CHAPTER 21

1K 58 5
                                    

Dumating kami sa bahay ng sakto sa oras. Sinabihan niya akong sabay kami uuwi mamaya dahil may gig sila mamaya doon sa bar.

Nagluto agad ako at naligo pagkaalis niya. Kailangan kong bilisan para makapasok na agad sa trabaho.

Hihingi pa ako ng pabor sa manager ko dahil madami pa akong assignments at projects na gagawin.
May pinapagawa paman din sakin yung Science prof namin.

Matapos ang lahat kong kailangan gawin ay umalis na ako at nagtungo sa trabaho.

Binati ko pa ang dalawang bouncer sa labas at loob saka pumasok.

"Here Ezra." tawag sakin ni Jeedren pagkapasok ko.

Nilapitan ko siya at nginitian.

"Hi. Kaninong table yan?" Sabay nguso ko sa tray na nilagyan niya ng drinks.

"Sa table 3. Kailangan nila ng ash tray. Pero naubusan na tayo. Pwede kabang bumili muna?" Pakiusap niya at ngumiti.

Tinanguan ko siya at kinuha ang pera.

Pangatlong beses na itong nangyari. Mabuti nalang malapit lang dito ang mall.

Sampong ash tray ang binili ko. Buti nalang din at sobra ang perang binigay sakin dahil kung hindi baka maglakad ako pauwi.

Nasa taxi na ako nang makita ko si Kris at yung babae na magkahawak-kamay na naglalakad sa tabi. Mukhang sinamahan niya ito sa pagsho-shopping dahil may bit-bit siya sa kaliwang kamay na tatlong paper bag.

Ganyan pala siya ka maalaga?
Well, bagay din naman sila.

Napahawak ako sa bandang puso ko.
Masaya ako para sa inyu Kris.
Dahil sa kanya nakawala ako sa hindi siguradong tao. Pangiti-ngiti akong lumabas sa taxi at nagbayad. Sobrang gaan kasi sa pakiramdam.

Napansin ko ang dalawang bouncer ngumiti sila sakin at tumango. Para ko talaga silang tatay sa laki nilang tao. Hinawakan pa ako sa ulo ng isa.

"Ingat ka sa loob boy may pinapaamo pa si boss Jeedren doon." Ani ng isa at mahina akong tinapik sa likod.

"Okay po mga kuya." Sabay saludo ko at pumasok.

"What the hell! Anong oras na wala parin ba yung hiningi ko?!"

Yan ang malakas na bungad sakin pagpasok.
Dalawang lalaki ang kaharap ni Jeedren. Namumula ang mukha nong lalaking sumigaw kanina.

Ito ba yung pinapaamo na sinasabi ni kuya kanina? Langya! Nakakahakot na siya ng attention.

Naiiling akong bumaling ng tingin sa tabi ni Jeedren. Kita ko ang pagpigil niya sa dalawang malalaking bouncer.

Anong silbi ng dalawang bouncer kung hindi nila ito aawatin? Natatakot ba sila kay Jeedren? E mas lamang naman ang katawan nila dito ah? Lumapit ako ng bahagya sa kanila saka nagsalita.

"Ito po ba ang hanap mo? Pasensya na po bumili pa kasi ako. Medyo natagalan lang din dahil traffic." Kahit wala talagang traffic.

Inabot ko kay Jeedren ang dala at kinuha niya naman ito.
Hindi ako nakatanggap ng sagot kaya binaling ko sa lalaki ang tingin.

Anong nangyari sa kanya?

Gago. Tinitigan niya kasi ako. Ang kaninang parang bombang sasabog ay naging maamong tupa na.

"Bakit po?" medyo naweirdohan ako sa kanya.

"Sorry? Ahm ano, hindi ko na pala kailangan ng ash tray." Siya habang nakatitig parin sakin.

Nakarinig kami ng pekeng ubo kay Jeedren kaya sabay kaming bumaling sa kanya.

Tinaasan niya pa ako ng kilay. Nagpahiwatig na nagtataka.

𝗣𝗼𝘀𝘀𝗲́𝗱𝗲𝗿(𝗢𝘄𝗻) COMPLETED ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon