Pagkatapos ng unang klase ay pumunta agad ako sa library.
Pinatawag kasi ako ng Science prof namin at pinapakuha sakin ang libro na may iba't ibang desenyo. Siguro para sa gaganaping school festival iyon.
Hindi naman to bago dahil every year ay may gaganapin talaga na school festival.
"Oh hijo, ikaw pala." Bati ng librarian sakin pagkapasok ko sa loob.
Medyo madami din ang nandito lahat sila nagbabasa. May iba na napapatingin sa gawi ko pero diko na pinansin.
"Good morning po ma'am. Pinapakuha po ni sir yung libro daw po para sa school festival."
"Ah yun bang naiwan niya kanina. Mabuti at nalagay ko ito sa mesa."
Sabay kuha nito sa libro at pinasa sakin.Nang makuha ito ay nagpaalam agad ako. Malayo pa naman yung office ni sir. Hayst.
"Ezra" tawag sakin sa likod ng nasa hallway na ako.
Nilingon ko ito at nakitang si Cury pala. May bit-bit na naman siyang apple.
Palangiti talaga siyang tao. Lagi din siyang may dala na apple. Minsan nakikita ko pa siyang kumakain sa klase.
"Ah Hi?"
Sumabay siya sakin sa paglalakad.
"Hinanap ka ni Alcedo. Antagal mo" napatingin siya sa hawak ko ng winagayway ko ito aa harap niya.
Tatango-tango siya ng maintindihan ang nais ko.
"I never introduce myself properly to you. So, I'm Cury Mathens. You can call me Ry or C." Sabay hinto niya sa daanan ko kaya nagulat ako at napahinto.
Natatawa akong umiling at tinanggap ang kamay niya.
"You know me already naman pero Ezra Paterna." Sabay bitaw ko sa kanya.
Natatawa siyang kumagat sa dalang apple at ngumuya.
Habang nasa daan ay nag-usap kami tungkol sa kanya. Nalaman kong hindi pala siya dapat lilipat dito kung di lang siya maiwan sa dating universidad.
Nang marating namin ang opisina ni sir ay saka ko lang naalala. Pumasok ako sa loob at nilagay ang libro.
"Bakit ka nga pala sumabay sakin? May kailangan kaba kay sir?" tanong ko pagkalabas. Hinarap ko siya at hinintay ang kanyang sagot.
"I just accompany you. Ikaw lang kasi mag-isa baka mapahamak ka." sabay taas baba niya sa kilay.
Loko. Bakit naman ako mapapahamak?
"Gago, akala ko may kailangan kadin kay sir."
Pinagkibit balikat niya lang ang sinabi ko at naglakad. Sumunod ako sa kanya hanggang sa nakapantay ko siya.
Hindi na kami nag-usap pa. Nahinto kami ng nasa soccer field na kami.
Dahil may papalapit samin na naghahabulan. Hinablot niya ako ng malapit akong madali ng nasa unahan.
"Sorry." Ani niya at bumitaw.
Napakurap ako ng makitang sabay na nag-iwasan ng mukha ang kaninang naghahabulan. Base sa uniporme nila ay mukhang engineering student silang tatlo.
Humingi ito ng paumanhin sakin saka nagtakbuhan. Napakamot nalang ako sa pisngi at umiling.
"Thirsty?" Biglang tanong ni Cury at lumingon sakin. Inilingan ko siya. Hindi pa naman ako nauuhaw.
BINABASA MO ANG
𝗣𝗼𝘀𝘀𝗲́𝗱𝗲𝗿(𝗢𝘄𝗻) COMPLETED ✓
RomansaThiago Alcedo is known for being a cold person. He is one of most powerful student in A-University. He had a band named "Cliff". Ezra Paterna a boy with a silent life. Simple and has no family a top scholar of A-University. Working student in Atina...