Pagsapit ng alas tres ay hinatid ako ni T sa condo ni Dom. Mabuti nalang at alam niya kung saan dahil may lakad ang kaibigan nito at hindi niya kami masasamahan.
Ilang minuto lang din ay nakarating na kami. Sinamahan ako ni T sa unit at siya narin ang kusang nag tipa ng passcode.
Nang bumukas ay walang pasabi siyang pumasok kaya sumunod din ako. Tignan mo 'to parang kanya lang ah.
"T" rinig ko ang boses ni Tyl.
Hindi niya pa ako nakita dahil natatabunan ako. Akala niya ata walang kasama ang kaharap niya.
"Why are you here?" Tanong niya, himig ko ang pagkailang sa boses niya. Para siyang hindi komportable kaya umalis na ako sa likod at nagpakita sa kanya.
Nabaling sakin ang tingin niya pero umiwas din agad at nag kagat ng labi.
"Kaya pala."Hindi ko na pinansin ang pagkadisguto sa boses niya. Bahala na kung ano pa ang iisipin niya sakin basta lang magkaayos at magkausap kaming dalawa.
"Tyl. Mag-usap tayo" ani ko at sinenyasan si T. Gusto ko kasing kami lang dalawa.
Tumango siya sakin at lumabas.
Pagkalabas ni T ay umupo siya sa sofa kaya lumapit narin ako at umupo sa harapan niya.
Hindi siya makatingin ng deretso kaya ako na ang unang nagsalita.
"Bakit Tyl?" Sa dami kong gustong sabihin sa kanya ay wala akong ibang maibungad na tanong."I already told you. Gusto kong umalis ng bansa." sagot niya.
Nagbuntong hininga ako saka pinagsakop ang aking dalawang kamay. Mahirap nga talaga akong intindihin.
"Nag-usap na kami ng prof natin. Okay na ang lahat Tyl maayos na ang lahat. Bakit kapa aalis? Kung hindi ka pinigilan ni Dom ay talagang mawawala ka na."
Hindi niya parin ako matignan kaya nagpatuloy na ako.
"Alam mo kung gaano kita tinuring na kaibigan Tyl. Kahit hindi ganun katagal ang pinagsamahan natin ay special parin sakin 'yon. Bakit niyo ba ako laging iniiwan ha?" Hindi ko nakayanan ang hindi maluha kaya mabilis ko itong pinahid.Narinig ko narin ang pagsinok niya kaya alam kong naiiyak narin siya. Isipin din kasi minsan kung ano ang epekto sa taong maiiwan mo. Kung dahil lang sa inggit ay nakakatangina.
"I'm sorry. Natamaan lang ako sa sinabi mo kagabi kaya ako nagpursiging umalis. At nahihiya narin akong magpakita pa sa inyo lalong lalo na sayo."
Nakayuko siya habang sinasabi iyon at nilalaro ang dalawang daliri. Ganyan siya minsan sa school lalo pag kinakausap siya ng Dean.
Hindi ko nakayanan kaya lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang dalawang kamay.
"Kaibigan mo kami Tyl. Mahalaga parin sakin ang pagkakaibigan natin kahit na grades ko kaya kong itaya. Basta ba wag lang yung taong mahal ko." Sabay tawa ko ng mahina.
Nakakailang din kasi dahil sinabi niya na sakin dati na gusto niya si T. Pero pasensya nalang sa tadhana sakin kasi tumama.
Tinaas niya ang mukha at kita ko ang lungkot at luha sa mata niya. Kaya hindi ko nakayanan at niyakap siya agad.
Lalo tuloy siyang umiyak at yumakap nadin sakin.
"I'm so sorry Ezra. Pasensya na talaga. Ang tanga ko dahil lang sa pisting magulang ko nasaktan kita. Sobrang buti mong tao pero heto, sinasaktan kita. Sorry, I'm so sorry.""Hush tahan na. Ang mahala ay dikana aalis."
Nakangiti ko siyang tinignan nang mahiwalay kami sa yakap. At nakangiti din siyang tumango sakin at nagpunas ng luha.
BINABASA MO ANG
𝗣𝗼𝘀𝘀𝗲́𝗱𝗲𝗿(𝗢𝘄𝗻) COMPLETED ✓
RomanceThiago Alcedo is known for being a cold person. He is one of most powerful student in A-University. He had a band named "Cliff". Ezra Paterna a boy with a silent life. Simple and has no family a top scholar of A-University. Working student in Atina...