CHAPTER 39

674 40 9
                                    

Nakauwi na kami galing sa university at kasalukuyan na akong nagluluto para sa hapunan namin.

Malapit na mag alas sais kaya kailangan kong dalian ang pagluto. Papasok pa kasi ako sa trabaho at si T naman kakanta ulit.

"Love" tawag niya sakin habang nagbabalat ng mansanas.

"hmm?"

Binilisan ko talaga ang pagluto dahil maliligo pa ako at kakain. Habang siya kanina pa natapos maligo.

"How about you'll stopped working?"

Napalingon ako sa kanya ng marinig ang sinabi niya. Hindi ako pwedeng tumigil. Ayaw kong iwan yung trabahong bumuhay sakin.

Bumuntomg hininga ako saka binigay sa kanya ang buong atensyon.

"Love, ayaw ko. Marami narin kasi akong memories dun." Sagot ko at ngumuso.

Tinigil niya ang pagbabalat at seryoso akong tinignan. Ayan na naman tayo sa mata.

"Kaya kitang buhayin. My sarili din akong kompanya. I just don't want to see you working while I can do it for you Love."

Napakagat ako sa labi at nag-isip. Hindi talaga ako mananalo sa ganitong usapan. Mapera kasi ang gago. Kahit anong palusot ko may maisasagot siya.

Dahil wala na akong masagot ay binalik ko nalang ang atensyon sa niluluto. Sakto at okay na.

Naghain ako ng sakto lang saming dalawa habang siya binabantayan lang ang bawat galaw ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya saka lumapit sa likod ko at yumakap sakin.

Nanlalambing dahil alam niyang di pa ako pumapayag. Ganito talaga siya. Kahit hindi pa kami gaano katagal ay kabisado ko na ang ugali niya. Ang dami ko palang maling naisip sa kanya dati na hindi totoo.

"Love bitaw muna maliligo muna ako. Mauna kanalang sakin kumain." Sabay hawak ko sa braso niyang nakapulupot sa tiyan ko.

Matagal siyang sumagot. Nakikiliti nalang ako dahil sa pag-amoy niya sa leeg ko. Gago.

Di ako nakapigil dahil sa kiliti ay napasigaw ako. Putanginang gago. Papatayin niya ba ako.

"Love!"

Natatawa lang siyang humiwalay sakin. Pinaharap niya ako sa kanya at saglit na hinalikan sa labi.

"Why are you so cute love?"

Hindi ko alam kung pambobola o ano dahil tumaas yung gilid ng labi niya. Pero ganun parin kinilig parin ako tangina yung epekto talaga niya sakin malala na.

"Bakit ngaba?" Nag-iisip pa ako kunwari habang tinaas-baba ang dalawang kilay.

Bigla niya akong kinarga kaya napakapit ako sa kanyang magkabilang braso. Walang pasabi Alcedo? Gago talaga.

"Love ibaba mo'ko maliligo pa ako. Anong oras na may lakad pa tayo pareho."

"Hindi nalang tayo pupunta dun."
Maloko niyang sabi sabay higpit ng yakap sakin.

Nilakihan ko siya ng mata dahil sa sinabi niya. Anong hindi? Kakatawag nga lang ng manager namin at humingi pa talaga ng favor. Tapos hindi siya sisipot? Gago lang.

"Isa Alcedo hindi na nakakatuwa. Ibaba mo'ko sabi. Maliligo na ako. Ilang minuto nalang oh."

Dahan dahan niya akong binaba at nagkamot sa batok.

"Why are you in a hurry? We still can go there after some you know." Sabay iwas niya ng tingin. Namumula pa ang magkabilang tenga niya.

Pati ata pisngi ko namumula.

Sinapak ko siya sa braso saka mabilis na nagtakbo sa itaas para makaligo na.

Ilang minuto lang at natapos na ako. Pababa na ako ng hagdan ng marinig ko siyang may kausap sa telepono.
Nakatalikod siya kaya di niya ako makikita.

Masama man ang makinig pero nacucurios ako. Hindi ko naman talaga ugali ang mag invade pero sa galaw niya parang gusto ko malaman ang pinag-usapan nila ng kung sino mang kausap niya.

"Shut up Dom. Damn it."

Si Dom pala ang kausap niya.
Hindi ko alam kung anong sinabi nito pero base sa reaksyon niya sa pagdaan ng palad niya sa mukha at sa paghawak nito ng mahigpit sa telepono ay masasabi kong hindi niya nagustohan ang sinabi nito.

"You're like a brother to me Dom. Don't fucking waste our damn friendship!.. I will forgive you for admitting your feelings but it's still a Bullshit dude! You know how much I love Ezra. And if you want me to choose you over him. You know the answer."

Malamig niyang sabi sabay baba ng telepono at humilamos.

"Love" tawag ko sa kanya kaya napalingon siya sakin. Kita ko pa ang dilim ng mukha niya.

Nilapitan ko siya at hinawakan sa kamay.
"What happen love?" Hindi siya sumagot nanatili lang siyang nakatitig sakin na parang kinabisado ang buong mukha ko.

"You heard it?"

Tumango ako at tumingin sa kanyang dalawang mata. Naiisip ko tuloy kung bakit na naman ako nadawit sa kanila.

"Anong sinabi ni Dom?"
Malumanay kong tanong at bahagyang pinisil ang braso niya.

Nagbaba siya ng mukha saka ako hinila at niyakap.
"He thought it was you who answered.He confess his feelings about you."

Tangina Dom.

Hinagod ko siya sa likod.
"Bakit ka naman nagagalit? Alam mo naman na ikaw ang mahal ko. At siguro kailangan narin niyang sabihin sakin kahit alam niyang wala nang pag-asa dahil sayong-sayo na ako. Love wagkang magalit sa kanya dahil lang nagconfess siya. Hindi ba at mas mainam nayun? Para wala na siyang tinatago sayo?"

Bumuntong hininga siya at tumango.
Hindi naman kasi kailangang magalit. Baliw lang siya dahil alam naman niyang patay na patay na ako sa kanya nagagalit pa siya. Kaibigan niya pa talaga.

"Right, I just don't like it. When someone especially my bestfriend has a feelings with my boy."

Napaikot ko ang dalawang mata at humiwalay sa kanya.
Nagugutom na ako.
"Tss. Yaan mo na alam niya naman kung kanino talaga ako."

Ngumisi siya at tumango.

𝗣𝗼𝘀𝘀𝗲́𝗱𝗲𝗿(𝗢𝘄𝗻) COMPLETED ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon