"Answer me Ezra."
Hindi ko siya nasagot.
Napatayo lang ako nang maalala ang niluto. Takte sunog na.
"Let me go T. Yung sinaing ko."
Pansin niya siguro ang amoy sunog kaya binitawan niya na ako.
Dali dali akong nagtungo sa kusena at pinatay ang stove. Buti nalang di gaano. May makain pa ako.
Pagkatapos kong maahon ang kanin ay kumuha ako ng hotdog at itlog sa mini ref para pang ulam.
Pinipiraso ko ang hatdog tapos nilagay sa na scramble ko na na itlog.
Habang nagluluto ay napansin ko siya sa bukana ng kusena.
Nahihiya ko siyang inalok nang upuan. Walang salita naman siyang umupo habang nakatingin parin sakin.
Nakakaintimidate talaga siya tumingin. Hayst.
Matapos kong magluto ay naghain na ako.
"Kain tayo. Hindi ko alam kong anong klaseng pagkain ang kinakain mo sa inyu pero masarap to."
Alok ko at sinalinan siya sa plato.
Nagtimpla nadin ako nang kape at nilapag sa tabi niya.
Akala ko di siya kakain pero laking gulat ko nang ganado siyang sumubo.
Sa totoo lang, Siya at si Yen lang ang nakapasok dito. Ni minsan hindi kopa napapasok si Kris dahil hanggang sa labas lang talaga siya.
Pero ngayon nakapasok ang damuhong to. Lasing pa at nakikain.
Napailing nalang ako sa naisip.
Matapos namin kumain ay niligpit ko na ito at hinugasan. Sinabihan ko siyang doon muna sa sala para di siya mainip.
"Pwede kanang umalis." Bungad ko pagkatapos maghugas.
Hindi siya sumagot kaya lumapit ako sa kanya. Hindi ko alam kong matatawa ba ako o maiinis sa nakita.
Langya natutulog siyang nakaupo.
Ayaw ko man ay wala akong choice. Kaya kinuhanan ko nalang siya nang kumot.
Kukuha na sana ako sa kumot nang maramdaman ang presensya sa likod.
Humarap ako at napasinghap nang ilang pulgada lang ang layo ng mukha namin. Akala ko ba tulog siya?
"T."
"What are you doing?" Siya at humawak sa magkabilang gilid ko.
"Kukuha sana ng kumot. Akala ko tulog ka."
"I'm not."
Mas nilapit pa niya ako. Kaya tuluyan na akong napayakap sa kanya. Nilagay nanaman sa leeg ko ang mukha niya.
"Hindi ka galit sakin?"
Naalala ko kasi ang huling usap namin. Galit siya.Binuhat niya ako kaya napakapit ako sa kanyang magkabilang braso at siya naman ang umupo sa kama.
Hindi naman maliit ang kama ko dirin malaki. Sakto lang na makagalaw ako. Malikot kasi akong matulog kaya sinadya ko talaga ang ganito kalaki.
Nilalaro ko lang ang rolyo nang kwelyo niya.
"I am."
Sagot niya kaya napa angat ako nang mukha."I am really really mad at you. But I can't hurt you Ezra. And I'm pretty sure that not too long you'll be mine."
Lasing ba talaga to? Para kasing hindi.
"Hindi kita maintindihan."
"Soon you'll understand me."
Tumango ako.
"Umuwi kana. Gabi na baka nag-alala na ang mga magulang mo." akmang aalis sa kanya nang pigilan niya ako."2minutes Ezra."
Ilang sandali ay bumitaw na siya. Sabay kaming nagtungo sa pinto habang nakahawak siya sa kamay ko.
"Sleep Ezra. Lock the door when I leave."
Tapos ay hinalikan ako sa noo bago umalis.
Pagkaalis niya ay pumanhik na ako sa kwarto at natulog.
Ibang araw na naman bukas ibang pangyayari nanaman. Sana hindi masama ang bungad sakin bukas.
BINABASA MO ANG
𝗣𝗼𝘀𝘀𝗲́𝗱𝗲𝗿(𝗢𝘄𝗻) COMPLETED ✓
RomansaThiago Alcedo is known for being a cold person. He is one of most powerful student in A-University. He had a band named "Cliff". Ezra Paterna a boy with a silent life. Simple and has no family a top scholar of A-University. Working student in Atina...