Nandito kaming lahat Ngayon sa soccer field nag-aantay sa P.E Instructor namin.
May ipapagawa daw siyang activities.Pareho lang kaming lahat ng suot. Bali apat kaming departamento na pinagsabay. Puro freshmen.
Ilang minuto lang din ay dumating na ang Instructor namin at hinati kami.
Pinagroupo niya kami ng lima. Nagkasama sama ang iba't ibang department.
Magkahiwalay kaming apat ng Groupo. Si Yen kasama si Blaire. Si Kris naman ay nasa diko kilala.
Ganun din si Jeff.Mabuti nalang at sa naging ka groupo ko sina Dreck at Trint yung minsang nakasama namin sa cafeteria nuon.
Kung nagtataka kayo asan sina T ay wala sila. Balita sa university na nagtatake sila ng special treatment dahil sa mapera ay pumayag ang lahat ng profs.
Papasok lang sila kung gugustohin.
At hindi naman sa magpapabaya sila. May pupunta namang profs sa kani kanilang bahay.Sarap maging mayaman no? Yung tipong pera lang ang pinapakilos.
Napabuntong hininga ako ng wala sa oras.
"May problema ba Mr. Paterna?" Tanong nang instructor namin. Malapit lang kasi ako sa kanya kaya siguro napansin niya ako.
Nahihiya akong umiling tsaka yumuko.
"Sorry sir can I exchange a group member?"
Biglang tanong ni Kris kaya napatingin kami sa kanya.
"Why Mr. Salgarino ayaw mo ba sa kagroupo mo?"
"No sir. I just want a same group with Paterna."
"Sorry Mr. Salgarino but I already organize this group. Don't worry Hindi naman siya mapapabayaan ng mga kateam niya, right?"
Ani ni sir at bumaling sa groupo namin.
Isa lang ang babae samin at diko pa kayang kausapin. Makatingin kasi sakin laging nakataas ang kilay.
"Yes sir!" Sabay na sagot nila.
"Okay! So let's start our activities now."
Unang activity namin ay running, tapos nasundan nang volleyball, at football.
Masaya naman kahit hindi ako nakakapuntos. Ang hina ko kasi sa mga ganitong bagay.
Nakuha namin ang 3rd placer sa volleyball. At 6th placer sa paunang pagtakbo. At 0 sa football.
Kahit hindi kami nanalo ay masaya naman ang naging laro namin.
Binibigyan din ako ng tubig minu minuto ng kasamahan ko.Kahit laging nakataas ang kilay ni Ashley ay di naman niya ako binabara.
Ashley ang nag-iisang babae sa groupo namin. Dinig kong IT student pala siya.
"Baby"
Lumapit sakin si Kris at pinunasan ang noo ko.Kakatapos lang namin lahat at binigyan kami ni sir ng 1 minute break kaya lahat kami nakasalampak dito sa upuan.
May upuan kasi dito na pahugis sa soccer field. Malawak Ang unibersidad at maraming pwedeng tambayan. Kaya lang wala akong oras. Kung hindi sa cafeteria at library lang ako nakatuka.
Lahat kami nagpapahinga.
Yung kasamahan ko bumalik sa mga tropa nila.Sina Trint at Dreck naman ay nasalikod ko sa itaas banda kasama ang dalawang kaibigan.
Namula ako ng piking umubo sina Trint. Kanina pa pala sila nakatingin samin.
"Ako na. magbihis ka rin baka matuyuan ka." Ani ko at kinuha sa kanya ang towel.
"Okay." sabay naghubad sa harapan ko.Baliw talaga siya.
Yung mga babaeng haliparot ayan umoot na naman. Sakit nila sa tenga.
Nakasimangot akong umupo.
Tapos niyang masuot ang tshirt ay nilapitan niya na ako.
"Why are your face like that?" Taka niya sabay upo sa tabi.
"Wala."
Nakakainis lang dahil wala akong karapatan. Wala naman din kasing kami.Mahina siyang tumawa sabay hawak sa ulo ko.
"Your jealous. My baby is jealous."
"Tss.Baby your face. Why would I jealous?"
Bumaling ang tingin ko sa harapan at nagtitingin sa mga kanya kanyang groupo.
Napatawa ako ng may naghahabulan at nadapa ang isa.
"Don't look at them."
Tinignan ko siya.
"Why Kris? Why can't I look at them?"
Hinintay ko ang sagot niya habang nakipagtitigan. Naalala ko ang sinabi ni T kagabi.
"Cause I don't like it. You should only focus on me."
Sinalubongan ko siya ng kilay.
"Why?" Give me a reason bakit hindi pwede Kris.
"I'm jealous." Amin niya na nagpatibok sakin.
Hinawakan niya ang leeg ko.
"You know what I can do if I'm jealous right?" napatango ako.
Ngumiti siya at hinalikan ako sa noo.
𝐍𝐀𝐊𝐀𝐁𝐀𝐋𝐈𝐊 na kami sa room at kasalukuyang nakikinig sa discussion.
"Baby Ez narinig ko kumanta daw sina T sa Atina Bar. Totoo ba'yon?"
Chismosa talaga tong babaeng to. Palagi nalang siyang nakakasagap.
"Oo."
Ang baliw hinampas ako.
"Bakit dimo sinabi?""Malay ko bang die hard ka pala sa kanila."
Tumunghay siya at ngumuso.
"Kahit naman seryoso sila crush ko parin si Amir."
Napalaki ang mata ko. Mukhang nadulas ang gaga. HAHAHA
"Ohhh. Crush mo pala yung mukhang adik?"
Biglang sabat ni Jeff. Isa pang chismoso. Mag pinsan nga naman.Naiiling akong nagfocus sa harap. Sa library na naman ang bagsak ko nito mamaya.
Dinig ko ang singhap si Yen.
"Tangina mo talaga gago." mura niya at hinampas si Jeff.
Matapos ang klase ay kumain muna kami at nagkanya pagkatapos. Nagpaalam si Kris sakin na uuwi may kukunin daw.
Bawal ang lumabas ng gate hanggat wala pang oras ng uwian pero dahil mayaman kaya pwede.
Si Yen ay kasama si Tyl at Blaire. Ewan kung kailan sila naging close. Well, dina kataka taka sa ugali ni Yen madali lang talaga siyang magaanan ng loob.
Si Jeff ay nagkaroon din ng mga kaibigan.
Ako lang ngayon nag-iisa patungo sa Library. Nadadaanan ko pa ang ibang department. Narinig ko hagikhikan ng tatlong babae sa unahan ng makalampas ako.
"My god! Ang gwapo talaga nila." Tili ng mga babae nang makadaan.
Diko na sila pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.
Hindi pa ako nakaliko ay nakita ko ang kumpolan nang mga babae sa Music Hall.
May kumakanta ata.
Hindi na muna ako makiusyuso baka maabotan pa ako ng oras.
Lumiko ako at nagtungo sa library.
"Goodmorning ma'am." Bati ko sa librarian.
"Goodmorning din hijo."
Pinalog-book niya ako saka kumuha ng mga librong babasahin.
BINABASA MO ANG
𝗣𝗼𝘀𝘀𝗲́𝗱𝗲𝗿(𝗢𝘄𝗻) COMPLETED ✓
RomanceThiago Alcedo is known for being a cold person. He is one of most powerful student in A-University. He had a band named "Cliff". Ezra Paterna a boy with a silent life. Simple and has no family a top scholar of A-University. Working student in Atina...