Kakatapos ko lang magbigay ng order sa table 12 nang may mag-order na naman. Bakit ang dami na namang tao ngayon? Tss kadalasan pa talaga mga babae.
"Kung pagod kana magpahinga ka. Iba nalang ang papagawain ko niyan."
Napaangat ako ng tingin ng marinig si Jeedren. Nasa tabi ako ng dalawang customer habang siya nag mi-mix."Kaya ko naman. Hindi pa ako napapagod." Sabay bigay ko ng ngiti sa kanya.
"Hard headed."
Napanguso ako ng marinig ang sinabi niya. Magsasalita sana ako pero diko na tinuloy. Binaling ko nalang ang tingin sa entablado.
Bumungad sakin ang tingin niyang nakakapaso. Sa uri ng tingin niya para niyang tinanong kung 𝒔𝒂𝒂𝒏 𝒌𝒂 𝒈𝒂𝒍𝒊𝒏𝒈 siguro kanina niya pa ako hinahanap. Di ko na kasi siya nalapitan ng magtungo sila sa entablado kanina.
Napabuntong hininga ako nang magsipasokan sina Yen. Binigyan niya ako ng isang matamlay na ngiti habang papalapit sakin.
Hindi ko nakita si Tyl at Blare sila lang dalawa ang wala dito.
"Baby"Ani niya pagkalapit.
Nginitian ko lang sina Trint at Jeff."Yen sina Blare?" Tanong ko ng diko parin sila makitang sumunod.
"Ahm hinatid niya si Tyl baby. About kanina kung may plano ka wagmunang ituloy. Nag-usap na kami ni Tyl."Umiling ako at tumingin ulit sa entablado. Kung ang pagiging uno niya sa klase ang magpapanatili sa kanya. Gagawin ko ang lahat. Kaibigan ko siya matalik ang turing ko sa kanya. At alam kong depress siya sa pamilya niya, yun lang din naman ang kaya kong gawin bukod sa pagpapalaya ng taong gusto niya.
"Yen alam mo kaibigan natin si Tyl. Ayaw ko siyang umalis dahil lang sakin. Ako ang problema kaya nararapat lang na magiging uno siya."
Humawak siya sa kamay ko at bahagya itong pinisil. Walang komento sina Jeff pero alam kong nakikinig lang sila pareho.
"Not a good decision."
Napatingin kami kay Dreck ng marinig ang sinabi niya. Bulong lang siguro yun kung dilang natigil ang kanta kaya narinig namin.
"What?" Maang niya ng tinignan namin siya.
Hindi na ako nagsalita pa at hinintay nalang matapos ang gabi.Masaya naman kahit nasasagap sa isip ko ang usapan namin ni Tyl kanina.
Nakokontento naman ako kahit top 2 o top 10 pa. Wala naman akong problema basta hindi lang ako mawalan ng scholarship.
"Love"
Huling serve ko na 'to dahil tapos narin sina T sa pagkanta ay oras ko narin sa pag-uwi. Malakas talaga ang kapit niya sa manager namin.Yumakap ako sa tagiliran niya pagkalapit.
"Uuwi na tayo?" Tanong ko saka binigay kay Jeedren ang tray.Hinalikan niya muna ako sa gilid nang noo saka tumango.
"I want you to rest early. May pasok pa tayo bukas love."Tumango ako at tumingin kay Jeedren. Kanina pa siya hindi nagsasalita.
Pagkatapos kong magbihis ay nagpaalam na ako sa manager namin.
"Jeedren una na kami." Ani ko na sinagot niya ng tango.Nakakapanibago ang gago.
Sabay kaming lumabas ni Yen habang nakasunod lang samin sila T.Pagkarating sa parking area ay nagpaalam na kami ni Yen sa isa't isa.
Habang sina Mat, Amir at Dom ay sabay na umalis."Love nag-usap ba kayo ni Dom?"
Tanong ko habang nasa byahe.Umiling siya at saglit na tumingin sakin bago binalik sa daan ang atensyon.
"Why?"
"Wala lang. Eh Sina Mat at Amir?"
Sa pangalawang tanong pinagsigkit niya ang makapal niyang kilay saka binagalan ang takbo.
"Nag-usap kami pero tungkol sa pagpasok bukas. Why love?"
Nagkibit balikat ako. Wala lang kasi ang tahimik kasi nilang apat kanina.
Ilang minuto lang din ay nakarating na kami sa bahay. Pareho kaming nagtaka ng may ilaw sa loob at may tatlong kotse sa labas.
Sabay pa kaming nagkatinginan dahil sa pagtataka. Wala namang tao kanina bago kami umalis patay din ang ilaw.
"Love may bisita ka ata, mukhang madami sila." Kinakabahan kong sabi at humawak sa kamay niya pagkalapit sakin.
"Don't worry maybe it's only dad and tito."
Tinungo naman ang pinto at siya na ang nagbukas. Sabay kaming pumasok at sabay din kaming nagulat.
Akala ko dad at tito niya lang. Pero hindi nandito si Kris kasama si Ethel at mama ata nito. Nandito rin si sir Denver. Wala si sir Tin siguro nasa dining area.
"Invading my privacy huh?" Batid ko ang asim sa boses ni T saka nagtungo sa kanang bahagi ng sopa.
"Get change your clothes first love. I'll call you later for dinner." Bulong niya bago nagtungo sa sopa.
Wala akong narinig na nagsalita kaya nagmadali na akong umakyat sa taas at nagtungo sa kwarto namin.
Ano kaya ang pag-uusapan nila? Bakit nandito ang pamilya ni Ethel? At ang mama ni Kris? Tangina ang lakas ng pintig ng puso ko.
BINABASA MO ANG
𝗣𝗼𝘀𝘀𝗲́𝗱𝗲𝗿(𝗢𝘄𝗻) COMPLETED ✓
RomanceThiago Alcedo is known for being a cold person. He is one of most powerful student in A-University. He had a band named "Cliff". Ezra Paterna a boy with a silent life. Simple and has no family a top scholar of A-University. Working student in Atina...