CHAPTER 7

1.4K 62 3
                                    

Sumapit ang oras nang pagkanta kaya naging busy ang lahat. Isa ako sa katulong sa pag-aayos ng mga gamit sa entablado.

Nangmatapos namin ayusin ay nagsialisan narin kami sa taas.

Bumalik ako sa bar counter at pinagpatuloy ang pagseserve.

Kadalasan sa mga nandito ay mga babae. Pero hindi lang basta babae dahil makikita mo talaga sa unang tingin palang na may ibubuga.

Halos puno narin lahat ng table.

May iba na galing pang eskwela dahil sa nga uniporme.

Nabatid kung iba ang pinasukan nila dahil sa alam ko naman ang logo ng university namin at iba ang sa kanila.

Pabalik na ako sa counter  nang maharangan ako ng dalawang malalaking tao.

Mukha silang businessman sa suot. Umiwas ako at nagpatuloy.

"Here drink this." Binigyan agad ako ni Jeedren ng tubig pagkalapag ko sa tray.

Walang pagdadalawang isip ininom ko agad ito.

Napahalakhak siya kaya ngumuso ako.
"Bakit nandito kapa? Akala ko ba 1 week lang ang punishment mo?"

Tanong ko at tumunghay sa table niya.

"Bakit ba atat kang umalis ako? Eh Pinadagdagan ko nga ang punishment ko."

Gago. Mayron bang ganun? Parang kontrata lang na kapag na expired mag rerenew?

Sinalubungan ko siya ng kilay dahil diko siya magets.

Tinawanan lang ako ng gago.

"Nagustuhan ko ang pagtatrabaho dito kaya ayaw ko pang umalis. At tsaka paniguradong mamimiss mo din ako. At ayokong malungkot ka."

Sininyasan ko siya na lumapit.
Pagkalapit niya ay piningot ko siya sa ilong. Ang hangin kasi.

"Ampanget mo talaga kausap."

Ang gago tinawanan lang ulit ako. Namula pa ang ilong niya.

Napa ayos lang ako ng upo nang magsimula nang tumugtog.
Tumingin ako sa entablado at nakita silang apat. So sila ang banda na tinutukoy ni Jeedren kanina.

Kumakanta sila ng higit limang kanta ata. Dahil sa madami ang nagrerequest.

Bago palang sila pero napakahusay na nilang tignan.

Napahanga ako sa boses ni T. Malamig ang boses niya na saktong sakto.

Siya ang sa lead guitar, Si Dom ang sa rhythm guitar, Kay Amir ay bass guitar, and lastly si Mat ay sa drums.

Habang tumatakbo ang oras ay naging busy ulit ako sa pagseserve.

Papunta ako ngayon sa table 9. At nakita ko ang dalawang nakasalubong ko kanina. Sila yung mukhang business man.

Pagkalapag ko ng kanilang inumin ay tinignan ko sila at nginitian. Mukha silang magkapatid dahil sa maypagka pareho sila ng mukha. Pareho ding malalaki ang katawan.

"Have a nice night sir. Enjoy your drinks po."
Pagkatalikod ko ay siya namang pagsalita nang isa.

"Wait."
Humarap ako habang nakangiti.

Ang nakakulay blue na suit ang nagsalita.

"Po?"

"What's your name?" Tanong niya sabay inom.

"I'm Ezra po." Magalang kong sagot.

"You're working here?"

Tumango ako.

"How old are you?"

Yung kasama niya nakatitig lang sakin. At naninigarilyo.

"Ahm bakit po?"

"I'm Alex. I have a company.
And I just thought of hiring you as my secretary." Deretsahang sagot niya.

Napatingin ako sa kasama niya nang tumawa ito nang may pangungutya.

"Secretary huh?" Hinagod niya pa ako nang tingin.

Binigyan ako ng calling card ni sir Alex. Lakas kong maka sir.

Sinabihan ko siyang pag-iisipan ko muna ito at umalis.

"Natagalan ka. Sino yun?"
Bungad ni Jeedren.

Tinignan niya yung dalawa.

"Ahh si sir Alex."

"Alex Fortalente?"

"Kilala mo? Hindi ko alam kong anong apelyedo niya. Teka" sabay tingin ko sa calling card.

Alex Fortalente nga yung name niya.

"Ayy Oo siya nga. Pano mo nalaman?"

Inismiran niya ako.

"Wala kabang alam sa mga balita? Siya yung nangunguna sa mga multi billionaire dito sa Pinas. Napakasikat niyan para mapadpad dito."

"Bakit andami mong alam?" Diko maiwasang itanong. Nakakahanga kasi halos lahat nang itanong ko sa kanya alam niya.

Kaya nakikibalita nalang talaga ako sa kanya minsan.

Tinulak niya ako sa noo kaya tinampal ko ang daliri niya.

"Wagnang maraming tanong. Asikasuhin mo nalang yung mga customer natin."

Nginusuhan ko siya. Umikot ako paharap para sana tumingin sa mga customer nang bumungad sakin ang apat.

"Can we talk?" Si T

Tinanguan ko siya.

Ang tatlo naman ay lumapit sa table at nagpamix kay Jeedren.

Tumingin muna ako kay Jeedren at senenyasan siya.

Pagkatapos ay sumunod agad ako sa kanya. Huminto siya sa tabi nang kotseng itim.

Nagsindi nang sigarilyo.

Pinalapit niya ako kaya lumapit ako sa kanya.

"I know what happened." Malamig niyang sabi at nagpalabas nang usok.

Tahimik ko lang siyang pinakinggan.
"You and Salganiro."
Patuloy niya at tumitig sakin.

"He touched you Ezra!" Napakislot ako nang sumigaw siya.

Kita ko ang pamumula nang dalawang mata niya.

"I'm sorry!" Dahil sa gulat kaya napasigaw din ako.

Hinampas niya ang dulo nang kotse at tinapon ang sigarilyo.

Pansin ko ang kamay niyang may band aid.

"Sorry? For what?! You make me insane Ezra. Damn it! I almost forgot that he's my long lost brother!"

Nakagat ko ang sariling labi at yumuko.

Magkapatid sila ni Kris?

Ngayon ko na naiintindihan lahat.
Ang tanga ko pala. Tangina.

Rinig ko ang malalim niyang paghinga.

"I regret meeting you Ezra.
Forget what I've said last time.
I won't bother you anymore. Just please take care and be happy with my brother."

Ani niya sabay talikod at sumakay sa kotse.

Napahawak ako sa pisngi nang may naramdaman.
Umiyak ako?

Ilang saglit lang ay naisipan ko nang bumalik sa loob.

Inayos ko muna ang sarili saka pumanhik.

"Hey guys. Mauuna na daw si T sa inyo." ani ko sa tatlo na sabay akong tinanguan.

Ilang minuto lang din ay umalis na silang tatlo.

Hanggang sa oras nadin nang uwi ko kaya nag-ayos na ako nang mga gamit at umuwi.


𝗣𝗼𝘀𝘀𝗲́𝗱𝗲𝗿(𝗢𝘄𝗻) COMPLETED ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon