pa ang lalabas sa bibig niya.
Habang nasa hallway ng corridor ay napapatingin ako sa bawat sulok.
May sariling mundo talaga ang bawat estudyante dito sa loob. Pero bawat nadadaanan namin ay napapatingin samin.Dahil ba kasama namin ang taong may malakas na batas dito o dahil alam na nila ang tungkol samin.
"Wow the real couple is already here" Bungad samin pagkapasok.
Tangina binantayan ata nila ang pagdating namin.Ang lakas nang loob ng bakulaw nato na ipalandakan sa loob ang tungkol samin. Tinaasan ko siya ng kilay ng marinig ang hagikhik ni Yen sa likod.
Makabawi nga.
"Amir nabibigatan si Yen sa bag niya kung pwede ba daw na ikaw ang magdala." Ani ko. Iniwas niya ang tingin at namumula ang tenga. Narinig ko pa ang mahinang tawa ni Dom at Mat."Yeah, she hurt her arm dude. Better help your princess before anyone do it." Gatong ni T kaya mas lalong namula ang tenga ni Amir. Tumingin pa siya sa likod.
Akala ko lalapitan niya si Yen pero umatras lang siya at kakamot batok na umupo.
"Damn her cousin"
Nagkatinginan kami ni T ng marinig ang mahinang sinabi nito sabay dukdok sa mesa."You heard it?"
Nagiging chismoso na 'tong isa.
Tumango ako at umupo kasabay siya. Nagsunuran narin ng upo sila Yen na nakasimangot. Habang si Jeff naman ay seryoso lang ang mukha.Magkatabi na si Yen at Tyl. Si Tyl ang pumalit sakin dahil pinatabi ako ni T sa kanya. Wala pa si Kris at sina Ryo mukhang malalate ata sila.
Nasa kalagitnaan na kami ng klase ng pinatawag kami ni T sa Dean's office.
"Okay excuse ko muna kayo sa long quiz ko. You may exit now." Sabi ng prof namin.
Sabay naming tinungo ang opisina ng Dean na magkahawak kamay. Wala akong kaalam-alam kung bakit kami pinatawag kaya sana hindi ito tungkol samin.
"Calm down love. Remember that I'm still the owner."
Tumango ako sa kanya at naglabas ng malakas na buntong hininga. Nang makarating kami siya na ang nagpihit ng siradula.
"Dad"
Naiangat ko ang mukha ng marinig si T. Masyado ata akong kabado dahil kahit pagbati ay diko nagawa.
"Hey Ezra. Kumusta kayo ng baby ko?"
Tanong ni sir Tin. Sasagot na sana ako nang marinig ko ang pag-ubo sa likod at ang mahinang tawanan kaya napalingon ako dito. Si Dean at si sir Denver pala."Dad stop calling me baby. I'm not a baby anymore. Tss"
Pinaupo ako ni T sa pandalawahang sopa at tumabi sakin.
"Ah.. Okay lang po kami, kayo po?"Nasa harap kasi namin siya at nakahawak sa kamay ko. Kahit kailan hindi siya nakakasawang titigan.
"We're okay too. Pinapunta namin kayo kasi gusto kaming sabihin na bukas na ang school festival at magiging open ang university nato para sa lahat kahit kanino."
Sa wakas makakaranas narin kami ng kaginhawaan bukas. Simula kasi nong isang araw hindi na ako pwedeng tumulong sa gawain ng pag-aayos para sa gaganapin. Pinatanggal ako ni T sa listahan kaya wala na akong gagawin.
"And then you'll announce our relationship,right dad?" Sabat ni T habang nilalaro ang kamay ko.
"Yes son. That's our plan with your daddy Tin."
Si sir Denver na ang sumagot at lumapit samin. Umupo siya sa tabi ni sir Tin at ngumiti sakin."Tss. What a nice view." Sabay kaming bumaling sa kanan nang marinig si Dean. Sakto at nagflash ang camera na hawak nito pagkalingon namin.
"Good job Uncle send me that later" si T at ngumisi.
Napangiwi nalang ako ng kumindat siya sakin. Uncle pala ha.
"No probs hijo."
Marami pa ang napag-usapan nila. Dahil hindi ko naman masasabing 𝒏𝒂𝒎𝒊𝒏 dahil minsan lang ako sumasabat.
Ano ba kasing alam ko sa business, diba wala? Kaya wala akong ma-ambag kundi ang makinig.
Matapos nilang mag-usap ay pinabalik na kami sa classroom. Uuwi narin ata sila.
BINABASA MO ANG
𝗣𝗼𝘀𝘀𝗲́𝗱𝗲𝗿(𝗢𝘄𝗻) COMPLETED ✓
RomanceThiago Alcedo is known for being a cold person. He is one of most powerful student in A-University. He had a band named "Cliff". Ezra Paterna a boy with a silent life. Simple and has no family a top scholar of A-University. Working student in Atina...